(NI BERNARD TAGUINOD) KAUNTING panahon na lang at maibibigay na ang P30,531 na sahod ng mga nurse na nagtatrabaho, hindi lamang sa mga pampublikong pagamutan, kundi sa iba pang government health facilities. Ito ang napag-alaman kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa press conference nitong Martes sa Kamara kaugnay ng nasabing sahod ng mga government nurse na inayunan kamakailan ng Korte Suprema. “I am happy that no less than Speaker Alan Peter Cayetano, we ‘ve discussed this and he is already coordinating with Senator Bong Go. In fact, sinabi nya…
Read MoreAuthor: Jet
KIDNEY FOR SALE SA FB; DOH NAGBABALA
(NI KIKO CUETO) NAGBABALA ang Department of Health (DOH) na posibleng makasuhan at makulong ang sinumang makikipag-transaksyon o magbebenta ng mga kidney o bato sa katawan, sa social media. Aminado ang DOH na nababahala sila sa mga naglipana na bentahan ng mga kidney sa social media gaya ng Facebook. Nagsisilbi pa na buy and sell ang mga kidney, kung saan nape-presyuhan ito ng mula P250,000 hanggang P500,000. Ang malaking bahagi nito ay napupunta sa tinatawag na middleman. Aminado ang Philippine Organ Donation and Transplantation Program ng Department of Health (DOH)…
Read MorePHILHEALTH OFFICIALS PARURUSAHAN
(NI NOEL ABUEL) TINITIYAK ng ilang senador na may maparurusahan sa anomalyang kinasasangkutan ng mga opisyales ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay ng health claims. Ayon kay Senador Christopher Lawrence Go, sisiguruhin nitong may maparurusahan sa sinumang opisyales ng nasabing ahensya. “Ako, as the Senate Committee on Health chair, naniniwala ako na dapat kasuhan ang dapat kasuhan, ‘yung mga involved sa fraudulent claims,” ani Go. Giit nito, kailangang maibalik sa taumbayan ang lahat ng pera ng gobyerno kahalintulad na lamang umano ng implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law. “Up to…
Read MoreRESCUE IN TANDEM SA BAWAT OSPITAL, IGINIIT
(NI NOEL ABUEL) DAHIL sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga naaaksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga motorista ay panahon nang magkaroon ng rescue-in tandem. Layon umano nito na agad marespondehan ang mga naaksidente o nangangailangan ng agarang medikal na atensyon. Inihain ang panukalang batas ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. na magkaroon ng motorsiklong tagaresponde ang bawat ospital maging ito man ay pribado o pampubliko upang mas mabilis na matugunan ang tawag na emergency saan mang lugar. Sa ilalim ng Senate Bill No. 1120 o, “An Act…
Read MoreMARAMING PINOY, NABUBULAG
(NI NOEL ABUEL) IKINABAHALA ng isang senador ang dumaraming bilang ng mga Filipino na may kapansanan sa paningin, kabilang ang pagkabulag. Sinabi ni Senador Leila de Lima sa kapwa nito senador na tulungan ito para sa pagpasa ng isang panukala na maglalagay ng mga klinika sa eyecare clinics sa buong bansa upang matugunan ang dumaraming paglala ng kapansanan sa paningin, kabilang ang pagkabulag ng mga Pilipino. Sinabi nito na nakababahala na parami nang parami na ang bilang ng mga Filipino na nagkakaproblema sa mata na ipinagsasawalang bahala dahil sa kawalan ng sapat…
Read MoreLUPA SA MAGSASAKA IPAMAHAGI NA – IMEE
(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Imee Marcos na panahon nang tapusin ang sinimulan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos halos limang dekada na ang nakalilipas na pagkakaloob sa mga magsasaka ng lupang pagtataniman nito. Isinampa ni Marcos ang Senate Bill No. 849, o ang “Emancipation of Tenants Act of 2019,” na naglalayong isulat ang lahat ng hindi bayad na mga pag-amortisasyon, pagbabayad ng interes, parusa o surcharge mula sa mga pautang na na-secure ng mga benepisyaryo ng repormang agraryo (ARBs) sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform…
Read MoreGERALD HINDI DINAMAYAN SI JULIA; JOSHUA NAGBABAD SA LAMAY
(NI PETER LEDESMA) NASENTRO sa away nina Gretchen at Marjorie Barretto ang issue nang magkagulo ang magkapatid sa wake ng kanilang Daddy Mike (Miguel). Kaya hindi naisulat o napansin ‘yung pagpunta ni Joshua Garcia sa lamay para damayan ang kanyang former girlfriend na si Julia Barretto. Sobrang nagdadalamhati ang dalaga sa pagkawala ng kanyang Lolo Pikey (tawag ng young actress sa lolo). In fairness, nagtagal daw talaga si Joshua na inalalayan pa si Julia kaya marami ang natuwa sa gesture nito. Pero ang talagang hinanap daw sa burol ay ang rumored…
Read MorePAGREPASO SA K-12 PROGRAM IKINAGALAK NG DEPED
(NI KEVIN COLLANTES) NAGING malugod ang pagtanggap ng Department of Education (DepEd) sa plano ng House of Representatives na repasuhin ang pagiging epektibo ng K to 12 Basic Education Program. Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na umaasa itong magiging maganda ang kalalabasan ng pagrepaso sa K to 12 program at resulta sa panibagong commitment at inisyatiba sa pagitan ng mga mambabatas, advocates at iba pang stakeholders, na makatutulong para makamit ang layunin ng programa. Nauna rito, inianunsiyo ni House Speaker Alan Peter Cayetano nitong Linggo na napagkasunduan ng mababang…
Read MoreBAWAS-PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO
(NI ROSE PULGAR) MAGPAPATUPAD ng katiting na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga (Oktubre 22). Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, PTT Philippines , Seaoil, Phoenix Petroleum Philippines, Petro Gazz, Chevron, at Total ang bawas presyo na P0.25 sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel at P0.25 sa kada litro ng kerosene na epektibo ng alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang…
Read More