Matapos ang 92-98 loss sa unang tune-up game kontra Jordan, niresbakan ng Team Pilipinas ang bisitang koponan, 82-73 sa ikalawang tune-up kagabi sa mainitang laro sa Meralco gym. Nag-init ang ulo ni coach Yeng Guiao at kinompronta ang coach ng Jordan na si Joey Stiebing sa midcourt matapos na ibato ng Jordanian player ang bola kay Scottie Thompson sa huling 6:26 sa laro. Kahit sa unang tune-up pa lamang ay nagkakainitan na ang magkabilang kampo, lalo nang daganan ni Mohammed Hussein si Christian Standhardinger. Mabuti na lamang at may mga…
Read MoreAuthor: admin
FEU TAMARAWS HUMABOL SA F4
Sinelyuhan ng huling tres ni Arvin Tolentino ang panalo ng FEU Tamaraws kontra La Salle Green Archers, 71-70, upang kunin ang huling silya sa Final Four ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum. Sumandal ang Tamaraws sa 7-2 run na kanilang ipinuslit sa mga huling sandali ng labanan upang emosyunal na kunin ang huling slot sa semis sa ikaanim na sunod na pagkakataon Lamang ang Archers, wala nang isang minuto sa labanan, matapos ang huling lay-up ni Aljun Melecio, 70-64, ngunit isang foul buhat kay Santi…
Read MorePORTLAND TUMAKAS SA KNICKS
NEW YORK — Nagtulong sina CJ McCollum at Damian Lillard nang hakbangan ng Portland Trail Blazers ang New York Knicks, 118-114 sa NBA action noong Miyerkules. Umiskor si McCollum ng 31 points, habang si Lillard ay may 29 points, eight assists at six rebounds. Silang dalawa ang kumamapara sa Portland sa halos kabuuan ng laro, habang si Evan Turner naman ang tumapos nang isang put back ang kanyang gawin mula sa mintis na basket ng kakampi sa huling 9.5 segundo. Si Tim Hardaway Jr. ay nagtala ng 32 points para…
Read MoreBABAENG OFW, NAGBIGTI
Isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) ang natagpuang nakabigti at wala nang buhay ng kanyang kinakasama sa loob ng kanilang bahay sa Lungsod ng Caloocan kamakalwa ng gabi. Sa ulat ni PO1 Ryan Albert Dapadap ng Caloocan City Police Community Precint VI, ganap umanong alas 9:45 ng gabi nang matagpuan ni Albert Encipido, 31 anyos ang kanyang kinakasamang si Sheryl Dauz, 31 anyos din na nangingitim na at wala nang buhay na paluhod na nakabigti gamit ang isang abaca rope na nakapalupot sa kanyang leeg at nakatali sa steel brace…
Read More2 MOST WANTED PATAY SA BUY BUST OPERATION
BULACAN – PATAY ang dalawang itinuturing na most wanted sa San Jose del Monte, Bulacan sa isang magkahiwalay na operasyon ng mga pulis, nitong Martes ng gabi. Sa report, lumitaw nakipagpalitan ng putok ang suspek na si Jovan Magtanong na itinituring na no. 4 most wanted sa Barangay San Rafael nang magpositibo sa isinagawang buy-bust operation. Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, director ng Bulacan Police Provincial Office, sangkot umano ang suspek sa iba’t ibang kaso at labas-masok sa kulungan. “Meron siyang other criminal activities. Isa ‘yung holdup-robbery at carnapping…
Read More4 TIMBOG SA DRUG SESSION
ARESTADO ang apat na trabahador ng tinaguriang “Stairway to Heaven” footbridge sa Scout Borromeo St., Quezon City habang bumabatak ng ilegal na droga sa kanilang barracks. Ayon sa pulisya, inireklamo ng isang concerned citizen ang mga trabahador dahil umano sa lantarang bentahan at paggamit ng droga. Aminado ang mga suspek na gumagamit sila ng droga habang naka-duty. “Lagi po kasi kaming puyat eh. Baka po madisgrasya, masyado pong mataas. Baka antukin kami,” ayon sa isang suspek. Nakuha mula sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at drug…
Read More2 KIDNAPPER BULAGTA SA ENGKUWENTRO
PATAY ang dalawang hinihinalang kidnapper makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Batangas, nitong Miyerkoles ng medaling-araw. Ayon sa ulat ng pulisya, nakatunog ang isa sa mga kidnapper na may may pulis na sumama sa taong magbibigay sana ng P100,000 ransom sa kanila. Nagtangkang tumakas ang dalawang suspek ngunit inabutan sila ng mga pulis at dito nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek. Ayon sa pulisya, Martes pa ng hapon nang kontakin ng mga kidnapper ang kaanak ng dinukot nilang lalaki, kaya sila ay…
Read MoreBANGKAY SA GARBAGE BAG
Isang bangkay ng lalaking pinagpilitang pagkasyahin sa isang garbage bag ang natagpuan sa isang bangketa sa Lungsod ng Caloocan kahapon ng umaga. Sa ulat ng Caloocan City Police Community Precint VI ay ganap umanong alas 7:00 pasado ng umaga nang matagpuan ng isang concerned citizen ang kahina-hinalang itim na garbage bag sa kahabaan ng London Street, Vista Verde, Barangay 167, Llano ng nasabing lungsod na mabilis ding na itinawag kay Leomer Abad, 55 anyos, may kinakasama, na siyang OIC security ng Vista Verde at residente ng Dahlia Street, Barangay 187,…
Read MoreBEAT BRONER FIRST BAGO ANG REMATCH
Ayaw munang pag-usapan ni Pacquiao ang potential rematch niya kay Mayweather sa susunod na taon. Nabuhay ang rematch issue, nang magkita ang dalawa sa Japan kung saan mismong si Mayweather ang nag-ungkat na babalik siya sa boksing para muling labanan ang Filipino boxing great. Naglaban at tinalo ni Mayweather si Pacquiao noong 2015. Pero, para kay Pacquiao, kinakailangan munang kumbinsido niyang talunin si Broner bago isipin si Mayweather. “I don’t think Adrien will agree with that, because I need to pass through him. This is not an easy fight,” wika…
Read More