(BY JONATHAN “JONES” ANG) Tunay na kinagigiliwan ng madla ang BakClash – ang pinakabagong portion ng pinaka-durable na kasalo sa pananghalian, ang Eat Bulaga! Sa nakaaaliw na noon time show segment na ito, si Paolo Ballesteros na naka-make up at naka-costume bilang Regine Velasquez a.k.a. Ate Redg a.k.a. Songbird, ang siya namang umaaasta bilang si Ate Redgie a.k.a. Songchicken with matching tiktilaok pagkatapos humalit ng “BakClaaashhh! Isa laban sa isa paaaa!” Hahahaha Ang naturang constant opening and closing spiel na ‘yon ni Pao, kung inyong matatandaan, ay kahalintulad o offshoot…
Read MoreAuthor: admin
CHINESE MONEY SA 2019 ELECTION, POSIBLE – SOLON
Hindi isinasantabi ng isang opposition congressman ang posiblidad na magkaroon ng Chinese money sa 2019 mid term election para matulungang manalo ang mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte. “It’s a possibility. Its very dangerous actually,” ani Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa press conference nang natungin kung may posibilidad na tutulong ang Communist party ng China sa PDP-Laban lalo na’t mayroong alyansa ang dalawa. “For me the reason why the Communist party of China signed an agreement,” ayon pa kay Alejano. Nangyari na umano ito sa Sri Lanka kung saan…
Read MorePANGAKO NG CHINA SA PINAS, KINUWESTYON
Bagama’t noong 2016 pa nangako ang China na pauutangin si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang Build-Build-Build Program ay wala pang natutupad gayung nangangalahati na ito sa kanyang termino. Ito ang nabatid kay Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa press conference kahapon kaugnay ng pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa. “Kulang pa ba ang pagsisipsip ni President Duterte kay Xi Jinping at bakit hanggang ngayon ay bakit hindi pa nako-consumate yung pangako, etong mga pledges na gustong ibigay ng China sa atin,” ani Alejano. Sinabi ng mambabatas na…
Read MoreNATIONAL BUDGET LUMUSOT NA
Pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang 2019 national budget na 3.757 Trillion sa Mababang Kapulungan ng Kon-greso, isang araw matapos pagdudahan ng Senado ang mabagal na pag-apruba ng mga Congressman sa nasabing pondo. Sa botong, 196 pabor at 8 tutol, tuluyan nang lumusot ang national budget na pinaghihinalaan ni Sen. Panfilo Lacson na sinisingitan ng pork barrel kaya nade-delay ang pagpapatibay dito ng Kamara. Sa press conference ni House majority leader Rolando Andaya Jr., bago pagtibayin ang national budget, inamin nito na isa sa mga dahilan kung bakit…
Read MorePACQUIAO, ROACH MAY REUNION
Muling tinapik ni Manny Pacquiao ang serbisyo ni Hall-of-Fame trainer Freddie Roach para sa kanyang nalalapit na laban kay Adrien Broner sa Enero 19, 2019. Isiniwalat ni Pacquiao bago ang press conference nitong Lunes sa Manhattan, New York na magtutulong sina Roach at Buboy Fernandez sa training camp at maging sa gabi ng laban sa MGM Grand Arena sa Las Vegas. Magugunitang hindi si Roach ang naging chief trainer ni Pacquiao nang labanan at talunin via seventh-round KO si Lucas Matthysse noong Hulyo sa Kuala Lumpur. Nilinaw din ni Pacquiao…
Read More105 ARAW NA MATERNITY LEAVE PIRMA NA LANG NI DU30 ANG KULANG
Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maging batas ang “105 days Expanded Maternity Leave law” matapos ratipikahan ito ng Kamara sa ikalawang pagkakataon ang bicameral conference committee report ng nasabing panukala. Unang niratipikahan ang nasabing panukala noong Oktubre 3, 2018 subalit binawi ito matapos tutulan ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) ang tax exemption at appropriation provisions ng nasabing panukala. Muling pinag-aralan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala at nagkasundo na alisin ang mga tinutulang probisyon ng Executive…
Read MoreRAPIST KALABOSO
PASUQUIN,ILOCOS NORTE – KALABOSO ang isang lalaki makaraang ireklamo ng panggagahasa sa kanyang step daughter at mahulihan ng ilegal na droga kahapon ng umaga. Nakilala ang nadakip na si Rodel Agbayani, residente ng Brgy.Caruan, ng nasabing lalawigan. Sa report ni C/Insp. Roldan Suitos, hepe ng Pasuquin PNP, nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa panggagahasa umano ng suspek sa dalagitang anak ng kanyang live-in partner. Dahilan upang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip nito. Nakuha pa mula sa pag iingat ng suspek ang isang granada at pakete…
Read MoreBANGKAY NG GINANG NATAGPUANG PALUTANG LUTANG
ALBAY – PALUTANG-LUTANG na natagpuan ang bangkay ng isang ginang matapos umanong mahulog ito sa tumaob na bangka na kanilang sinasakyan kahapon ng umaga. Ayon sa report ng Philippine Coast Guard, ang biktimang si Mylene Rondina ng Brgy. Maramba ay nawawala pa noong nakaraang linggo matapos bumaligtad ang kanilang sinasakyang bangka kasama ang kanyang asawa at tatlo nilang mga anak sa karagatang sakop ng Libon. Sa kabutihang palad ay nagawa mailigtas noon ng mga mangingisda sa lugar ang mister at ang tatlong bata habang ang biktima ay nawawala. Hanggang sa…
Read MoreRETIRADONG SUNDALO, TODAS SA RIDING-IN-TANDEM
PAGADIAN CITY – PATAY ang retiradong miembro ng Philippine Army (PA) makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang riding-in-tandem sa labas ng kanilang bahay kahapon ng umaga. Ang biktimang si Mario Fernando Piga, 55- taong gulang, at residente ng Barangay Banale, Pagadian City ay hindi na umabot ng buhay sa pagamutan dulot ng tinamo nitong sugat sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan. Ayon kay Pagadian City Police Chief Superintendent Alvin Saguban, naghuhugas lamang umano ng plato sa labas ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang dalawang lalaking sakay ng…
Read More