BRONER: PACQUIAO CAN’T BEAT ME!

BEVERLY HILLS, Calif. — Muling nagkaharap sina eight-division world champion Manny Pacquiao at Adrien Broner sa ikalawang press conference ng kanilang WBA welterweight match sa Enero 2019. Katulad sa unang press conference sa New York, nagpalitan ng pangako ang magkabilang kampo sa kung ano ang dapat asahan ng fans sa kanilang 12-round fight na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, mula sa pinagsanib na promosyon ng MP, Mayweather at TGB at mapapanood sa pamamagitan ng Showtime PPV. Inihayag ni Broner na hindi siya kayang talunin ni Pacquiao.…

Read More

UAAP WOMEN’S BASKETBALL: UST SWAK SA STEPLADDER SEMIS

Inakay ni MVP Grace Irebu ang University of Santo Tomas sa stepladder semis nang talunin ang La Salle, 79-67 sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa Araneta Coliseum kahapon. Ang Congolese center na si Irebu ay humirit ng siyam ng kanyang 29 points sa payoff period para pangunahan ang Tigresses sa pag-entra sa next round. Nakatuwang ni Irebu si Mythical Team member Sai Larosa na nag-ambag ng 18 points, four rebounds at two blocks, bagamat may walong errors. Habang may 16 points at four rebounds si Loraine Capilit. Susubukan…

Read More

ELIMS WAWALISIN NG PETRON

Games Tommorow: (Filoil Flying V Centre) 2:00 p.m. – Cocolife vs Generika-Ayala 4:15 p.m. – Smart vs F2 Logistics 7:00 p.m. – Foton vs Petron Wawalisin ng Petron ang first round sa pagsagupa kontra mainit na Foton sa Philippine Superliga All-Filipino Conference bukas sa Filoil Flying V Centre in San Juan. Alas-siyete ng gabi ang laro at target ng Blaze Spikers ang ikapitong sunod na panalo laban sa tigasing Tornadoes, na nanaig sa huling lima ng kanilang anim na laro sa prestihiyosong women’s club tourney. Bago ang main game, seselyuhan…

Read More

DAPAT PINOY ANG MAKINABANG SA MGA CHINESE PROJECTS

(Ni BERNARD TAGUINOD) Kailangang tiyakin ng gobyernong Duterte na mga Filipino ang magpapatupad ng mga proyektong popondohan ng China na kabilang sa mga memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping. Ito ang iginiit ng mga minority bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, dahil kung mga Chinese nationals umano ang magtatrabaho sa mga proyektong ito at mga Chinese materials ang mga gagamitin ay madedehado ang mga Pinoy. “Sana naman ang kontrata ay kontrata na purely exclusive to China. Yung kontrata na kung baga, puwedeng open…

Read More

MOBILE NUMBER FOREVER NA

(Ni BERNARD TAGUINOD) Maaaring magamit na ng mga mobile phone subscribers ang kanilang mga mobile phone numbers kahit lumipat pa ang mga ito sa ibang telecommunication Companies (Telcos). Ito ay matapos ratipikahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Bicameral Conference Committee Report ng panukalang “Mobile Number Portability Act”. Nakatakdang i-transmit ng Kongreso ang nasabing report sa Palasyo ng Malacanang para malagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bago maging ganap na batas. Sa ilalim ng nasabing panukala, ang kasalukuyang hawak na mobile number ng mga subscribers ay maaaring gamitin sa ibang…

Read More

KRISIS SA BIGAS TAPOS NA – SEC. PIÑOL

(Ni ABBY MENDOZA) Pagpasok ng 2019 ay wala nang mararanasang krisis sa bigas dahil mayroon nang sapat na supply. Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol matapos ang matagumpay na bidding sa 543,000 metric tons ng bigas na isinagawa ng National Food Authority (NFA). Ayon kay Piñol ang in-import na bigas ay gagawin sa pamamagitan ng “government to private companies scheme” at ang nanalong mga bidders ay kinabibilangan ng Capital Crops Co. Ltd ng Thailand; Shwe Wah Yaung Agriculture Production Co ng Myanmar; Olam International Ltd ng Singapore; Asia…

Read More

GABRIELA TO THE RESCUE SA ‘ANG PROBINSYANO’

Nakakuha ng suporta sa hanay ng mga militanteng kababaihan sa Kamara ang television series na “Ang Probinsyano” ni Coco Martin, matapos kastiguhin ang panggigipit umano ng Department of Interior and Local Governent (DILG) sa nasabing programa. Ayon sa Gabriela party-list group na kinakatawan nina Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, wala sa lugar ang DILG at Philippine National Police (PNP) na i-pressure ang nasabing programa para pagandahin ang imahe ng kapulisan. Sinabi ng grupo na hindi ang programa ng aktor na si Martin ang nagpapadumi sa imahe ng PNP…

Read More

SUPER POWER, ‘DI SAGOT SA PROBLEMA SA TRAPIK

Kahit bigyan pa ng super power ang mga ahensya ng gobyerno na nag-iimplementa ng mga batas sa trapiko sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao, ay hindi mareresolba ang problemang ito sa mga lansangan hangga’t hindi inuuna ang katiwalian sa kanilang hanay. Ginawa ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza ang pahayag matapos isalang na sa deliberasyon ang House Bill 6425 o Traffic Crisis Act of 2017 sa pangunguna ni House committee on Transportation chairman Cesar Sarmiento ng Catanduanes. Kabilang sa mga kapangyarihang ibibigay sa mga ahensya ng gobyerno tulad…

Read More

P2T ‘DI GINAGASTOS NG GOBYERNO; DBM SEC. DIOKNO IPAPATAWAG SA ‘QUESTION HOUR’

Umaabot sa mahigit P2 trilyon ang pera ng taumbayan na ayaw gastusin ng gobyerno kaya ipapatawag ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno para humarap sa Question Hour sa Kapulungan para personal na magpaliwanag. Sa press conference ng minority bloc kahapon, sinabi ni House minority leader Danilo Suarez, na sandamakmak ang pera ng gobyerno, subalit nakakapagtataka na ayaw itong gastusin ng pamahalaan. Nabatid na sa naturang halaga, P1.3 bilyon ang pondong hindi nagastos ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III…

Read More