IIMBESTIGAHAN ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police ang idinaos na birthday party ni PNP-National Capital Regional Police Office chief Debold Sinas. Nabatid na bukod sa utos ni P/Gen Archie Gamboa ay inatasan din ng Justice Department ang NBI para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa paglabag ng opisyal sa guidelines ng enhanced community quarantine sa buong kalakhang Maynila para maiwasan ang paglaganap ng coronavirus disease. Una nang ipinagtanggol ni Gamboa si Sinas subalit nitong Miyerkoles ng umaga ay kumambyo ang PNP chief at sinabing iimbestigahan nila ang insidente.…
Read MoreAuthor: admin
Defensor sa mga supporter ng Kapamilya network PAGGAMIT SA PRESS FREEDOM SUKDULAN
SUKDULAN ang paggamit o pagsangkalan sa press freedom ng mga suporter ng ABS-CBN gayung hindi naman umano apektado ang kalayaan sa pamamahayag sa pagsasara ng nasabing network. Ito ang opinyon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na hindi naniniwalang naapektuhan ang kalayaan sa pamamahayag matapos ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang nasabing network noong Mayo 5. “One network lang yan. Medyo extreme naman ang statement na press freedom,” pahayag ni Defensor. Ayon sa mambabatas, malaya pa ring nakapagre-report ang lahat ng media outlet sa bansa at hindi sila pinagbabawalan…
Read More183 local officials iniimbestigahan na ng DILG KURAKOT SA SAP KASUHAN – PDU30
PINASASAMPOLAN na ni Pangulong Rodrigo Roa duterte sa mga otoridad ang mga tiwaling lokal na opisyal na pinakialaman ang pondo para sa Social Amelioration Program. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, inatasan ng Pangulo ang Department of Interior and Local Government, Philippine National Police at National Bureau of Investigation na kasuhan at papanagutin ang mga opisyal ng lokal ng pamahalaan, mula gobernador at mayor kung meron man sa mga ito, gayundin ang mga kapitan ng barangay na kinurakot ang SAP. Ito ay dahil sa mga sumbong sa Pangulo na binawasan…
Read MoreKongreso hindi nagpabuyo TAUMBAYAN MUNA BAGO ABS-CBN
KUNG mayroon mang dapat unahin ang Kongreso ay ang mga panukalang batas na makatutulong sa sambayanang Filipino lalo na ngayong panahon ng pandemya at hindi ang prangkisa ng ABS-CBN. Ito ang tila mensahe ng ilang kongresista matapos i-pressure umano ng ilang mambabatas at ilang sektor ng lipunan ang Kongreso na aprubahan na ang prangkisa ng naturang TV network. Ayon kay House Deputy Speaker Dan Fernandez ng Laguna, ang taumbayan muna na masyadong apektado sa COVID-19 pandemic ang dapat bigyan ng atensyon ng Kongreso bago ang iba. “Congress will not abandon…
Read MoreMGA INDUSTRIYANG PAPAYAGAN SA ECQ, MECQ AT GCQ, INILABAS NG MALAKANYANG
INISA-isa ng Malakanyang ang mga industriya na papayagan na sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ, Modified ECQ at GCQ. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, sa lahat naman aniya ay pinapayagan ang tinatawag na Category I. Ito, ani Sec. Roque ay ang agriculture; forestry and fisheries; manufacturing of essential goods gaya ng pagkain at beverages, hygiene, medicine and vitamins, medical products, pet food, feeds and fertilizers; hospitals, clinics, mga dermatological, dental, optometric and eye, ear, nose and throat; iyong essential retail, groceries, markets and drugstores. Kasama rin ang…
Read MoreKALAYAAN NG INARESTONG GURO, IGINIIT NG ACT TEACHERS
HINILING kahapon ng party-list group na ACT Teachers na pakawalan ang inarestong guro dahil nagpapakita lamang umano ito ng kanyang pagkadismaya sa gobyerno. Katwiran ng party-list group, pagpapakita ng double standard ang pag-aresto ng mga pulis sa gurong nag-post sa social media na bibigyan niya ng P50 milyon ang makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ang guro ay si Ronnel Mas, 25-anyos. Ayon kay ACT Teachers party-list Rep France Castro, mismo ngang si Pangulong Duterte ay nag-uutos sa militar ng shoot to kill laban sa mga aktibista at kritiko nito. “We…
Read MoreDRUG TRADE SA LAGUNA, MASIGLA NA NAMAN SA KABILA NG ECQ?
BUMABALIK na ang talamak na bentahan ng iligal na droga sa Laguna sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa lalawigan. Nitong araw ng Martes, isa ang napatay samantalang 14 ang naaresto ng mga awtoridad sa magkakasunod na anti-illegal drug operation sa iba’t ibang lungsod at bayan sa Laguna. Batay sa report ng Laguna PNP, nanlaban at napatay ang susspek na si Joel Licup sa buy-bust operation sa Barangay Balibago, Sta. Rosa City, mag-aalas-3:00 ng Martes ng hapon. Si Licup ang pangpito sa mga nasawing drug personality sa mga police operation…
Read MoreCOMPUTERS SA MGA JAIL DARAGDAGAN NI REP. NOGRALES
NANGAKO si Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles na daragdagan ang mga computer sa mga kulungan dahil idinadaan na sa video conference ang pagdinig ng mga korte sa kaso sa mga People Deprived with Liberty (PDLs). “Pipilitin po natin na madagdagan pa ang mga computer sa mga kulungan natin sa buong bansa para na rin magkaroon ng access ang mga PDL natin sa tulong legal,” pahayag ni Nograles. Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos umabot sa 4,683 PDLs ang napalaya sa loob lang ng isang linggo o mula Abril…
Read MoreKAPAMILYA NETWORK, BAKIT NAGKAGANOON?
NAKAPANGHIHINAYANG na ang isang hinahangaan mong media outfit na akala mo ay totoong nagseserbisyo sa bayan na tapat at sumusunod sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ay mayroon palang itinatagong lihim na paglabag dahil sa pagiging isang dayuhan nito. At kahit mga politiko na matagal nang nagtatago dahil sa takot na mahawaan ng coronavirus disease 2019 ay naglutangan at umepal pa bukod pa sa mayroong nagsasabi na kakausapin si Pangulong Rodrigo Duterte upang mabawi ang inisyung cease and desists order (CDO) ng National Telecommunication Commissions (NTC) laban sa ABS-CBN. Bakit…
Read More