HINAYAAN muna ng defending champions San Beda University Red Lions na sumabay at paminsan-minsan ay umabante ang Mapua Cardinals sa first half. Pero, pagpasok ng second half, umarangkada ang Red Lions at tinambakan ang Cardinals, 83-55 tungo sa kanilang ika-16 na sunod na panalo sa NCAA Season 95 seniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Si James Canlas ang umakay sa Red Lions sa ambag na 16 points, 10 rebounds, three assists at three steals. Habang si Calvin Oftana ay may 15 points, seven rebounds at…
Read MoreAuthor: Jet
DAHIL SA LARAWAN, NADINE PINAGHIHINALAANG BUNTIS
(NI LOURDES C. FABIAN) MARAMI nang kontro‑ bersyang kinasangkutan si Nadine Lustre in the past but the actress chose not to get affected by issues, lalo na ‘yung malayo sa katotohanan. Lately Nadine has been the subject of pregnancy rumors online – AGAIN! – matapos mapansin ng ilang netizen ang hindi mapigilang paglaki ng kanyang tiyan sa suot niyang black crop top and high-waisted pants in a recent photo na inilabas niya online. Ito yung larawan ni Nadine at the airport on her way to Jakarta na ipinost niya sa Viva Artist Agency’s…
Read MorePINAKAMATANDANG FIGHTING SHIP NG PN, NAGRETIRO NA
PORMAL nang nagretiro ang BRP Cebu sa isinagawang decommission ceremony sa pantalan ng Captain Salvo sa Naval base sa Cavite ng Philippine Navy. Umabot ng 71 taon ang serbisyo ng warship na ito sa tropa ng navy na nagpapatrolya sa karagatan ng bansa. Ang BRP Cebu ay patrol ship ng Philippine Navy na daring USS Warship ng US Navy noong World War 2. Inilipat ito sa Philippine Navy noong 1948 at tinawag na RPS Cebu. Isa sa pinakamalaking accomplishment ng BRP Cebu ang pagsasagawa ng search and rescue operation sa mga…
Read MorePAGKUHA SA SWELDO NG MGA ASAWANG LALAKI, ‘ECONOMIC ABUSE’
(NI ABBY MENDOZA) SA oras na maamyendahan ang Anti Violence Against Women and Their Children Act of 2004, maaari nang kasuhan ng economic abuse ang mga asawang babae na pwersahang kukuha ng buong sweldo ng kanilang mga mister. Ang pag-amyenda sa Women and Their Children Act of 2004 ay isinusulong ni Rizal Rep. Fidel Nograles sa inihain nitong House Bill 4888, layon ng panukala na bigyang proteksyon din ang mga kalalakihan laban sa pang-aabuso sa kanila ng kanilang mismong mga partners. Bukod sa pisikal at emosyunal na pang aabuso ay binibigyang karapatan din…
Read MorePOE, TUGADE INUPAKAN SA PASOSYAL NA MRT; AYUSIN BAGO LUHO – SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) “AYUSIN muna natin ang mga tren bago ang luho.” Ito ang mensahe ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng panukala na maglagay ng business class coach sa Metro Rail Transit (MRT)-3 upang maenganyo ang mga may kotse na sumakay dito. Ayon sa mambabatas, kung mayroong dapat tutukan ang DOTr ay tiyakin muna na maayos at maparami pa ang mga tumatakbo tren at siguradong hindi papalya ang operasyn ng MRT-3. Kapag nagawa umano ito ng DOTr, ay saka na ikonsidera ang…
Read MorePASABOG NI DU30: 2 GENERAL SANGKOT SA ILLEGAL DRUG TRADE
(NI CHRISTIAN DALE) IKINANTA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may dalawang heneral ang kasalukuyang sangkot sa illegal drug trade. Ang pasabog na ito ng Pangulo ay inihayag niya sa international community habang idinadaos ang plenary session ng Valdai forum sa Sochi, Russia. “And right now, even as I fly here and go back, there are about again two generals who are still playing with drugs. And I said, ‘Well, I told you do not destroy my country because it is being flooded with drugs,’” ayon kay Pangulong Duterte. Iyon…
Read MoreLACSON KAY ALBAYALDE: NINJA COPS SIBAKIN!
(NI NOEL ABUEL) HINAMON ni Senador Panfilo Lacson si Philippine National Police (PNP) chief Police Director Oscar Albayalde na patunayan na wala itong kinalaman sa ginawa ng tinaguriang 13 ninja cops na sangkot sa pagre-recylce ng ipinagbabawal na gamot. “Ang pinakamagandang pruweba para maipakita niyang talagang hindi niya pinoprotektahan sina Baloyo, madaliin niya bago siya mag-retire. Madaliin niya ang pag-review ng kaso at pag-reinvestigate at bigyan ng karampatang parusa ang katulad sa binigay ng parusa sa original decision na dismissal at may criminal case na dapat harapin na talagang hinaharap…
Read MoreP10M SA PAMILYA NG NAMATAY NA 3 PINOY SA TAIWAN IBIBIGAY
(NI FROILAN MORALLOS) MAKATATANGGAP ang mga pamilya ng tatlong Filipino na namatay sa pag- collapse ng tulay sa Taiwan ng hindi bababa sa P10 milyon. Ayon sa ulat, ang tatlong Filipino ay empleyado ng International Ports Ltd. na siyang nagme -maintain ng naturang tulay. Napaulat na anim katao ang dead on the spot sa nasabing insidente , kasama ang tatlong Pinoy at tatlong Indonesia national . Nangako ang may ari ng international Ports Ltd . sa mga pamilya ng anim na biktima ng halagang $160, 857 katumbas ng P9,444, 564…
Read MoreSAHOD NG MGA KASAMBAHAY PINATATAAS
(NI BERNARD TAGUINOD) ISINUSULONG ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na itaas na ang sahod ng mga kasambahay dahil hindi na umano sapat ang kanilang tinatanggap na suweldo na itinadhana ng batas. Sa House Bill (HB) 4760 na inakda ni Manila Rep. John Marvin Nieto, kailangan na aniyang bigyan ng umento ang mga Kasambahay upang matulungan ang mga ito at ng kanilang pamilya. Noong 2013 ay ipinatupad ang Republic Act (RA) 10631 ‘Domestic Workers Act’ bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga kasambahay sa lipunan dahil kung wala ang mga ito…
Read More