SITWASYON SA NEGROS ORIENTAL, BALIK-NORMAL NA

(NI AMIHAN SABILLO) BALIK-NORMAL na ang sitwasyon sa Negros Oriental makaraan ang halos isang linggong patayan. Ayon kay PNP spokesperson Police Brig. General Bernard Banac, unti-unti nang bumabalik ang kaayusan sa mga bayan ng Sta. Catalina, Siaton, Dumaguete, Zamboanguita, Gihulbgab, Cablaon at Ayungon matapos ang pina-igting na seguridad ng Police Regional Office 7 sa tulong na rin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Katunayan umano ay naaresto na ang ilan sa mga suspek ng serye ng pamamaslang, kabilang sina Edmar Amaro at Jojo Ogatis na miyembro umano ng NPA ar nahulihan…

Read More

CASTRO, FAJARDO BAKBAKAN SA BPC

basket44

(NI JJ TORRES) MUKHANG ang natitira na lamang sa karera para sa Best Player of the Conference award ay sina Jayson Castro at June Mar Fajardo.  Ito’y kahit na napanatili nina Ray Parks Jr. at CJ Perez ang top two spots sa kakatapos lamang na semifinals ng PBA Commissioner’s Cup. Nasa pangatlo at pang-apat pa rin ang TNT KaTropa guard na si Castro at si San Miguel Beerman Fajardo, na may 33.7 at 32.7 SPs, ayon sa pagkakasunod, para mapalaki ang tsansa nilang mahablot ang BPC award. Bagama’t nangunguna pa…

Read More

HANNA LUMALAKAS, BATANES TINATAHAK

ulan44

LUMALAKAS ang bagyong Hanna palapit sa Batanes province, kung saan niyanig ng lindol noong nakaraang linggo, ayon sa weather bureau. Bandang alas-3:00 ng madaling araw, si Hanna ay nasa 940 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan, bitbit ang maximum sustained winds na 75 kilometers per hour at 90 kph na pagbugso, ayon sa Pagasa. Sa loob umano ng 72-oras, sinabi ni Pagasa weather specialist Ariel Rojas na magiging bagyo na ito sa 575 kilometers east northeast ng Batanes. Palalakasin ni Hanna ang habagat o southwest monsoon kung saan magbibigay ito…

Read More

PH WEIGHTLIFTERS, TATARGET NG 3-4 GINTO

hidilyn11

(NI JEAN MALANUM) PANGUNGUNAHAN nina 2016 Rio Olympics veterans Hidilyn Diaz at Nestor Colonia ang 10-kataong weightlifting delegation na sasabak sa 30th Southeast Asian Games na gagawin sa bansa sa Nobyembre, na tatarget ng tatlo hanggang apat na ginto. Kasama ni Diaz sa women’s team sina Mary Flor Diaz (45kg), Elien Rose Perez (49kg), Margaret Colonia (59kg), Elreen Ann Ando (64kg) at Kristel Macrohon (73kg). Si Mary Flor na pinsan ni Hidilyn ay nanalo ng isang silver at dalawang bronze sa 2018 EGAT King’s Cup International Weightlifting Championship sa Thailand,…

Read More

30% DISCOUNT SA MGA SENIOR CITIZENS SINUSULONG

seniors44

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL hindi mapigilan pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kasama na ang mga gamot at pagkain, isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na itaas ang discount na ibinibigay sa mga senior citizens sa bansa. Sa ilalim ng House Bill 2853 na inakda nina  ALONA party-list Rep. Anna Marie Villaraza-Suarez at Quezon Rep. David Suarez, nais ng mga ito nag awing 30% ang discount ng mga matatanda mula sa kasalukuyang 20%. Base sa Senior Citizens Act, ang mga Filipino na edad 60 anyos pataas ay mayroong 30% discount kapag bumibili…

Read More

KAMARA DISMAYADO SA DOH SA P18-B EXPIRED NA GAMOT

duque33

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong tanggalin na sa Department of Health (DoH) ang pagbili ng gamot matapos matuklasan ng Commission on Audit (COA) na umaabot sa P18.5 billion halaga ng mga medisina na hindi naiideliber ng ahensya sa mga public hospital at mae-expire na. Ito ang nabatid kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor matapos ihain ang House Resolution (HR) 145 para imbestigahan ang bagay na ito at gumawa ng batas upang hindi na ito maulit at isa sa mga ikonokonsidera ng mambabatas ay tanggalin na sa DoH ang pagbili ng mga…

Read More

HIGIT 100-K STUDENTS NAKINABANG SA LIBRENG SAKAY

DOTR

(NI KEVIN COLLANTES) INIULAT ng Department of Transportation (DOTr) na mahigit na sa 128,000 na mga estudyante sa Metro Manila ang nakinabang sa libreng train rides na ipinagkakaloob sa kanila ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Philippine National Railways (PNR) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Ayon sa DOTr, simula nang ipatupad nila ang Student Free Ride Program, ay nasa 128,206 students na ang nabigyan ng libreng sakay ng mga naturang mass rail transits. Nabatid na sa naturang bilang, pinakamaraming sumakay sa LRT-2, na umabot…

Read More

MAYAYAMANG PINOY OK SA DENGVAXIA VACCINE – GARIN  

garin55

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ipagbawal ang paggamit ng dengvaxia sa Pilipinas, maraming Filipinong mayayaman ang nagpapabakuna sa ibang bansa tulad ng Singapore at Malaysia upang maproteksyunan ang mga ito sa dengue. Ito ang isiniwalat ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin kaya nanawagan ito sa Department of Health (DOH) na muling ikonsidera ang mga paggamit sa dengvaxia para sa mga mahihirap. “Yung may mga kaya nagpapabakuha sa Singapore, Malaysia. Mayayaman at middle class na Filipino, papaano naman ang mga mahihirap,” ani Garin na patuloy na naninindigan na…

Read More

NY TIMES BINATIKOS NG PALASYO

new york55

(NI BETH JULIAN) BINATIKOS ng Malacanang ang pahayagang New York Times sa Amerika kaugnay sa inilabas nitong artikulo na nagsasabing ang Pilipinas ang pinakadelikadong lugar para sa mga environmentalist at right activists. Tinukoy ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang artikulong “In the fight to save planet, it’s defenders are being killed’ na inilathala noong unang araw ng Agosto. Sa nasabing artikulo, ginamit ng NY Times ang survey ng global witness kung saan 164 na tagapagtanggol ng mga lupa at kapaligiran ang napatay sa Pilipinas. Ayon kay Panelo, hindi na nila…

Read More