(NI HARVEY PEREZ) IPINANUKALA ng Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na ilibre na lamang sa publiko ang pagbibigay ng voter’s certification sa mga registered voters na nangangailangan ng sertipikasyon. Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon, inirekomenda niya sa Comelec en banc na maglabas ng polisiya at gawing libre ang pagbibigay ng naturang sertipikasyon sa mga botante. Ayon kay Guanzon, maaarimg magamit ito ng mga mamamayan, partikular na ng mga kasambahay, bilang isang balidong identification card (ID) dahil makikita na rin dito ang kanilang larawan. “I am proposing to @COMELEC …
Read MoreAuthor: Jet
LADY COP BAGONG PCSO GENERAL MANAGER
(NI FRANCIS SORIANO) PORMAL nang ipinakilala sa publiko ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang bago nilang General Manager (GM) matapos itong italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa PCSO, inilagay bilang bagong GM ng PCSO si dating Cebu City police chief P/COL Royina Garma bilang kapalit ni Marine Gen. Alexander Balutan, matapos itong sibakin sa puwesto ni Pangulong Duterte dahil umano sa seryosong alegasyon sa korapsiyon. Si Garma ay nagtapos sa Philippine National Police Academy ng Bachelor of Science in Public Safety, Master in Education Management at Executive Doctor in Leadership sa Rizal Memorial…
Read More‘PUBLIC SCHOOLS LAGYAN NG SCREENED WINDOWS VS DENGUE’
(NI NOEL ABUEL) KAILANGAN nang kumilos ang Department of Education (DepEd) para mabawasan ang bilang ng mga estudyanteng kabataan na nadadapuan ng sakit na dengue na nakukuha sa lamok. Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, nababahala ito sa dumaraming bilang ng dengue cases sa unang bahagi ng 2019 na halos doble na ang bilang kung ikukumpara sa noong nakaraang taon. Aniya, dapat nang ikonsidera ng DepEd na ang itatayong mga silid-aralan ay lalagyan ng screened windows upang hindi makapasok sa mga lamok na nambibiktima sa mga estudyante. “Kung ayaw nating…
Read MoreDIDAL NAGBULSA NG GINTO
NAGPAKITANG-GILAS si Asian Games gold medalist Margielyn Didal nang manguna sa inaugural National Skateboarding Championship nitong Sabado sa Santa Rosa, Laguna. Si Didal ay naging runaway winner sa women’s street finals sa naitalang iskor na 28.73 points. Ito rin ang event na denomina niya sa Asian Games noong nakaraang taon, kung saan naiambag niya ang ika-apat na gintong medalya ng Pilipinas. Pumangalawa naman si Princess Jaramillo para sa silver medal (24.57 points), habang si Cindy Serna ang bronze medalist (22.73 points). Denomina naman ni Fil-German Daniel Ledermann ang men’s street…
Read MoreMINORITY LEADER NA OPOSISYON ‘DI WELCOME SA CAYETANO LEADERSHIP?
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI umano welcome kay Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano na pamumunuan ng isang opposition congressman ang House minority bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ang isiniwalat ni Albay Rep. Edcel Lagman kaya namumurong magkaroon ng ‘company union’ sa Kamara kung saan kaalyado rin ng administrasyon ang magiging minority leader. “On the contrary, one of his leading lieutenants has unabashedly and categorically said that a particular representative who belongs to the opposition is not welcome as minority leader,” ani Lagman. Hindi tinukoy ni Lagman kung sino sa…
Read MoreJEEPNEY MODERNIZATION DAPAT SERYOSOHIN
(NI NOEL ABUEL) DAPAT seryosohin ng pamahalaan ang pakikipag-usap sa mga driver at operator ng pampublikong jeepney upang makapaglabas ng maayos na solusyon para sa transportation system sa bansa. Sinabi ni Senador Grace Poe na matagal pa bago masolusyunan ang isinusulong na jeepney modernization program ng pamahalaan kung kaya’t dapat lamang na seryosohin ito upang makinabang hindi lamang ang mga driver/operator kung hindi maging ng publiko. “The government should address the legitimate concerns to ensure that this undertaking would help improve our transportation system. The program, no matter how promising…
Read MoreSOCIAL WELFARE ATTACHES SA MGA OFWs PIRMADO NA
(NI BETH JULIAN) TIYAK nang maiibsan ang pang aabuso sa mga manggagawang Filipino sa ibang bansa. Ito ay matapos pormal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang panukalang tutukan pa ng gobyerno ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Pinirmahan na ng Pangulo ang Republic Act No. 11299 na nag aatas sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magtatag ng social welfare attaches sa mga bansang mataas ang bilang ng mga Filipino. Sa ilalim ng batas, mapabibilis nang matugunan ng pamahalaan ang pangangailangan…
Read MoreKATHRYN GETS 2nd BEST ACTRESS AWARD
(NI JONATHAN ANG) GINANAP ang 3rd EDDYS Awards sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao nitong Sunday, July 14. Ang nominees at winners ng EDDYS ay taunang pinagdedesisyunan ng mga miyembro ng SPEEd or Society of Philippine Entertainment Editors. Narito ang ilan sa aking nasaksihan o naobserbahan sa apat na oras na itinakbo ng EDDYS awards 2019: Bago nagsimula ang programa at 8pm (at nagwakas ng 12mn), meron munang red carpet moments hosted by Kapuso artists Juancho Trivino and Arra San Agustin. The opening production number featured different music…
Read MoreDAGDAG-PRESYO ULIT SA OIL PRODUCTS
(NI ROSE PULGAR) MULING magpapatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo umaga ng Martes, (Hulyo15). Pinangunahan ng kompanyang PTT Philippines ,Pilipinas Shell, Petro Gazz, Seaoil, CPI (Caltex), at Phoenix Petroleum Philippines ang pagpapatupad ng dagdag presyo na P1.05 kada litro ng gasoline, P0.70 sa diesel at P0.70 naman sa kada litro ng kerosene na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng oil price hike sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng…
Read More