(NI DANG SAMSON-GARCIA) INAMIN ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino na matinding pressure ang nararamdaman niya sa gitna ng pagdinig sa isyu ng ninja cops makaraang makatanggap ng pagbabanta sa buhay ng kanyang pamilya. Sa gitna nito, nilinaw niya ang kanyang pahayag hinggil sa pagtawag sa kanya ni PNP chief Oscar Albayalde hinggil sa status ng dismissal order laban sa 13 nitong tauhan. “I wish to explain that my statement yesterday that General Albayalde called me up to know the status of the case of Baloyo and…
Read MoreAuthor: Jet
TEAM LEADER NG NINJA COPS, KULONG SA CONTEMPT
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAUBUSAN na ng pasensya ang mga senador sa pagsisinungaling at pilit na pag-iwas sa pagsagot sa mga katanungan, nagdesisyon ang Senado na i-cite for contempt si Police Major Rodney Raymundo Baloyo IV. Si Baloyo ang team leader ng mga pulis na nagsagawa ng operasyon sa lalawigan ng Pampanga na pinag-ugatan ng isyu sa drug recycling. Inaprubahan ni Senate Blue Ribbon Committe Chairperson Richard Gordon ang contempt laban kay Bayolo makaraan itong hilingin ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na sinegundahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon. “Major Rodney…
Read MoreGMA7, PDI, 10 PA KINASUHAN NG P23.48M TAX EVASION
(NI ABBY MENDOZA) KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue(BIR) ang top executives ng GMA 7 na si Felipe Gozon at Philippine Daily Inquirer (PDI) News Website President Paolo Prieto dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa P23.48M mula sa kanilang binuong internet publishing company na INQ7 Interactive Inc. Ayon sa BIR, nagsara na noong 2006 ang nasabing kumpanya nang magtapos ang partnership ng GMA 7 at PDI subalit hindi naman nagbayad ng buwis ang mga ito. Maliban sa GMA at PDI, ay 10 iba pang…
Read MorePANELO MULING PUMALAG KAY US SENATOR LEAHY
(NI CHRISTIAN DALE ) HINDI pinalampas ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang muling pagpapakita ng pagiging ignorante ni US Senator Patrick Leahy sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si David Carle sa batas ng Pilipinas nang ipakulong si Senador Leila de Lima. Pinalagan kasi ng kampo ni Leahy ang sinabi ni Panelo na ‘ignorante’ ang Vermont lawmaker sa pagsasabing ang pagkakakulong kay Sen. Leila de Lima ay isang ‘wrongful imprisonment.’ “US Senator Patrick Leahy simply does not get it. The good senator from Vermont, through his spokesperson David Carle, is showing…
Read MoreP360M MEAL ALLOWANCE NG MGA PRESO KINUKUPIT SA BUCOR
(NI NOEL ABUEL) NAGBANTA si Senador Panfilo Lacson na babawasan nito ang pondo ng New Bilibid Prison (NBP) bunsod ng natuklasang hindi ginagastos nang tama ang pondong inilaan para sa pagkain ng mga inmates sa Bureau of Corrections (Bucor). Sa ikawalong imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga anomalya sa loob ng NBP at Bucor, kinuwestiyon ni Lacson kung anong pagkain ang ibinibigay sa mga preso sa inilaang P60.00 kada araw na pagkain ng mga ito. Nabunyag din na inamin ni dating Bucor officer-in charge Rafael Ragos na nakakatanggap…
Read MoreRANDOM CHECK SA MGA DAYUHAN IMINUNGKAHI
(NI BERNARD TAGUINOD) IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na gayahin ang ibang bansa na i-check kahit saang lugar ang mga dayuhan, lalo na’t dagsa ang mga dayuhan sa bansa dahil sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO). Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang mungkahing ‘random check’ sa mga dayuhan upang malaman kung ilegal na nagtatrabaho ang mga ito sa bansa o kaya overstaying na ang mga ito. “That is basic for Filipinos working or touring abroad, lagi na lang natin dala yung mga passports natin…
Read MorePAGPAPATITULO NG LUPA SA MARAWI, PINAMAMADALI
(NI NOEL ABUEL) SINISISI ni Senador Imee Marcos ang mabagal na pagpapatitulo ng lupa sa Marawi City kung kaya’t maraming residente nito ang nananatiling walang tirahan. Ayon sa senador, hindi malayong mabalam ang rehabilitasyon hangga’t hindi kumikilos ang pamahalaan na maglabas ng plano para mapabilis ang pagpapatitulo ng lupa ng nasabing lugar. Kasabay nito, pinakilos ni Marcos ang Department of National Defense (DND) na magpatupad ng comprehensive plan para matiyak na wala nang unexploded ordnances (UXOs) sa Marawi bago matapos ang buwan ng Oktubre,dalawang buwan matapos ang deadline nito noong…
Read MoreMAGALONG KINAMPIHAN NI SOTTO
(NI NOEL ABUEL) IPINAGTANGGOL ni Senate President Vicente Sotto III si dating Criminal Investigation and Detection (CIDG) at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga naging ambag nito sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng kontrobersiyal na good conduct time allowance (GCTA). Giit ni Sotto, malaki ang utang na loob ng mga senador kay Magalong dahil sa ibinabahagi nitong mahahalagang impormasyon na may kinalaman sa operasyon ng illegal drugs. Aniya, hindi dapat sisihin si Magalong sa kinakaharap ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakasangkot ng ilang tiwaling opisyales…
Read MoreLT GEN NOEL CLEMENT NAG- SORRY SA PAMILYA DORMITORIO
(NI AMIHAN SABILLO) MISMONG sa harap ng mga kadete, dati at bagong magiging pinuno ng Philippine Military Academy (PMA) ay humingi ng paumanhin si AFP Chief of staff Lt Gen. Noel Clement, sa magulang ni 4th Class Cadet Darwin Domitorio, ang kadeteng namatay sa hazing sa PMA sa Baguio City. Inihayag ni Clement ang paghingi ng sorry sa mga magulang ni Cadet Dormitorio sa kanyang speech sa isinagawang PMA Change of Command. Sinabi pa ni Clement na hindi sapat ang kanyang paghingi ng paumanhin sa magulang ni Dormitorio pero umaasa…
Read More