(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na kailangang dumaan sa masusing pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatibay sa panukala na magkaroon ng Department of Disaster Resilience sa gitna ng sunod-sunod na paglindol. Ginawa ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang nasabing pahayag matapos yanigin ng 6.6 magnitude na lindol ang Tulunan, North Cotabato, Martes ng umaga. Ayon sa mambabatas, maaaring gamitin ng Kamara ang Rule 48 kung saan ang mga panukalang batas na naipasa na noong nakaraang Kongreso ay otomatiko ng aprubado. “Madalas tumama ang malalakas na lindol sa amin…
Read MoreAuthor: Jet
PAGBUO NG DEPT. OF WATER MINAMADALI
(NI NOEL ABUEL) TINITIYAK ni Senador Bong Go na maganda ang idudulot ng pagkakaroon ng Department of Water para makatulong sa pagkakaroon ng maayos na supply ng tubig sa bansa. Sinabi ni Go na naniniwala itong ang panukalang pagtatayo ng Department of Water ay magsisilbing ahensya na tututok sa pangangasiwa ng yamang tubig ng bansa. Ayon sa senador, kailangan na maging mas mabilis at mas maaasahan ang pagresponde ng gobyerno pagdating sa pangangailangan ng publiko sa malinis at sapat na tubig at hindi dapat mahirapan dahil sa kapalpakan ng mga…
Read More2 PATAY, HIGIT 100 NASAKTAN SA 6.6 LINDOL SA MINDANAO
(NI JG TUMBADO) UPDATE DALAWA katao ang patay habang nasa 215 iba pa ang sugatan makaraang yumanig ang magnitude 6.6 na lindol na tumama sa malaking bahagi ng Mindanao region kahapon. Batay sa ipinalabas na datos ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nasawi ang 15 anyos na si Jessie Riel Parba, grade 9 student ng Kasuga National High School sa bayan ng Magsaysay at ang 66 taong gulang na si Nestor Narciso ng Koronadal City, South Cotabato. Ayon sa NDRRMC, nabagsakan si Parba ng mga…
Read MoreATENEO ‘DI TATANTANAN NG GABRIELA
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI tatantanan ng Gabriela ang Ateneo de Manila University (AdMU) hangga’t hindi nila makakamit ang mga biktima ng sexual harassment na kagagawan umano ng ilan nilang opisyal. Ito ang pahayag ng Gabriela Youth na kinakatawan ni Rep. Arlene Brosas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa mga kaso ng sexual harassment sa nasabing unibersidad na naging dahilan ng kilos protesta ng mga estudyante at faculty members. “Gabriela Youth stands with the community of Ateneo De Manila University in its calls to end the culture of impunity and…
Read MoreTONI PINATANGGAL SA COMMERCIAL
(PETER LEDESMA) Kahit na may asawa’t anak na si Toni Gonzaga ay protektado pa rin ni Mommy Pinty ang career ng TV host-actress bilang manager nito. At sa lahat ng ayaw ni Mommy Pinty ay ‘yung inaapi ang kanyang mga anak na sina Toni at Alex Gonzaga. Kaya kung mapapansin na wala na si Toni sa TVC ng kilalang brand ng conditioner ay dahil pinatanggal ‘yung part niya ni Mommy Pinty. Lumalabas kasi na sina Heart Evangelista at Nadine Lustre ang ginawang mga bida samantalang matagal na kay Toni ang…
Read MoreKAYA IPINIPILIT; MAY KIKITA SA KALIWA DAM?
(NI BERNARD TAGUINOD) MAYROONG gustong kumita sa Kaliwa Dam project sa Rizal at Quezon na popondohan ng China kaya kahit itatayo ito malapit sa faultline ay ipinipilit ito ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang alegasyon ng Bayan Muna party-list group matapos sabihin ng Pangulo na gagamitin nito ang kanyang police power para maitayo ang nasabing proyekto kahit tinututulan ito ng taumbayan lalo na ang katutubong Dumagat. “Sa sinabi ni Duterte na gagamitin niya ang kapangyarihan nya para ipatupad ang Kaliwa Dam project na lubog sa anomalya at itatayo pa daw…
Read MoreBUS TERMINAL SA CUBAO ININSPEKSIYON NI GAMBOA
(NI AMIHAN SABILLO) MISMONG si PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang nanguna sa pag-iinspeksyon upang matiyak na nailatag nang maayos ang seguridad ngayong Undas. Kanina, ang bahagi ng Araneta Bus Terminal sa Quezon City ang nilibot nito kasama si NCRPO Director Debold Sinas. Inalam ni Gamboa ang kahandaan ng mga pulis na nakakalat sa terminal at mga assistance desk na takbuhan ng mga pasahero sakaling magkaroon ng mga insidente. Kinamusta ni Gamboa ang ilang mga pasaherong naghihintay ng kanilang byahe paprobinsya at namigay ng flyers ng Ligtas Undas 2019.…
Read More300 KAWANI NG STAR CITY BINIGYAN NG TRABAHO
(NI LYSSA VILLAROMAN) MAGKAKAROON ng konting ningning sa Kapaskuhan ang nasa 300 empleyado na apektado ng nasunog na Star City makaraang pagkalooban ang mga ito ng pansamantalang trabaho ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano. Ang mga apektadong empleyado ay binigyan ni Calixto-Rubiano ng 30-araw na trabaho na itatalaga sa iba’t-ibang departamento ng Pamahalaang Panglungsod gayundin sa mga barangay sa naturang siyudad. Ayon kay Filipinas Sampang, hepe ng Public Employment Service Office (PESO), ang pagtulong sa mga empleyadong biktima ng sunog sa Star City ay direktiba ni Mayor Calixto-Rubiano alinsunod na…
Read More6.6 LINDOL YUMANIG SA ILANG BAHAGI NG MINDANAO
NIYANIG ng magnitude 6.6 earthquake ang ilang bahagi ng Mindanao, ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ang epicenter ay naitala sa Tulunan town sa Cotabato province, kung saan nilindol din nitong buwan na pumatay sa tatlo katao. Naitala ang lakas ng lindol sa: Intensity VII – Tulunan at Makilala, Cotabato; Kidapawan City; Malungon, Sarangani Intensity VI – Davao City; Koronadal City; Cagayan de Oro City Intensity V – Tampakan, Surallah at Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani Intensity IV – General Santos City; Kalilangan, Bukidnon Intensity…
Read More