MARILAO, BULACAN – Sabog ang bungo ng rider makaraan barilin ito sa sentido ng hindi pa kilalang suspek na sakay ng kotse matapos na magkasagian ang mga ito kahapon. Kinilala ang biktimang si Melchor Borja, 36-anyos habang nakaligtas naman ang kapatid nitong si Mario. Sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa McArthur Highway sa Barangay Abangan, Marilao, Bulacan nang magkabaanggan . Batay sa kuwento Mario , angkas siya nang salpukin sila sa likuran ng suspek. Pagbaba umano ng driver (suspek), sa halip na tingnan yung pagkabangga kung ano ang…
Read MoreAuthor: admin
POP DIVA MARIAH CAREY RELEASES NEW ALBUM, SETS 2019 WORLD TOUR
Multiple Grammy award winner Mariah Carey has just released a new album titled Caution. Ika-15 studio album na niya ito. So far, puro papuri ang natatanggap na reviews ng album, at dahil dito, biglang sumirit sa iTunes charts hindi lang ang bagong album na ito kundi pati ang sountrack sa 2001 movie ni Mariah na Glitter! Ang lead single ng album, “With You,” ay nauna nang ni-release last month (October 4). Bago pa nito, ni-release naman ang promotional single na “GTFO” noong September 12; at “A No No,” itong November…
Read MoreANAK PATAY, AMA SUGATAN SA BANGGAAN
SOUTH COTABATO- PATAY ang apat na taon na gulang na batang lalaki habang sugatan ang kanyang ama makaraan mabangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nasawi na si Francisco Talino, 4-anyos habang sugatan naman ang ama nito na si Boy Talino, 44-anyos residente ng Barangay Hanoon, Lake Sebu, South Cotabato. Batay sa report ng pulisya, dakong alas 3:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa Provincial Road, Purok Sampaguita, Barangay Lamsugod ng naturang bayan. Lumalabas sa imbestigasyon, nakainom umano si Boy habang minamaneho ang motorsiklo nito angkas…
Read MoreHINALAY BAGO PINATAY
NEGROS OCCIDENTAL – Basag ang bungo at walang saplot pang ibaba nang matagpuan sa isang babaeng pinaniniwalang pinagsamantahan bago tuluyan pinatay ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Merlyn Villamar, nasa hustong gulang at nakatira sa La Carlota, Negros Occidental na sinasabing ikakasal na sana sa kanyang kasintahan sa susunod na buwan. Nakita rin sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang bato na may dugo na pinaniniwalaang ipinukpok sa biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan. Lumalabas sa pagsisiyasat, huling nakita si Merlyn noong Sabado…
Read MoreDRIVER PATAY SA KARIBAL
NEGROS OCCIDENTAL – PATAY ang isang jeepney driver makaraan pagbabarilin ng kanyang karibal sa babaeng kanyang karelasyon kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Marlon Sixto, 36-anyos, ng Bago City, Negros Occidental. Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Frank Alvarez Sr, 46-anyos ng nasabing lugar. Ayon sa report ng pulisya, bago ang insidente sinundan umano ng biktima ang kanyang karelasyon at sa pagbaba nito sa jeep, pinigilan umano nitong tumawid at pinilit umanong kinukumbinsing sumala sa kanya sa Bacolod City, sakto naman ang dating ng suspek at nakita ang…
Read MoreNASA DRUG LIST TIMBOG
ARESTADO ang isang construction worker makaraan salakayin ng mga operatiba ng Novaliches Police ang hinihinalang drug den sa Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Quezon City, nitong Martes. Ayon sa ulat, target ng mga awtoridad ang may-ari ng bahay na si alyas Ricky, isang construction worker at nasa drug watch list ng pulisya. Si Ricky ay kilala rin umanong supplier ng armas at droga sa nabanggit na barangay. Nakumpiska sa suspek ang mga sachet ng hinihinalang marijuana, shabu at dalawang baril. Sinabi naman ni Supt. Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police…
Read More84 TRUCK, BUS STRANDED KAY SAMUEL
SURIGAO CITY – UMABOT sa 84 truck at bus ang stranded sa labas ng Lipata Port sa Surigao City nitong Martes nang kanselahin ang mga biyahe ng RORO vessels noong Lunes dahil sa epekto ng bagyong Samuel. Nabatid na mahaba na ang pila ng mga nakaparadang cargo truck at dumarami dahil sa pagdating ng ilan pa mula sa ibang lugar. Idinaing ng ilang mga driver na nasisira ang karga nilang mga gulay na ibabiyahe papuntang Tacloban. Kung sa Miyerkoles ay hindi umano rin sila makasasakay ng barko, mabubulok na umano…
Read MorePAGBUHAY NG VIGILANTE GROUP ITINANGGI NG PNP
ITINANGGI kahapon ng Philippine National Police ang sinasabing planong pagbuhay ng “Alsa Masa” vigilante group upang mapalakas ang suporta ng komunidad sa kampanya kontra krimen. Sa halip, paglilinaw ni Calabarzon police director, Chief Supt. Edward Carranza, palalawakin nila ang Community Mobilization Project (CMP), ang intelligence gathering system na unang inilusad sa rehiyon. Sinabi naman ni PNP Directorial Staff deputy director General Camilo Pancratius Cascolan, ang CMP ay bilang pagpapabuti lamang ng police partnership sa publiko sa pamamagitan ng pagpapahintlot sa kanila sa pagsasagawa ng citizen’s arrests, “‘Wag silang mag-worry, dahil…
Read MoreWALANG BANTA VS XI JINPING VISIT
Paniniyak ng Metro Manila police, walang nakaambang bantang panganib sa state visit ni Chinese President Xi Jinping. SI Xi ay kasalukuyang nasa bansa para sa kanyang unang state visit sa Filipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, nasa 6,000 police officers ang itinalaga ng mga awtoridad para sa nasabing pagbisita ng lider ng China habang itinaas ang full alert status hanggang ngayong Miyerkoles. Napag-alaman, may nakapuwestong mga anti-riot police sa mga rutang daraanan ni Xi upang matiyak ang kanyang seguridad.…
Read More