POSITIBO ang dalawang mambabatas mula sa majority bloc sa Kamara na makatutulong ang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19. Ang reaksyon ng mga mambabatas ay kaugnay ng panawagan ng Department of Finance na madaliin ang pagsasabatas ng panukalang CITIRA. Ayon kay KABAYAN Party-list Rep. Ron P. Salo, layunin ng CITIRA na gawing mas “enticing investment location for many types of operations, from manufacturing to services” ang buong Pilipinas. Para naman kay AKO BICOL Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., saktong solusyon ang…
Read MoreAuthor: admin
JODI: ‘HINDI AKO MAGMAMARUNONG SA BATAS!’
Sa pangalawang pagkakataon ay naging moderators kaming muli ni Bianca Gonzalez noong Martes ng gabi sa ginanap na ‘Laban, Kapamilya’ online event sa pamamagitan ng Facebook live. Isa si Jodi Sta. Maria sa mga Kapamilya stars na nagbigay ng mga saloobin tungkol sa pagpapasara ng ABS-CBN dahil sa kautusan ng National Telecommunications Commission. Matatandaang napaso na ang prangkisa ng Kapamilya network noong May 4 at kinabukasan ay pinatigil na ito sa operasyon. “Parang in denial ako, nangamba, natakot. Siguro nagalit din ako sa naging desisyon nila na ipasara ang tinuturing naming pangalawang…
Read More15 NPA NAPATAY SA ENCOUNTER
UMAKYAT na sa labinlimang (15) miyembro ng New People’s Army ang napaslang ng military sa naganap na bakbakan sa boundary ng Misamis Oriental at Agusan del Norte. Ayon sa ulat na ibinahagi ni 402nd Infantry Brigade Philippine Army Commander Brigadier General Faustino Licudine, sampu sa nasabing bilang ay naibaba na, habang ang lima ay inilibing agad dahil nasa state of decomposition na. Nabatid na ang sagupaan ay bunsod ng inilunsad na opensiba at hot pursuit operation ng military simula nang magkasagupa ang 23rd Infantry Battalion Philippine Army at may 70…
Read MorePROVISIONAL FRANCHISE NG ABS-CBN ‘DI HAHARANGIN NI PDUTERTE
HINDI haharangin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang mabigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN para maipagpatuloy nila ang kanilang Free TV at Radio Broadcast. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ginagalang ng Malakanyang ang desisyon ng Kamara na ipasa sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6732, na nagbibigay ng prangkisa sa network hanggang October 31, 2020. Aniya pa, walang nakikitang dahilan si Pangulong Duterte na i-veto ang panukala kung naaayon naman ito sa konstitusyon. Muli ring iginiit ng Palasyo na nananatiling neutral ang Pangulo sa isyu ng prangkisa. Mabilis na…
Read MorePAGBANGON PAGKATAPOS NG COVID-19
HINDI biro ang pinagdaraanang hirap ng bawat Filipino sa dagok sa buhay na ibinigay ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagmula sa Wuhan, China at kumalat sa buong mundo. Sabagay, hindi lang naman ang Pilipinas ang lubhang naapektuhan subalit maging ang iba pang bansa, maliit o malaki, tulad ng Amerika, Espanya at Italya. Buhay, kalusugan, kabuhayan, kaligayahan, kalayaan at iba pang mayroon tayo ay inagaw ng hindi nakikitang virus na kinatakutan ng marami. Gayunman, dahil sa pagtutulungan ng bawat Filipino, pwera ang mga pasaway na kahit paulit-ulit na sabihan…
Read MoreKOALISYON NG MARALITA AT NAPC NAGHAHANDA SA ELEKSYON 2022
HINDI kontrobersiyal na ahensya ng pamahalaan ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) kaya hindi gaanong nababalita at pinag-uusapan ng mga tao. Isang beses ko nga lang nabalitaan ang NAPC kung saan ay pinag-usapan ng maraming tao, lalo na ng mga kabilang sa kaliwang grupo at komunista. Marahil, umabot ang nangyari sa NAPC sa “The Netherlands” kung saan matagal nang nakatira si Jose Ma. Sison at ang kanyang maliit na pangkat ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ang kontrobersiyal na balitang binabanggit ko…
Read MoreATTENDANCE SA KAMARA NAKUMPLETO RIN
NAGKAROON na ng dahilan ang mara ming mambabatas sa Kongreso na makumpleto ang kanilang attendance dahil virtual na ang kanilang session at hindi na sila kailangang personal na pumunta sa Batasan Complex para lang sa physical counting. Nitong mga huling virtual session ng Kamara, nakakatuwang makita na umaabot sa 303 ang kanilang attendance bagay na bihirang-bihirang nangyayari sa panahong normal pa ang kaganapan. Dati-rati, mahigit 200 o mas mababa pa ang attendance na naitatala tuwing may session ang Kamara dahil marami sa mga mambabatas ang absent at hindi talaga nagpupunta…
Read MorePROVISIONAL FRANCHISE NG ABS-CBN APRUBADO NG KONGRESO
INAPRUBAHAN ng mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang bigyan ng provisional authority (PA) ang ABS-CBN para makabalik ang mga ito sa ere habang dinidinig ang kanilang prangkisa. Una rito, sa mosyon ni House Majority leader Martin Romualdez, nag-convene ang Kamara bilang Committee of the Whole para talakayin ang panukala na bigyan ng PA ang ABS-CBN hanggang Oktubre 2020. Matapos nito ay isinalang sa plenaryo ang House Bill 6732 na inakda nina House Speaker Alan Peter Cayetano, Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, Batangas Rep. Raneo Abu, Antipolo Rep. Roberto Puno, Bulacan…
Read MoreNAPC ‘AHAS’ NG DUTERTE ADMIN
MISTULANG may lumabas na ‘ahas’ sa administrasyong Duterte nang batikusin ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang National Telecommunications Commission (NTC) hinggil sa inilabas nitong “cease and desist order” (CDO) laban sa ABS-CBN Broadcasting Corporation nitong Mayo 5. Idiniin ng komisyon sa press statement nito na inilabas nitong Mayo 5 ang panawagan ng NAPC-Formal Labor and Migrant Workers Sector (NAPC-FLMWS) na “stand for the rights of the ABS-CBN workers amidst the order to cease and desist to operate and the double burden they face because of the crisis of COVID-19.” Nangangahulugang…
Read More