(NI ABBY MENDOZA) BUKOD sa sigarilyo kailangan din na malagyan ng health warning ang mga inuming nakalalasing para magsilbing babala sa masamang epekto ng alak. Sa House Bill 4059 na inihain ni Muntinlupa Rep. Rufino Biazon inoobliga ang mga gumagawa ng alak na maglagay ng health warning label sa kanilang produkto. Sakop din ang mga establisyimentong nagbebenta ng mixed alcohol beverages tulad ng cocktails na ilalagay ang warning sa kanilang menu. Tinukoy ni Biazon ang datos ng World Health Organization na nagsasabing tatlong milyon kada taon sa buong mundo ang namamatay dahil…
Read MoreAuthor: Jet
DUTERTE ‘MAINIT’ NA SA BIR EXAMINERS
(NI BETH JULIAN) MAINIT na rin sa mata ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga examiner ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ito ay matapos makarating sa Pangulo ang raket ng BIR examiners. Sa sumbong na natanggap ng Pangulo, sinasabing hindi umano nakararating sa gobyerno ang kabuuang buwis na binabayaran ng mga negosyante o kompanya. Sa deskripsiyon ng Pangulo sa raket ng mga taga-BIR, kunwari ay ia-assess ng examiner ang halaga ng buwis na dapat bayaran ng isang negosyante at magtatakda ng halaga pero bahagi lamang nito ang ireremit o…
Read MoreSTL BALIK-OPERASYON NA
(NI ABBY MENDOZA) BINUKSAN na muli ng Malacanang ang operasyon ng Small Town Lottery na una na nitong ipinatigil ang operasyon noong nakaraang buwan. Gayunman, bago muling makapag-operate ang mga STL operators ay kailangan sumunod ito sa bagong patakaran na inilatag ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) Sa isang Facebook live sa PCSO facebook page ay sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na ang pagbabalik ng STL operations ay kinatigan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na rin ang ginawang rekomendasyon ng PCSO board. “Pursuant to the recommendation of PCSO, the…
Read MoreSOLON SA HOG FARMERS: MAKIPAGTULUNGAN SA DA
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY CJ CASTILLO) UMAPELA si Rizal Rep. Fidel Filipe Nograles sa mga hog farmers sa Montalban, Rizal na makipagtulungan na lang sa otoridad upang hindi lumala ang problema sa kanilang kabuhayan. Ginawa ni Nograles ang pahayag sa gitna ng mga pangambang nagkaroon ng swine flu dahil sa pagkamatay ng dalawang baboy kaya isinailalim sa Department of Agriculture (DA) protocol ang tatlong barangay sa Montalban na kinabibilangan ng Macabud, San Isidro at San Jose. “While the DA has yet to confirm the cause of these deaths, it is in…
Read MoreSOLON NA ‘BAGMAN’ NI GUANZON MASISIBAK
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong matanggal sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ‘congresswoman’ na ‘bagman’ ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon. “Kung totoo at mapatutunayan (ay matatanggal),” ani ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa press conference nitong Huwebes sa Kamara kaugnay ng alegasyon ni Cardema na isang congresswoman ang bagman ni Guanzon. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos sabihin ni Cardema na humihingi umano ng P2 million si Guanzon kapalit ng pagpayag nito na siya ang first nominee ng Duterte Youth kung saan idadaan ang pera sa congresswoman.…
Read MoreCARDEMA KAY GUANZON: CELLPHONE IPA-FORENSIC EXAM NATIN!
(NI JEDI PIA REYES) HINAMON ni dating National Youth Commission chair Ronald Cardema si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na maipasailalim sa forensic exam ng kanilang mga cellphone patungkol sa umano’y pagbabanta sa huli. Sinabi ni Cardema na handa siyang isumite sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kanyang cellphone at dapat ay ganito rin ang gawin ni Guanzon. “I challenge you, Guanzon, ipakita mo ang messages ng threat,” ani Cardema. “Magpa-forensic tayo ng telepono, Ma’am,” dagdag pa nito. Naninindigan si Cardema na hindi nito binantaan si Guanzon at hindi rin…
Read MoreBATO NA-HIGHBLOOD SA ROTC HEARING
(NI DANG SAMSON-GARCIA) UMINIT ang ulo ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture hinggil sa panukalang ibalik ang mandatory Reserved Officers Training Corps (ROTC). Ito ay nang paringgan siya ng isang resource person na si Raoul Manuel, deputy secretary general ng National Union of Students in the Philippines (NUSP) hinggil sa naging posisyon sa napipintong paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Sa gitna ito ng paghahayag ni Manuel ng kanilang pagtutol sa mandatory ROTC sa senior high school dahil…
Read MoreHEART KINUKULIT NI SHARON CUNETA SA PAINTING!
(NI REY PUMALOY) TINATAPOS pa lang ni Heart Evangelista ang latest painting niya ay pinutakti na ng positive comments ang Kapuso star. Makikita sa posting ni Heart ang painting niya na pawang imahe ng mga mukha ng babae. Sabi ni Heart sa kanyang bagong masterpiece, inabot din nang matagal ang pagtatapos niya sa painting kaya excited na siyang tapusin at ipa-frame ito. Sa mga comments, hindi lang daw maganda si Heart kundi napaka-talented nito. Sey nga ng kaibigan niyang si Lovi Poe, tigilan na raw ang pagiging “perfect” ng kanyang…
Read MoreSOGIE BILL MALABONG MAIPASA SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) MALABO nang maipasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality bill na isinusulong sa Senado. Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mahihirapang maisulong sa Senado ang anti-discrimination bill na pabor sa lesbian, gays, bisexual, transgender and queer (LGBTQ+) community. “It has no chance of passing in the Senate, “IF” it transgresses on academic freedom, religious freedom and women’s rights,” sa testimonya ni Sotto. “Anti-discrimination bill on person’s pwede, pero focused on gays, which the SOGIE bill is, and religious and academic freedom impeded,…
Read More