100,000 MIYEMBRO NG PNP DEMORALISADO — PING

pnp120

(NI NOEL ABUEL) HINDI masisisi ang mahigit sa P100,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) na sumama ang loob at magkaroon ng demoralisasyon sa hanay nito dahil sa pagkakasangkot ng ilang tiwaling opisyales nito sa pagre-recycle ng illegal na droga. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kaugnay ng nakarating na impormasyon dito na maraming pulis ang mababa ang moral dahil sa bumabalot na kontrobersya sa ilang matataas na opiyales ng mga ito. “Actually ang overwhelming sentiment kasi nadadamay sila, mahigit 100,000 sila tapos makakita ka ng 13 or 20…

Read More

AQUINO KAY SANTIAGO SA NINJA COPS: MAY NAGAWA KA BA?

(NI KOI HIPOLITO) SINAGOT ni Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) Director General Aaron Aquino ang sinabi ni dating PDEA Director General Dionisio Santiago na dapat siyang magbitiw sa puwesto dahil sa kontrobesiya ng mga ninja cops. Dahil dito tinanong ni Aquino si Santiago kung ano nga ba ang nagawa nito nuon kapanahunan niya sa ahensiya tungkol sa mga ninja cops? Ayon pa kay Aquino, kanilang inimbestigahan at nagsasagawa rin umano sila ng surveilance and monitoring sa shabu queen na si Guia Gomez-Castro at doon nila nalaman at nadiskubre ang mga…

Read More

2 PINOY PATAY SA NAHULOG NA TRAK SA DAGAT; DFA AAYUDA

DAF12

(NI KIKO CUETO) PATAY ang dalawang Pinoy sa nangyaring aksidente sa Palau Islands, ayon sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs. Sa report ng Philippine Consulate General sa Guam (na nangangalaga sa mga Pinoy sa Palau Islands), sinabi nito na may tatlong Filipino na siyang sangkot sa aksidente. Sinasabing isang flatbed truck na nawalan ng kontrol at nahulog sa dagat noong ika-29 ng Setyembre ang dahilan ng kanilang pagkamatay. Namatay ang dalawa sa tatlong mga Pinoy at nakaligtas naman ang isa. Tikom pa ang bibig ng DFA sa…

Read More

LADY EAGLES VS LADY SHUTTLERS; NATIONAL U KONTRA ATENEO

SISIMULAN ng magkaribal na Ateneo at De La Salle, gayundin ng defending five-peat champion NU at Ateneo ang kani-kanilang best-of-three finals ng UAAP Season 82 Women’s Badminton Tournament ngayon sa Centro Atletico Badminton Center. Ang reigning champions Lady Eagles ay nangailangan ng tatlong match para dispatsahin ang National University at siguruhin ang kanilang ikalawang sunod na championship appearance. Si last year’s co-Most Valuable Players Chanelle Lunod at Geva de Vera ay binalewala ang hamon nina Gwen Desacola at Jeya Pinlac sa doubles match, 21-18, 21-16 para kunin ang panalo. Una…

Read More

NIGHT DIFFERENTIAL PAY SA GOV’T WORKERS OK SA SENADO 

govt workers11

(NI NOEL ABUEL) MAGANDANG balita sa ilang government employees. Ito ay matapos aprubahan at umusad sa Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation at Senate Committee on Finance ang Comm. Report No. 13 na naglalayong bigyan ng night shift differential pay ang ilang empleyado ng pamahalaan. Ayon kay Senador Bong Revilla, chair ng nasabing komite, inaprubahan ang Senate Bill No. 643 na nagkakaloob ng night shift differential sa mga manggagawa ng pamahalaan bilang pagkilala sa ginagawa ng mga ito. Paliwanag pa ng senador, ang bayad sa night…

Read More

LRT1, LRT2 MAGKASUNOD NA NAGKAABERYA

(NI KEVIN COLLANTES) MAGKASUNOD na dumanas ng aberya ang Light Rail Transit Line 1 at Line 2 (LRT-1 at LRT-2) kahapon ng umaga sanhi upang maglimita ng biyahe ang LRT-1 at magsuspinde naman ng biyahe ang LRT-2. Dakong alas-7:09 ng umaga nang ianunsiyo ng LRT-1 sa kanilang Twitter account na magpapatupad sila ng limitadong biyahe mula Monumento hanggang  Baclaran Stations lamang at pabalik, dahil sa nararanasan umanong mechanical issue sa Roosevelt Station. Tiniyak naman nito na inaaksiyunan na nila ang problema at pinayuhan ang kanilang mga pasahero na gumawa na…

Read More

BUSINESS CLASS TRAIN SA MRT3, INIREKOMENDA 

mrt3

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIMOK ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na pag-aralan ang posibilidad na magkaroon ng business-class train coaches sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) upang mabawasan ang trapik sa EDSA. Ginawa ni Poe ang suhestyon sa hearing para sa proposed 2020 budget ng Department of Transportation (DOTr). Sa kanyang suhestyon, sinabi ni Poe na ang mga sasakay ng premium train coaches ay magbabayad ng P200 hanggang P300, na mas mataas sa normal fare sa ordinary trains ng MRT-3. “May nagsabi sa akin. Ewan ko if this…

Read More

OMBUDSMAN PINAKIKILOS SA NINJA COPS ; ALBAYALDE PINAGBIBITIW

BATAS-1

(NI ABBY MENDOZA) HINILING ng Makabayan Bloc sa Kamara na magbitiw na sa puwesto ang mga pulis na isinasangkot bilang ninja cops sa pangunguna ni PNP Chief Oscar Albayalde upang matiyak na walang magaganap na whitewash sa imbestigasyon. Kasabay nito ay pinakikilos din ng Makabayan Bloc ang Office of the Ombudsman na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga sangkot sa recycling ng illegal drugs. “As part of the measures towards attaining justice for the thousands of victims of irregular tokhang operations, all those responsible must as soon as possible…

Read More

MILITANTE NAGDEKLARA NG GIYERA VS BATO

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGDEKLARA ng giyera ang mga militanteng grupo lalo na ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list sa rekomendasyon ng komite ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ukol sa profiling ng mga public school teachers at police visibility sa mga public schools. “Nagdedeklara kami ng giyera dito sa sinasabi na recommendation na ito at lalaban ang mga teachers dito sa profiling dahil matagal na natin sinasabi na ito ay ilegal at hindi constitutional at tigilan na nila ito,” ani ACT party-list Rep. France Castro. Bago ang eleksyon noong…

Read More