DISKUWENTO SA SLEX TOLL PINAG-AARALAN

(NI ROSE PULGAR) MASUSI pa rin pinag-aaralan ng Toll Regulatory Board (TRB) kung magkano ang diskuwento na kanilang ipatutupad sa South Luzon Expressway (SLEX). Ayon kay Raymindo Junia, Private Sector Representative ng TRB, magpupulong pa sa mga susunod na araw, ang Technical Working Group (TWG) para maresolba ang isyu. Kapag napagkasunduan na ng TWG kung magkano ang diskuwento, saka pa lamang nila iaakyat sa board kung magkano ang napagkasunduan saka pa lamang ito maaaprubahan. Sinabi pa ni Junia, sa oras na mareresolba ang usapin ay inaasahan nila sa susunod na…

Read More

IKATLONG KASO NG POLIO NAITALA SA MAGUINDANAO

doh

(NI DAHLIA S. ANINA) KINUMPIRMA ng Department of Health (DoH) ang ikatlong kaso ng polio sa bansa. Isang batang apat na taong gulang mula sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao ang nagpositibo sa polio. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, wala umanong natanggap na bakuna ang bata kontra polio. Naunang nagpakonsulta ang magulang ng bata sa Cotabato Regional Medical Center noong Setyembre at naitala na ang sakit nito ay acute flaccid paralysis. Ipinadala naman ang sample ng dumi ng bata sa National Institute Infectious Disease-Japan upang masuri at nagpositibo…

Read More

SOLON DISMAYADO SA ATENSIYON SA BARRETTO SCANDAL

barretto12

(NI BERNARD TAGUINOD) MISTULANG ikinabanas ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbibigay ng atensyon ng media sa awayan ng mga magkakapatid na Barreto na nagpapahina lamang aniya sa ‘nation’s social fiber’. Sa isang statement, sinabi ni House deputy speaker Rodante Marcoleta ng 1Sagip party-list, hindi dapat aniyang bigyan ng atensyon ang mga away ng Barreto sisters na ilang araw nang laman ng mga balita. “These news and interviews on the private life of each of the siblings and their kin undermine the sacred provisions of the Constitution…

Read More

PAYO SA OFWs: ‘WAG MAG-UWI NG MEAT PRODUCTS

(NI ABBY MENDOZA) NGAYONG malapit na ang Kapakuhan kung saan maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) ang inaasahang uuwi ng bansa, umapela ang Departmet of Agriculrure (DA) na iwasan nang mag-uwi ng meat products mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF). Ayon ay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, mas mahigpit na monitoring ang kanilang gagawin sa mga airport para tiyakin na walang makalulusot na mga meat products dahil posibleng kumpiskahin lamang ito pagbaba nila ng eroplano. “Huwag na silang magbitbit. Makukumpiska lang sa mga airport at seaport, especially if…

Read More

BAWAS-PRESYO 

oil34

(NI ROSE PULGAR) NAGPATUPAD ng katiting na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayon araw, (Oktubre 29). Sa inilabas na anunsyo ng Pilipinas Shell, nasa P0.45 kada litro sa gasolina, P0.10 sentimos kada litro naman sa diesel at wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene  na epektibo ngayon alas-6:00 ng umaga. Hindi naman nagpahuli ang PTT Philippines, Petro Gazz na nagpapatupad din ng kaparehong bawas-presyo sa kanyang diesel at gasolina ngayong araw. Nabatid na unang nag-rollback ang Clean Fuel ng P0.60 sentimos…

Read More

KAMPEON SA UAAP MEN, WOMEN CHESS EVENTS; FEU ‘DI NAGPAAWAT

HINDI naging sagabal sa FEU Tamaraws ang pagkatalo sa kamay ng UST Tigers, 1.5-2.5 sa final round, para angkinin ang UAAP Season 82 men’s chess crown. At doble selebrasyon ito para sa FEU, matapos na ang Lady Tams ay manaig naman laban sa UST, 2.5-1.5 at hablutin ang ikalimang titulo ng torneong ginanap sa UST Quadricentennial Pavilion noong Linggo. Ito ang ika-15 korona ng Tamaraws, pinakamaraming bilang sa mga kasaling UAAP schools sa chess event. Ang FEU ay tinapos ang 14 round na may 43 points, 7.5 points ang layo…

Read More

ESTUDYANTE MAY LIBRENG TERMINAL FEE SA UNDAS

naia15

(NI ROSE PULGAR) MAY libreng terminal fees sa mga paliparan sa bansa para sa mga estudyante ngayong panahon ng Undas 2019. Ito ang inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na gawing magaan sa mga magulang at estudyante ang kanilang bakasyon sa probinsya para sa Undas. Kabilang sa mga free terminals fee ang mula elementary, high school at college level at vocational cources sa mga paliparan na pinangangasiwaan ng CAAP sa buong bansa. Ayon kay CAAP Director General Jim Sydiongco ang Undas holiday ay mabuting opportunity sa mga …

Read More

LEYTE MAYOR KINASUHAN SA INISYUNG PERMIT SA SABUNGAN

sandigan

(NI ABBY MENDOZA) DAHIL sa paggamit sa kanyang posisyon, kinasuhan sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman ang dating alkalde ng Babatngon, Leyte matapos bigyan ng permit ang isang sabungan nang walang isinumiteng kumpletong requirements. Si dating Babatngon Mayor Charita Chan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa Presidential Decree No. 1802 (Creating the Gamefowl Commission) at paglabag sa isang local cockfighting ordinance. Ayon kay Ombudsman Samuel Martires malinaw na ginamit ni Chan ang kanyang posisyon para pagbigyan ang isang negosyante. Nabatid na noong 2009…

Read More

KONTRATA NG MANILA WATER, MAYNILAD, REREBISAHIN 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) IREREKOMENDA ni Senador Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na rebisahin ang kontrata ng Manila Water Co. Inc. at Maynilad Water Services Inc. sa gitna ng panibagong rotational service interruptions. “Yes, dapat ipa-review ng Pangulo. I will suggest to the President na i-review ‘yung kontrata na hindi po pabor sa taumbayan,” saad ni Go. “Dapat ‘pag pumasok ka sa kontratang ‘yan ay dapat panindigan niyo ‘yung supply ng tubig, pati ‘yung babayaran, penalties. Do not pass the burden to the public,” dagdag pa nito. Iginiit ni Go…

Read More