(NI MAC CABREROS) NAPUTOL ang limang buwan na bawas singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) dahil makararanas ng bahagyang pagtataas ngayong Oktubre. Ayon Meralco, madaragdagan ng P0.0448 kada kilowatthour ang bill ng kanilang kostumer o P9 sa kumukonsumo ng 200kWh kada buwan. Bagama’t ganito, binanggit ng Meralco na tinatamasa pa rin ng kanilang customer ang P1.47 kada kWh na bawas sa bill na ipinatupad sa nagdaang limang buwan. Tinukoy ng Meralco na umakyat sa P9.0862 kada kWh ang rate ngayong buwan kumpara sa P9.0414 noong Setyembre. Bunsod ito…
Read MoreAuthor: Jet
4 GINTO TARGET NG BILLIARDS TEAM
(NI JEAN MALANUM) KAYANG manalo ng apat na gintong medalya ang national billiards team sa 30th SEA Games na gagawin sa Manila Hotel Tent City mula Disyembre 3-10. Ayon kay Billiards and Snookers Congress of the Philippines secretary general Robert Mananquil, mataas ang morale ng mga atleta at handa silang lampasan ang dalawang ginto, isang silver at dalawang bronze medals na napanalunan nila sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2017. Sinabi ni Mananquil na malalim ang kanilang bench na pinangungunahan nina world no. 3 Rubilen Amit, world No. 4 Carlo Biado,…
Read MoreMET MAGBUBUKAS SA 2020
(NI DAHLIA S. ANIN) INIANUNSIYO ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na muli nang mabubuksan sa publiko ang Manila Metropolitan Theater sa Maynila. Ininspeksyon ng ahensya ang MET theater, kasama sina Manila Mayor Isko Moreno at National Commission for Culture and Arts (NCCA) Chair at National Artist for Literature Virgilio Almario. Sa susunod na taon ay plano nang buksan ang magkabilang wing ng teatro at sa 2021 ay bubuksan sa publiko ang buong makabagong Metropolitan Theater Complex. Sa Pebrero ang target ng NHCP dahil ito ang Arts Month…
Read MorePALAY NG MAGSASAKA SINIMULAN NANG BILHIN NG NFA
(NI PAOLO SANTOS) PARA maabot ang target na suplay na bigas sa bansa sinimulan ng National Food Authority ( NFA) na bilhin ang mga inaning palay ng mga local farmers sa buong bansa upang matugunan ang target na 14.6 million bag na bigas ngayong 2019. Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, noon pang isang buwan sinimulang bilhin ng ahensiya ang mga inaning palay ng mga local farmers. Sinabi pa nito na noong Setyembre lamang ay nakabili na ang NFA ng 621,430 bags ng palay na karamihan ay mula sa mga magsasaka ng Western…
Read More5TH STRAIGHT WIN, IKOKONEKTA NG TNT
MGA LARO NGAYON: (CUNETA ASTRODOME) 4:30 P.M. — NORTHPORT VS TNT 7:00 P.M. — RAIN OR SHINE VS PHOENIX (NI JJ TORRES) DEPENSA ang magiging pangunahing focus ng TNT KaTropa sa kanilang tangka na makuha ang ikalimang sunod na panalo ngayong hapon kontra NorthPort Batang Pier sa PBA Governors’ Cup sa Cuneta Astrodome. Itataya ng KaTropa ang kanilang unbeaten record sa laro na magsisimula ng alas-4:30 ng hapon, ngunit aminado sila na hindi lang puro opensa ang kailangan nilang atupagin. Kahit tinalo nila ang Phoenix Pulse Fuel Masters at Columbian…
Read MoreOPERASYON NG BLACK SAND MINING HAHARANGIN
(NI NOEL ABUEL) ISINUSULONG ni opposition Senator Leila de Lima ang panukalang nagbabawal sa black sand mining operations sa bansa dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan at kalusugan ng mga residenteng naninirahan malaria dito. Sinabi ni De Lima, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, at may-akda ng Senate Bill (SB) No. 1075 na humihiling na patawan ng mabigat na parusa at multa ang sinumang sangkot sa black sand mining sa mga coastal areas ng bansa. “Sad to say, notwithstanding the alarming adverse effect of exploration…
Read MoreKAPALIT NI ALBAYALDE SINASALA NA NG PANGULO
(NI NOEL ABUEL) MALAKING hamon sa susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP) bilang kapalit ni PNP chief Police Director Oscar Albayalde na magreretiro sa susunod na buwan na maibangon ang imahe ng Pambansang Pulisya. Dahil dito, sinasala na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng kapalit ni Albayalde para punan ang iniwan nitong gusot sa hanay ng PNP. Ito ang sinabi ni Senador Christopher Lawrence Go kung saan tinitimbang nang mabuti aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sinu-sino sa mga umuugong na kapalit ni Albayalde ang magpapatuloy sa…
Read MoreSUPER BAGYONG HABAGAT ‘DI DADAAN SA PINAS
(NI KIKO CUETO) PATATAWARIN ng super bagyo na Habagat ang Pilipinas at hindi ito ang hahagupitin ng lakas nito, ayon sa PAGASA. Sinabi ng PAGASA na mahina ang posibilidad nang pumasok sa Philippine area of Responsibility (PAR), ang naturang super bagyo. Ang naturang weather disturbance, na ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC), ay super typhoon, ay papunta sa direksyon ng Japan, kayat hindi ito babayo sa Pilipinas. Kasalukuyan nitong tinatahak ang northwestern Pacific Ocean at huling namataan 2,020 kilometers east ng northern Luzon, ayon kay weather specialist Meno Mendoza.…
Read MoreMAJA, BEST ACTRESS SA BUSAN, SOUTH KOREA
PANALO ang Kapamilya actress na si Maja Salvador bilang best actress sa katatapos lang na Asian Contents Awards 2019 na ginawa sa Busan, South Korea. Nanalo siya sa kanyang pagganap bilang Lily Cruz at Ivy Aguas sa teleseryeng “Wildflower.” “It was an honor to be trusted with this role by our network, ABS-CBN, and the whole team of Wildflower. I share this recognition to all of my brilliant colleagues in the show, most especially to the veteran genius, Mr. Tirso Cruz III,” sabi ng aktres sa kanyang acceptance speech. Nakalaban…
Read More