HINDI si Mark Anthony Fernandez ang makakapareha ni Claudine Barretto sa kanyang pagbabalik-pelikula, kundi si Xian Lim. Magkakasama sina Claudine at Xian sa isang romance-drama movie under Viva Films. Ayon sa aking source, mabilis daw na nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Masaya raw sila sa set. Gandang-ganda raw si Xian kay Claudine na, in fairness, ay medyo pumayat na bago nila simulan ang pag-shoot ng pelikuka. Okey na okey din naman daw si Xian kay Claudine at hanga raw ang aktres sa actor dahil magaling itong umarte. Aabangan syempre ng…
Read MoreAuthor: admin
DIOKNO: ‘WALANG PORK BARREL SA P3.757 TRILYONG BADYET!’
(Ni ABBY MENDOZA) ISINALBA ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa iskandalong pasan-pasan nito hinggil sa bilyun-bilyong pork barrel. Sa question hour kahapon, tiniyak ni Diokno sa mga kongresista na walang “insertions” na bilyun-bilyon ang halaga sa mga distrito ng mga mambabatas para sa P3.757 trilyong mungkahing badyet ng administrasyong Duterte para sa 2019 nang tanungin siya ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza ukol sa kontrobersiya. Ang bulto sa sinasabing isiningit na pork barrel ay nakalaan sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highway…
Read MoreGOV’T PROJECTS NAKUHA NG ISANG KUMPANYA IBINULGAR
(Ni BERNARD TAGUINOD) IBINULGAR kahapon ni Majority leader Rolando Andaya, Jr. na iisang kumpanya lamang ang nakakuha ng napakaraming proyekto ng administrasyong Duterte sa iba’t ibang lalawigan simula 2017. Idiniin ni Andaya na sa halip na korporasyong marami ang may-ari ay iisa lamang ang may-ari ng C.T. Leoncio Construction and Trading at ito ay si Consolacion T. Leoncio batay sa rekord ng Securities and Exchange Commission (SEC). Aniya, nakakuha ang C.T. Leoncio Construction and Trading ng napakaraming kontrata sa iba’t ibang probinsya tulad ng Sorsogon, Catanduanes, Samar, National Capital Region…
Read MoreP16.8-B TINANGGAL SA DOH BADYET IPINABABALIK
(Ni NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Franklin Drilon na ibalik kahit P16.8 bilyon lamang ng P28 bilyong tinanggal ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa badyet ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon. Sa kanyang apila sa Senate Finance Committee, idiin ni Drilon na malaking dagok hindi lamang sa DOH, kundi sa mga mahihirap na pinagsisilbihan ng pamahalaan kung mababawasan ng bilyun-bilyong pondo ang nasabing kagawaran. Hindi makatwiran na bawasan ng malaking halaga ang pondo ng DOH dahil isa ito sa ahensiya ng pamahalaan para ilarga ang social…
Read MoreRESOLUSYON PARA SA 14 TH MONTH PAY NG QC GOV’T EMPLOYEES IPINASA
IPINASA na ng Sangguniang Panglunsod ng Quezon City ang resolusyon nito na naghihikayat kay Mayor Herbert Bautista na bigyan ng 14 th month pay ang mga kawani ng pamahalaang lokal. Ayon sa City Resolution 7651-2018 na inakda nina Councilors Allan Butch Francisco, Godofredo Liban II, Eric Medina, at Hero Bautista ay patungkol Personnel Emergency Relief Allowance (PERA) na ang layunin ay bigyan ng subsidiya bilang tulong na magagamit ng mga kawani sa kanilang mga gastusin ngayong kapaskuhan. Bukod sa mga regular, isinama rin ng mga konsehal sa mga makatatanggap ng…
Read MoreGMA ITINURONG MGA ‘BATAAN’ NI DU30 ANG NAKAKUHA NG BILYUN-BILYONG PORK BARREL
LUMABAS sa mismong bibig ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na tadtad ng ‘prok barrel’ ang mungkahing P3.757 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa susunod na taon. Ngunit, idiniin niya na higit na malaki ang pork barrel ng mga kilalang bataan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dating mga namumuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Itinuro ni Arroyo sina dating Speaker Pantaleon Alvarez na P5 bilyon ang pork, dating Majority leader Rodolfo Fariñas na P3.5 bilyon ang pork at P4 bilyon naman kay dating House Appropriations Committee chairman Karlo Nograles. Si…
Read MoreKAPALPAKAN NG INTELLIGENCE CAPABILITY NG PAMAHALAAN BINANATAN
SA halip na si presidential son Paulo Duterte ang upakan, binanatan ni Senador Nancy Binay ang ahensyang nagbigay sa anak ng pangulo ng impormasyong may plano ang oposisyon, mga taong simbahan at ilang business establishment na maglunsad ng destabilisasyon laban sa pamahalaan. Ani Binay, ipinapakita lamang ng “palpak na intelligence report” ang kasalukuyang estado ng intelligence gathering ng administrasyong Duterte dahil kasama sa planong destabilisasyon maging ang mga taong matagal nang patay, imbalido at aniya’y “character ng mga fast-food chain.” Kamakalailan, nagpakawala ng ‘pasabog’ si Duterte na nagsasabing nagbabalak ang…
Read MoreGMA: ‘PEKE ANG ‘CONFIDENTIAL LETTER’ KO PABOR SA MORE ELECTRIC AND POWER CORP.’
(Ni BERNARD TAGUINOD) WALANG umanong nalalaman si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nagbigay siya ng “confidential letter” sa isang kongresista para makipag-ayos kay Senadora Grace Poe ukol sa pagpasa ng prangkisa ng More Electric and Power Corporation. Ang ginawa ni Arroyo ay nanawagan sa Philipine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) upang alamin kung sino ang gumawa ng aniya’y pekeng sulat kay Palawan Rep. France Alvarez. Si Alvarez ang chairman ng House Committee on Legislative Franchises. Ang laman umano ng liham ni Arroyo ay ‘hiniling’ niya kay…
Read MoreDIDAL, ISA SA ‘MOST INFLUENTIAL TEENS’ NG TIME MAGAZINE
(Ni V. T. ROMANO) NAPASAMA ang pangalan ni Margielyn Didal bilang isa sa 25 Most Influential Teens of 2018 ng TIME Magazine. Ang 19-anyos na si Didal ay nakilala sa 2018 Asian Games skateboarding competition matapos siyang manalo ng isa sa apat na gintong medalya para sa Team Philippines sa nasabing quadrennial meet. Sa panayam ni Suyin Haynes ng TIME Magazine, idiniin ni Didal ang labis-labis na kasiyahan sa pagsuporta ng kanyang pamilya at kasintahan sa kanya. Nakatuon ang panayam sa 2020 Tokyo Olympics. “It’s going to be the big…
Read More