(NI JOSEPH BONIFACIO) LARO NGAYON: (MOA ARENA, PASAY) 2:00 P.M. – ADU VS NU 4:00 P.M. – UE VS UP PALALAKASIN pa ng University of the Philippines Fighting Maroons ang tangan nito sa segunda pwesto, kasabay nang pagresbak mula sa huling kabiguan, habang magtatangka naman ang tatlong bottom teams na manatiling buhay ang kanilang pag-asa sa Final Four sa umaatikabo na namang 82nd UAAP men’s basketball actions ngayon sa MOA Arena. Nakasabit sa no.2 spot hawak ang 5-3 baraha, iiwas ang Fighting Maroons na malaglag sa kumpol na gitnang bahagi…
Read MoreAuthor: Jet
MAYNILAD, MANILA WATER PINAKAKASTIGO NA KAY DUTERTE
(NI BERNARD TAGUINOD) NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na kastiguhin na ang water concessionaires dahil bina-blackmail na umano ng mga ito ang mga consumers. Ginawa ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza kasunod ng balak ng Manila Waters at Maynilad na magtaas ng 780% na singil sa tubig matapos patawan sila ng Korte Suprema ng multang tig-P921 Milllion dahil sa paglabag ng mga ito sa Clean Water Act. “We are urging the government and President Duterte to look into the concession agreement, have…
Read MoreREHABILITASYON NG LRT-2 TUTUTUKAN
(NI NOEL ABUEL) TIWALA ang ilang senador sa pahayag ng mga opisyales ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na matutupad ang pangako nitong agad na maibabalik ang normal na operasyon ng LRT-2. Sinabi ni Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services na nagsasagawa na ng masusing pagsisiyasat ang LRTA sa rehabilitasyon ng nasirang bahagi ng rectifiers na nagsu-supply ng power sa Anonas-Katipunan stations. Mismong si Dr. Paul Chua, LRTA deputy for operation and engineering, ang nagsabi sa mga senador na hindi aabot ng siyam na buwan ang…
Read MoreMAGSASAKA SAGIPIN – SOLON
(NI NOEL ABUEL) “HUWAG hintaying patay na ang kabayo, ipatupad na ang mga magsasalba sa mga magsasaka”. Ito ang giit ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan dahil sa umano’y sinasapit na problema ng mga magsasaka sa bansa kung kaya’t naaalarma na ito na posibleng tuluyang malugi ang mga ito. Aniya, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa loob ng walong taon ay bumagsak ang presyo ng palay sa P15.96. Idinagdag pa nito, ang mas mababa ito sa 1.5 porsiyento noong nakalipas na linggo at 30.1 porsiyento kung ikukumpara noong nakalipas na…
Read MoreTOLL FEE SA SLEX PINASUSUSPINDE
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa matinding kalbaryo ang pinagdadaanan ngayon mga motorista at mga commuters sa South Luzon Expessway (SLEX), pinagsususpinde muna ng isang mambabatas sa Kamara ang paningingil ng toll fee. Nabatid kay Laguna Rep. Sol Aragones na sa susunod na linggo ay maghahain ito ng resolusyon para atasan ang Toll Regulatory Board (TRB) na suspendihin muna ang paniningil ng toll fee sa SLEX. “Temporary suspension ng toll (fees) habang ginagawa ang skyway na nagdudulot ng matinding trapik,” pahayag ni Aragones ukol sa resolusyon na kanyang ihahain umano sa…
Read MoreYULO, SISIKWAT NG GINTO
STUTTGART – Tatangkain ni Carlos Edriel Yulo na masikwat ang ginto sa floor exercise sa pagsisimula ng apparatus finals sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships, sa Sabado (Manila time) sa Hans Martin Schleyer Halle ditto. Noong nakaraang linggo, nahablot 4’11” gymnast ang tiket sa 2020 Tokyo Olympics, matapos pumasok sa finals ng all-around performances. Itatampok sa finals ang top 24 gymnasts sa men’s at women’s division, isa na rito ang batikang si Simone Biles ng Estados Unidos. “Gusto ko po talaga maka-gold ngayon. Para sa aking pamilya at kay…
Read MoreMATAAS NA LEVEL NG AMMONIA DAHILAN NG FISH KILL
(NI ABBY MENDOZA) TUMAAS na ammonia at phosphate levels sa tubig ng Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area ang sanhi ng fish kill sa Las Pinas at Paranaque, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ayon sa BFAR, nasa 3.59 parts per million (ppm) ang nakuhang ammonia sa sampling area habang ang standard level ay 0.05 ppm samantala ang Phosphate ay umabot ng 8.28 ppm na ang normal ay 0.5 ppm. Ang dissolved oxygen ay bumaba naman sa 0.70 ppm habang ang standard ay 5.0 ppm. “Ammonia…
Read MoreANGARA SA DOH: MAY SAPAT PA BANG DOKTOR SA BANSA?
(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINALAMPAG ni Senador Sonny Angara ang Department of Health (DOH) sa kanilang imbentaryo ng bilang ng mga doktor, dentista, nars at mga midwife sa bansa. Sinabi ni Angara na dapat magsumite ang DOH ng listahan ng lahat ng medical staff sa bansa taun-taon upang namomonitor ang bilang ng mga ito. “Tingin ko meron talaga dapat na running national inventory. Sa kaso ng DepEd at PNP, yung budget submission nila, klaro doon kung ilan ang kulang na mga guro at mga pulis. Sa DOH, sa siyam na taon…
Read MorePACQUIAO MOVIE MAY BUDGET NA P1.7 BILLION!
UNANG napabalitang ang pelikula na ginagawa ni Senador Manny Pacquiao kung saan gaganap siya bilang isang bayani mula sa Batangas ay may budget lamang na P100 million, umano. Pero may isa pang pelikulang gagawin ang Pambansang Kamao, ang Freedom Fighters. Ito ay isang historical film tungkol sa Japanese occupation ng Pilipinas noong World War II. Mula ito sa panulat ni Tony Scott at direksyon ni Francis Ho. Sinasabing may budget itong $32 million o P1.7 billion. Isa rin si Pacman sa mga producer nito. Napabalita ring isasali sa cast ng…
Read More