(NI ROSE PULGAR) NASA 300 na mga jail officer ng Bureau of Correction (BuCor) ang pinalitan ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa New Bilibid Prisons (NBP) bilang hakbang para maitigil umano ang iregularidad sa bilangguan. Sinabi ni BuCor spokesperson Wena Fe Dagan na 552 tauhan buhat sa NCRPO ang papalit sa mga tauhan ng BuCor na ipinatupad kahapon ang relief order laban sa kanila. Isinasailalim rin sa imbestigasyon ang mga na-relieve na tauhan ng BuCor sa posibleng kaugnayan nila sa operasyon ng iligal na droga…
Read MoreAuthor: Jet
PAG-BAN SA TALUNANG PARTYLIST NOMINEES OK SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) SINUPORTAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala sa Commission on Election (Comelec) na isama ang mga talunang nominees ng mga party-list group, sa pagbabawalan ma-appoint sa gobyerno sa loob ng isang taon pagkatapos ng halalan. Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, pinag-aaralan na nila ang paghahain ng panukala para hindi na maulit ang kaso ni Mocha Uson na inaappoint sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kahit talunan ang kaniyang partidong AAKasyoso party-list noong Mayo. “We will support the proposals to ban losing party-list nominees from…
Read MoreDELIBERASYON NG SENADO SA NAT’L BUDGET GAWING TRANSPARENT – SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) NGAYONG nasa kamay na ng mga senador ang 2020 national budget, umaasa si Anakalusugan Rep. Mike Defensor na igalang ang inter-parliamentary courtesy sa dalawang Kapulungan. Ginawa ni Defensor ang pahayag kasabay ng pakikiisa kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III na magiging transparent o bukas sa publiko ang deliberasyon ng Senado sa pambansang pondo ng nagkakahalaga ng P4.1 Trillion. “We hope that the Senate leadership being an institution that we look up to will debate and ensure that its collective membership will keep the time-honored inter-parliamentary courtesy,”…
Read MoreLIBRENG SAKAY SA MRT3 SA MGA GURO BUKAS
(NI KEVIN COLLANTES) MAGANDANG balita para sa mga guro dahil pagkakalooban sila ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng free rides bukasm Oktubre 5, kasabay nang pagdiriwang ng National Teachers’ Day. Batay sa inilabas na advisory ng Department of Transportation (DOTr), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng MRT-3, bahagi ito ng kanilang pakikiisa sa mahalagang okasyon at bilang pagpupugay na rin at pagkilala sa sakripisyo at pagseserbisyo ng mga guro para sa bansa. Ayon sa DOTr, ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng mga guro mula 5:30 ng umaga…
Read MoreTIGERS, GAGALUSAN ANG BLUE EAGLES
(NI JOSEPH BONIFACIO) LARO BUKAS: (MALL OF ASIA ARENA) 2:00 P.M. – UE VS ADU 4:00 P.M. – ADMU VS UST SUSUBUKANG galusan ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang malinis na Ateneo Blue Eagles sa pagsisimula ng second round ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Hawak ang malinis na 7-0 card pagkatapos ng first round, magtatangka ang Blue Eagles sa ikawalong sunod na tagumpay kontra sa palabang Growling Tigers (4-3) sa alas-4:00 ng hapon. Bago iyon, magpapambuno muna ang…
Read MoreBAWAS-BAYAD SA SLEX TOLL IGINIIT
(NI NOEL ABUEL) IGINIIT ni Senador Grace Poe na magpatupad ng bawas-singil sa toll fee sa South Luzon Expressway (SLEX) dahil sa epekto sa mabagal na daloy ng trapiko bunsod ng isinasagawang Skyway extension project. Ayon sa senador, hindi katanggap-tanggap na malaking pera ang ibinabayad ng mga motorista sa SLEX para mapadali ang takbo ng mga ito subalit kabaligtaran naman ang nangyayari sa kasalukuyan. “Motorists deserve to pay less for the trouble the gridlock is causing due to the extension project. Sa mala-prusisyong usad ng trapiko dahil dito, masama bang…
Read MoreOPERASYON NG LRT2 POSIBLENG BALIK-NORMAL SA LOOB NG 9-BUWAN
(NI KIKO CUETO) POSIBLENG abutin ng hanggang siyam na buwan bago magbalik sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2, ayon sa opisyal nito. “The damage is massive. The damaged parts are really big parts that are imported… We need to import these parts,” sinabi ng LRTA sa isang pahayag sa social media. Sinabi ng LrTA na walang magiging operasyon sa Santolan, Katipunan at Anonas stations sa siyam na buwan Magkakaroon lamang ng partial operations sa Cubao papuntang Recto. Nasunog noong Huwebes ang dalawang rectifier ng LRT 2…
Read MoreALAGANG BABOY IINSPEKSIYUNIN BAGO KATAYIN – DA
(NI DAHLIA S. ANIN) NAGBABALA ang Deparent of Agriculture sa mga hog raisers na nagkakatay ng baboy at ibinebenta sa publiko. Ito ay matapos mabisto ng ahensiya ang talamak na bentahan online ng mga baboy sa mga online post. “To ensure that the hog or the meat na na-slaughter ay safe ay dapat na dadaan sa tamang proseso. Ang tamang proseso ay ma-inspect tapos po ay kakatayin sa tamang slaughterhouse,” ani Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, sa panayam. Pinapayuhan ang publiko na bumili lamang ng karne ng baboy sa may…
Read MoreP30K NG MGA GURO HINDI ISUSUKO
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isusuko ng mga public school teachers ang kanilang laban na itaas sa P30,000 entry salary. Ito ang sinabi ni ACT party-list Rep. France Castro kasabay ng kanilang kilos-protesta sa paggunita sa World Teachers Day nitong Biyernes, Oktubre 5, upang kalampagin ang gobyerno sa pagbibingi-bingihan sa kanilang kahilingan. “Hangga’t hindi naibibigay ng gobyerno ang sweldo na disente at nakabubuhay sa kanyang mga empleyado, lalo na sa mga guro, patuloy na ipaglalaban ang nakabubuhay na sahod, karapatan at mga benepisyo,” ani Castro. Sa ngayon ay mahigit P20,000 lang…
Read More