(NI KEVIN COLLANTES) NAGLULUKSA ngayon ang Department of Education (DepEd) dahil sa pagkamatay ng limang guro mula sa Western Visayas Region, na nakabilang sa paglubog ng tatlong motorboat sa Iloilo-Guimaras Strait nitong Agosto 4. Ayon sa DepEd, labis nilang ikinalulungkot ang nangyari sa mga guro at nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima. Tiniyak rin naman ng DepEd na pagkakalooban ng kaukulang tulong ang mga biktima at kanilang mga kaanak. “Finally, the Department expresses its wholehearted commitment and calls on its field offices, partners, and stakeholders to ensure…
Read MoreAuthor: Jet
REP. DUTERTE BILANG SPEAKER, ITINANGGI
(NI BERNARD TAGUINOD) “ESPEKULASYON.” Ganito inilarawan ni Antipolo Rep. Robbie Puno na maging Speaker si Presidential son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte matapos itong sumanib sa kanilang partidong National Unity Party (NUP). Sa press conference, sinabi ni Puno na dumoble na ang miyembro ng NUP mula noong nakaraang eleksyon kaya umaabot na ang mga ito sa 50 matapos maglipatan sa kanilang partido ang may 25 congressmen, kasama na si Duterte. Gayunpaman, hindi umano ito indikasyon na si Duterte ang susunod na Speaker pagkatapos ng 15 buwan dahil may…
Read MoreJESSY PUMALAG SA BASHER: MOVE ON!
“Jumojowa ng may jowa” at “cheater.” Dalawa lang iyan sa mga paratang kay Jessy Mendiola sa Instagram nang mag-comment ito sa post ni Alex Gonzaga tungkol sa pagiging single. Sabi ng basher kay Jessy na dinamay pa si Julia Barretto: “ikaw landi kaylan kasal mu hahahaha the most hated celebrity in the Philippines no worry may kasama kana si JuliaB naparehong jomowa ng may jowa kahit hindi pa break mga cheater mag audition na kayu ng valentina role sure makukuha kayu hahahaha.” Sinagot ito ni Jess ng: “move on! [kissing emoji].”…
Read More25-M CONTRACTUAL EMPLOYEES PINAGKAKAITAN NG BENEPISYO
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lang mahigit 9 million kundi 25 million ang contractual employees sa Pilipinas na pinagkakaitan umano ng benepisyo tulad ng insurance protection. Ito isa sa mga nilalaman ng House Bill 3381 o Anti-Endo Bill na ihinain ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala. Ayon sa mga militanteng mambabatas, kung ang IBON Foundation Databank ang pagbabasehan, P8.5 million ang contractual employees sa pribadong sektor habang 800,000 naman naman sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. “(But) according to labor…
Read MoreHEIGHT REQUIREMENT SA PNP, BJMP, BFP, PINABABAWI
(NI NOEL ABUEL) MULING binuhay sa Senado ang pagbawi sa height requirements sa mga aplikanteng nais pumasok sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Sa inihaing Senate Bill 312 ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, sinabi nitong ang heightism ay matagal nang pinaiiral sa mga law enforcement agencies sa bansa ngunit kapos sa kuwalipikasyon. Ayon kay Zubiri noong 2018, inalis ng National Police Commission (Napolcom) ang height requirement para sa mga nais kumuha ng PNP entrance exam. “The requirement was…
Read More8 TEACHERS KASAMA SA SEA TRAGEDY
(NI BERNARD TAGUINOD) NAGLULUKSA ang organisasyon ng mga public school teachers sa Kamara dahil walo umano sa mga kasamahan sa hanapbuhay ang kasama sa mga 31 katao na namatay na lumubog ang bangka ng mga ito sa Guimaras at Iloilo Strait. “We extend our deepest condolences to the families and friends of the victims in the Iloilo Strait pumpboat accidents,” ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list Rep. France Castro. Nabatid kay Castro na kasama sa mga nasawi sina George Betita Buenavista, guro sa Agcuyawan Calsada Elementary School, Maria Emilie Legarda, Ivy Grace…
Read MoreZALAMEDA BAGONG SC ASSOCIATE JUSTICE
(NI BETH JULIAN) HUMALILI na sa iniwang puwesto ni Associate Justice Mariano del Castillo si Atty. Rodil Zalameda sa Supreme Court. Si Zalameda ay opisyal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong SC Associate Justice. Binakante ni Del Castillo ang puwesto matapos magretiro noong July 29 dahil naabot na nito ang mandatory retirement age na 70. Si Zalameda ay naupong Court of Appeals Justice bago sumalang sa Korte Suprema. Matatandaang 24 na kandidato ang pinagpilian sa posisyon at si Zalameda ang nakasungkit. Kabilang na mga naging nominado ay sina Law…
Read MoreTUBIG SA ANGAT DAM PINATAAS NG HABAGAT
(NI DAHLIA S. ANIN) PATULOY sa pagtaas ang antas ng tubig sa Angat dam matapos ang walang tigil na pag-ulan dala ng Habagat noong weekend, ayon sa monitoring ng Pagasa. Mula 167.85 noong Linggo tumaas sa 168.33 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam. Bukod sa Angat, patuloy din sa pagtaas ang antas ng tubig sa iba pang dam sa Luzon. Ang La Mesa dam ay muling tumaas sa 75.34 meters mula sa 75.05 meters, gayundin ang Ambuklao dam na mula sa 747.18 ay tumaas sa 747.73 meters. Maging…
Read MoreP1-B AYUDA SA MAGSASAKA IGINIIT SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) SA layuning matulungan ang maraming magsasaka dahil sa epekto ng Rice Tariffication Law ay pinalalaanan ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa pamahalaan na bigyan ang mga ito ng P1 bilyon. Ayon kay Pangilinan, ang nasabing pondo ay bilang ayuda sa mga magsasaka para magamit sa pagtatayo ng warehouse at rice mill sa bawat rice producing district. Sa inihain nitong Senate Bill 33, o ang Post-Harvest Facilities Support Act of 2019, ang mga kagamitan at makinang ipagkakaloob din ng pamahalaan ay maaaring ibenta sa bawat kooperatibang magsasaka sa…
Read More