PATAY ang isang mangingisda matapos pagsasaksakin ng kanyang kasamahan nang mauwi sa pagtatalo ang kanilang pag-uusap habang nasa laot, iniulat ngayong umaga sa General Santos City. Arestado ang suspek na si Junnie Canillas, residente ng Brgy. Fatima, General Santos dahil sa pagpatay sa biktimang si Marlon Tenajeros, 48, residente ng Brgy. Calumpang, sa nasabi ring siyudad. Batay sa report ng Regional Maritime Unit Region 12 (RMU-12), magkasamang pumalaot ang biktima at suspek sakay ng MV Atlantis nang bigla na lamang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at nagtalo. Dito, kumuha ng kutsilyo…
Read MoreAuthor: admin
DUQUE SABLAY SA COVID-19 ‘2ND WAVE ISSUE’
MINSAN na ring na-PUNA ng inyong lingkod itong si Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III kamakailan sa kanyang pagsasabi na wala pa raw local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas kahit na ang isang nagpositibo ay walang travel history abroad. Natatandaan pa natin na ang kaso ng COVID-19 sa Pinas noon ay tatlo pa lamang at ang isa na nagpositibo ay hindi lumabas ng bansa, pero ipinipilit ng kalihim na wala pa raw local transmission sa atin. Sabi tuloy ng tagasubaybay ng PUNA, saan nahawaan ang isang nagpositibo sa…
Read MoreSI DUTERTE NA LANG MAY TIWALA KAY DUQUE BADILLA NGAYON
HINDI matatanggal si Dr. Francisco Duque III bilang kalihim ng Department of Health (DOH) kahit naglabas ito ng impormasyon tungkol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na taliwas na taliwas sa pananaw ng mga opisyal ng Malakanyang, lalo na syempre ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kamakailan, sinabi ni Duque, nasa ‘second wave’ na ang Pilipinas sa COVID -19. Maraming nagulat dito, lalo na mga opisyal sa Malakanyang dahil hindi ganito ang “impormasyon” na natanggap nila kaya naman kaagad iwinasto ni Roque ang maling pahayag ni Duque. Ngunit, hindi pinagalitan o pinagtaasan man…
Read More5M PANG PAMILYA IPINASASAMA NI PDU30 SA CASH AID PAYOUT
IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa inter-agency task force na isama ang 5 milyong households bilang recipients ng emergency cash aid mula sa pamahalaan. Sa ipinalabas na memorandum araw ng Sabado, May 23, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay inatasan na isama ang “additional five million eligible households” para sa second tranche ng Social Amelioration Program. Ang limang milyong eligible households ay idaragdag sa 12 million beneficiaries sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development…
Read MoreHOUSE AND LOT SA VALEDICTORIAN NG PMA AT PNPA, IBIBIGAY NI PDU30
MAKATATANGGAP ng house and lot ang bawat valedictorian ng mga nagsipagtapos mula sa Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA) sa taong kasalukuyan. Ang recipients ng house and lot ay sina Cadet First Class Gemalyn Sugui ng PMA Masidlawin Class of 2020 at Fire Cadet Lei Anne Banico Palermo ng PNPA Mandayug Class of 2020. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang talumpati sa virtual commencement exercises na idinaos sa Malakanyang na ang house and lot ay donasyon ng Villar-led Vista Land & Lifescapes Inc. Samantala,…
Read MoreKASO NG COVID-19 SA BULACAN,165; 10 NAKAREKOBER
UMAKYAT na sa 165 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lalawigan ng Bulacan matapos makapagtala ng labing-tatlo na bagong kaso kabilang ang dalawang tatlong taong gulang na bata, ayon sa Bulacan Provincial Health Office (PHO). Base sa pinakahuling datos na inilabas ng PHO nitong Biyernes ng hapon, labing-tatlo ang bagong tinamaan ng nasabing virus habang sampu naman ang nakarekober. Tatlumpu naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi habang animnapu’t walo na ang kabuuang nakarekober. Ang bagong Covid cases ay kinabibilangan ng kapwa 3-taon gulang mula sa bayan ng Plaridel…
Read MoreAURORA NIYANIG NG 5.4 MAGNITUDE NA LINDOL
NAKARAMDAM ng intensity 6 na lindol ang mga residente ng Aurora provice kahapon ng umaga. Sa earthquake information No. 2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 16 kilometers southwest ng bayan ng San Luis, bandang alas-10:10 Sabado ng umaga na may magnitude na 5.4. Naramdaman din ang pagyanig sa Metro Manila. Sa report ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity 6 earthquake sa Baler, Aurora, habang Intensity 5 naman sa San Luis, Dipaculao at Maria Aurora, Aurora. Intensity 4 naman sa Casiguran at…
Read MoreSa kapalpakan ng DOH – solon COVID SA PINAS, LULUBHA
NANGANGAMBA si Senador Ping Lacson sa posibleng paglala pa ng sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kung hindi isasaayos ng Department of Health (DOH) ang kanilang sistema. May kinalaman ito sa hindi anya tamang datos na ibinibigay ng DOH kaugnay sa mga tinamaan ng virus. “Sa akin, nakakatakot at nakakapangamba. Sa tingin ko pag ganyan at ganyan ang takbo di tayo magtatagumpay, marami pang madidisgrasya. Hindi accurate ang binibigay na datos,” saad ni Lacson. Pinuna ni Lacson ang 14 araw na backlog ng DOH sa mga isinasagawang test na minsan…
Read MoreHindi pa rin bumabangon makalipas ang tatlong taon TERORISMO SA MARAWI, MAUULIT?
NABABAHALA si Senador Imee Marcos na posibleng muling sumiklab ang panibagong insidente ng terorismo sa Marawi City dahil sa pagkabalam ng mga ipinangakong rehabilitasyon ng gobyerno sa lugar sanhi ng krisis at lockdown ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Inihayag ito ni Marcos sa paggunita ng ikatlong anibersaryo ng Marawi Siege kasabay ng pagtatapos ng Ramadan ngayong weekend. “Mahirap ang ginagampanang tungkulin ng military ngayon, bukod sa pagbibigay ng seguridad, nagsisilbi rin silang mga frontliner sa gitna ng problema sa COVID-19 para masiguro na maayos na madedeliber ang serbisyo. At hindi…
Read More