ERICH PAHINGA MUNA, PINALITAN NI YAM SA SERYE

erich44

(NI PETER LEDESMA) DATI  ay sobrang workaholic nitong si Erich Gonzales at talagang ‘pag may ibinibigay na project ang kanyang mother network na ABS-CBN ay hindi siya tumatanggi. But this time, umatras ang magandang aktres sa proyektong tinanguan sa Dreamscape Entertainment para sa teleseryeng “Love Thy Woman” na pagsasamahan sana nila ni Kim Chiu at Xian Lim. At dahil walang ibinigay na rason si Erich, may mga haka-haka na baka hindi type ng actress ang kanyang character na kontrabida. Or pwede ring ayaw na muna nitong mag-work dahil super rich naman…

Read More

MARTIAL LAW MALABO PA SA NEGROS

negros oriental44

(NI AMIHAN SABILLO) WALA pang rekomendasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na isailalim ang lalawigan ng Negros sa Martial Law. Ito ang nilinaw ni AFP Spokesperson Bgen Edgard Arevalo sa pagsasabing may sapat na pwersa ang AFP sa lalawigan at walang dahilan para dagdagan pa ito. “There was no proposal from the AFP to declare ML (martial law) in Negros. We have sufficient forces on the ground no need to add more. But we can consult with the local chief executives and look at the situation on the…

Read More

NAT’L ACADEMY FOR SPORTS: PINOY ATHLETES, LOLOBO

sports33

(NI JEAN MALANUM) INAASAHANG darami ang mga atleta sa national training pool kapag naitayo na ang National Academy for Sports sa Pangasinan. Napirmahan na ni Presidente Rodrigo Duterte ang Republic Act 11214 o “Philippine Sports Training Center Act” na nag-uutos ng pagpapagawa ng state-of-the-art sports training facility sa Rosales, Pangasinan sa 2022. Sa kanyang ika-apat na State of the Nation (SONA) noong Hulyo 21, ipinahayag ni Pangulong Duterte ang pagsuporta sa pagpapatayo sa academy na naglalayon na tumuklas ng mga potential athletes na maaaring maging miyembro ng national team. “I…

Read More

MANDATORY ROTC ITUTULAK MULI SA KAMARA

rotc

(NI ABBY MENDOZA) MULING binuhay sa House of Representatives ang panukalang gawing mandatory ang Reserve Officers Training Course(ROTC) sa mga estudyante sa Senior High School sa pribado at pampublikomg paaralan. Inihain  ni Batangas Rep. Raneo Abu ang House Bill 2087 na sa  oras na maisabatas ay aamyendahan sa Republic Act No. 7077 o ang Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act. Ayon kay Abu mahalagang maisabatas ang mandatory ROTC para maituro sa mga kabataan ang  kahalagahan na maging disiplinado at makabayan, gayundin ay maisailalim sa training para pagkakaroon ng…

Read More

SEGURIDAD SA ‘PHILHEALTH SCAM PROBE’ PINAHIHIGPITAN 

philhealth

(NI BERNARD TAGUINOD) HINILING ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI) na bigyan ng seguridad ang mga mag-iimbestiga sa Philhealth scam dahil masyadong mapanganib umano ang sindikato sa insurance fund na ito. Sa press conference nitong Miyerkoles, sinabi ni Magsasaka party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat na minsan nang nanganib ang kanyang buhay dahil aniya sa katiwalian sa Philhealth. Si Cabatbat ay inambus sa Edsa noong Pebrero 2017 subalit nakaligtas nang sagasaan nito…

Read More

APPOINTMENT NG MGA HENERAL, IGALANG – PING

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL) DAPAT na igalang ng lahat si Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon nitong kunin ang serbisyo ng mga retiradong opisyal ng Armed Force of the Philippines (AFP) para pamunuan ang isang ahensya ng pamahalaan. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan iginiit nito na prerogative ng Pangulo kung sino ang nais nitong i-appoint sa isang posisyon sa pamahalaan. “Let the appointing authority exercise his prerogative under the Constitution and existing laws to appoint whoever he feels can effectively support his policies and programs. After all, if…

Read More

PCSO HANDA SA ANUMANG IMBESTIGASYON

pcsco5

(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN) NAKAHANDA ang tanggapan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa anumang uri ng imbestigasyon na isasagawa ng mga awtoridad, kaugnay ng alegasyon ng korapsiyon. Ayon kay Garma, bukas sila sa anumang uri imbestigasyon at ipinaubaya na ang pagsasagawa nito sa mga awtoridad. Tiniyak naman niya na habang isinasagawa ang imbestigasyon ay ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang trabaho upang mapaghusay pa at maging transparent ang proseso ng kanilang mga gaming activities. Matatandaang nitong Sabado ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo…

Read More

KOREAN SUPERSTAR PARK BO GUM, NAG-SORRY KAY ANNE CURTIS

anne100

KAMAKAILAN  ay nagbakasyon si Anne Curtis sa South Korea at pinost niya sa Twitter ang isang selfie sa tabi ng standee ng Korean superstar na si Park Bo Gum. “Look who I bumped into in Seoul! Annyeong @BOGUMMY,” sabi niya sa post, na tinag pa ang binata. Kinabukasan, tumugon si Bo Gum sa message: “Sorry for my late response! When did you come to Korea? Having a good time here? I’m shooting a movie these days. Though the weather is too hot, I hope you can fully enjoy the time…

Read More

T. CLAUDIO BRIDGE SA PANDACAN ISASARA NG 6-BUWAN

mmda44

(NI ROSE PULGAR) NGAYONG weekend ay isasara sa mga motorista ang Tomas Claudio Bridge sa Pandacan, Maynila para bigyang-daan ang konstruksyon ng Skyway Stage 3 Elevated Expressway Project, alinsunod sa anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). “Simula sa Sabado, Agosto 3, ng 10pm, isasara ang Tomas Claudio Bridge sa susunod na anim na buwan,” pahayag ni General Manager Jojo Garcia. Para mabawasan ang inaasahang bigat ng trapiko bunsod ng proyekto, inatasan ni Garcia ang mga traffic enforcers sa lugar, katuwang ang mga opisyal ng barangay, na magsagawa ng clearing…

Read More