(NI KIKO CUETO) DAPAT nang magbitiw ang pinuno ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa rin sa pagkamatay ng isa sa kanilang mga kadete. Ito ang naging pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa panayam sa ABS-CBN. “If I were the superintendent and I will not know what is happening in the academy, then I have no business staying in my position,” sabi ni Panelo. “How come there is still hazing there? When you are the boss, then you should be telling your underlings, I will not allow it. I’ll…
Read MoreAuthor: Jet
BIGTIME OIL PRICE HIKE UMPISA BUKAS
(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY ED CASTRO) MULING magpapatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga. Pangungunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines at Chevron ang dagdag presyo na P2.35 sa kada litro ng gasolina, P1.80 kada litro ng diesel, at P1.75 sa kada litro ng kerosene epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng big time oil price hike ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa…
Read MoreBATO: WALANG SIGA SA BUCOR KUNG SERYOSO ANG NAMUMUNO
(NI DANG SAMSON-GARCIA) IGINIIT ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na kailangang ng seryoso at nakatutok na pamumuno gayundin ang political will upang malunasan ang mga problema sa Bureau of Corrections (BuCor). Sinabi ng senador na isa rin sa problema sa BuCor, kadalasang nasa huli ang ahensya kung pag-uusapan ang alokasyon ng pondo. “Ang malungkot dito, ang BuCor napapansin lang nila kapag meron lang issue, may problema pero kung walang problema, tahimik [at] maganda pagpapatakbo sa BuCor wala yan. Ang BuCor ang pinaka-last priority sa pondo ng gobyerno kasi ang…
Read MoreMAS MAHABANG GABI MARARANASAN NA
(NI DAHLIA S. ANIN) ASAHAN na ang mas mahabang gabi simula ngayon dahil sa pagdating ng autumnal equinox, ayon sa PAGASA. “Autumnal Equinox will occur on September 23 at 3:50 P.M. Hence, thereafter, Philippine nights will be longer as the sun moves below the celestial equator towards the Southern Hemisphere,” ayon sa pahayag ng ahensya. Ayon sa Pagasam tuwing equinox ay mararanasan na magkasing haba o pantay ang umaga at gabi na tatagal ng 12 oras sa buong mundo. At pagkatapos nito ay iiksi ang umaga at hahaba naman ang…
Read MorePOGOs POSIBLENG MAGAMIT SA DROGA, MONEY LAUNDERING
(NI BERNARD TAGUINOD) NABABAHALA si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na dahil sa mga kolurum na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), posibleng magamit itong front ng mga money launderer, international drug syndicate at criminal gangs para maging legal ang perang kinikita ng mga ito sa ilegal na paraan. Masamang epekto umano ito sa anti-money laundering at anti-drug at criminality campaigns ng gobyerno kaya kailangang malaman umano kung sino ang mga nasa likod ng mga kolorum na POGO. “This early, I call on our financial intelligence and law enforcement units…
Read MoreSOLON: POLIO, DENGUE OUTBREAK KONEKTADO SA WATER CRISIS
(NI BERNARD TAGUINOD) KONEKTADO sa water crisis ang paglaganap ng polio at dengue sa bansa. Ito ang paniniwala ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor kaya kailangan aniyang paramihin pa ang mga pagkukunan ng water supply hindi lang para sa Metro Mnaila kundi sa buong bansa. “Running water is essential for good health. Household sanitation and personal hygiene tend to suffer whenever there is lack of water,” ani Defensor kaya ang krisis sa tubig na naranasan noong Marso hanggang Agosto ng taong kasalukuyan ay “played a part in the spread of diseases”…
Read MoreCOLORUM POGOs MAS MARAMI SA LEGAL NA LISTAHAN NG PAGCOR
(NI BERNARD TAGUINOD) MAS maraming kolorum na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nag-ooperate sa bansa kumpara sa mga legal na binigyan ng lisensya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor). Ito ang natuklasan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos makarating sa kanyang kaalaman na 46 sa 58 POGO na binigyan ng Pagcor ng lisensya ang hindi umano registrado bilang isang kumpanya o korporasyon. “I may not be too accurate but I am certain that most if not all of the 46 POGOs have no legal personality…
Read MoreBILIBID GAWING ‘BAHAY NI KUYA’; CCTV IKAKALAT — SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) IPINAKO-CONVERT ng mambabatas sa Mababang Kapululungan ng Kongreso sa “bahay ni kuya” ang National Bilibid Prison (BNP) sa pamamagitan ng pagtadtad ng CCTV at i-broadcast ito sa social media. Ginawa ni Rep. Rowena Nina Taduran ang nasabing mungkahi bilang alternatibo at mabilis na paraan kumpara sa “artificial intelligence monitoring system” na ideya ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong upang mamonitor at mawala na ang katiwalian sa Bilibid. Ayon kay Taduran ng ACT-CIS party-list, nais nito na tadtarin ng CCTV ang buong bilibid maliban kung saan natutulog at naliligo ang…
Read MoreSC KINALAMPAG SA TRAIN LAW
(NI BERNARD TAGUINOD) KINALAMPAG ng isang kongresista ang Korte Suprema para desisyunan na ang petisyon na nagpapabasura sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pag-atake sa Saudi oil field noong nakaraang linggo. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, mahalagang madesisyunan na ang nasabing petisyon laban sa nasabing batas dahil ito ang panlaban aniya sa malakihang pagtaas ng presyo ng langis dahil sa pag-atake sa Saudi. “We are calling on the Supreme Court to decide on our petition…
Read More