SOTTO KUMPIYANSA SA POSISYON

tito sotto

(NI NOEL ABUEL) KUMPIYANSA si Senate President Vicente Sotto III na mananatili pa rin itong pinuno ng Senado hanggang sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo 22. Ayon kay Sotto, base sa nakarating na impormasyon dito ay marami pa ring kapwa senador nito ang nagtitiwala sa pamumuno nito sa Senado. “Mukhang ganu’n ang gusto ng majority ng mga kasama ko, ako pa rin ang maIhalal,” ani Sotto sa panayam sa radyo. Idinagdag pa nito na halos kumpleto na ang mga komite sa Senado na hahawakan ng mga senador kung saan…

Read More

STUDENT FARE DISCOUNT BATAS NA

fare44

(NI BETH JULIAN) NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nagsusulong na gawing permanente ang student discount sa mga estudyante sa mga public utilities. Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11314 na nagkakaltas sa 20 percent na diskwento sa pamasahe sa mga estudyante. Sa ilalim ng batas, saklaw nito ang mga tren, jeep, bus, taxi, tricycle, barko at eroplano at ang iba pang mga pampubliko sasakyan. Exempted naman dito ang mga   school services, shuttle at tourist vehicles at kahalintulad na serbisyo. Dito…

Read More

ARCI MUÑOZ KINALIWA NG DALAWANG EX-BOYFRIENDS

(NI REY PUMALOY) UMAMIN sa naranasang panloloko ng kanyang dalawang ex-boyfriends si Arci Muñoz bilang bahagi sa tema ng lalabas nitong movie with JC Santos para sa PPP 2019, ang Open. Kuwento ni Arci sa “A­bantelliling” (isang podcast show), natuklasan niyang nakabuntis ang boyfriend niya noon – at kaibigan pa niya! Hindi natunugan ni Arci ang panloloko dahil bulag siya sa pag-ibig. Ganundin ang isa pa niyang kasintahan noon na nambabae rin. Naloka si Arci sa naranasan sa mga exes niya, na siya namang dahilan para matuto siya kung paano…

Read More

DFA, PDU30 ‘LAST SAY’ SA UGNAYAN SA ICELAND

dfadu30

(NI BETH JULIAN) ANG Department of Foreign Affairs at si Pangulong Rodrigo Duterte ang magpapasya kung pananatilihin ang ugnayan nito sa Iceland o alinmang bansa. Ito ang binigyan diin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kaugnay sa resolusyon ng 18 bansa sa pangunguna ng Iceland na kumukuwestyon sa mga patayan sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga. Ito ay kasunod na rin ng panukalang pinalutang ng isang senadora at sa umano’y konsiderasyon sa posisyon din ng DFA sa pakikipag ugnayan sa Iceland kasunod ng usapin. Sa personal na opinyon ni…

Read More

EX-ARMY CAPTAIN, 2 PA  HULI SA P50-M EXTORTION

fake55

(NI HARVEY PEREZ) NASAKOTE ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang tatlong lalaki, kabilang ang dalawang dating sundalo, nang tangkaing kikilan ng may P50 milyon  ang  Chinese national , operator ng online gambling, sa Taguig City. Sinampahan ng patung- patong na kaso ng NBI-Special Action Unit ang mga suspek na sina Mark Steven Mediamar, na dating Army captain;  Rustico Samarinta, dating sundalo at Antonio Monte de Ramos. Jr., driver na naaresto sa Arya Tower II, Bonifacio Avenue, BGC, Taguig City, noong Hulyo 11 ng gabi matapos ang entrapment operation.…

Read More

4 NA TULOG NA LANG PACQUIAO-THURMAN FIGHT NA

pacman111

(NI EDDIE ALINEA) LOS ANGELES – Wala na halos gagawin pa si WBA welterweight champion Manny Pacquiao kundi ang hintayin ang kanyang laban kay co-titleholder Keith Thurman sa susunod na apat na araw, simula pagdating sa Las Vegas sa araw ng Martes (Miyerkoles sa Maynila). “Nothing much to do actually in the next four days in Vegas but wait for the fight to come,” komento ni Justin Fortune, ang conditioning coach ni Pacquiao nitong Linggo, gabi ng pag-byahe ng Team Pacquiao patungong Sin City. Sa Sabado (Linggo sa Maynila), pag-iisahin…

Read More

REGULAR SAHOD NG BRGY OFFICIALS ISINUSULONG

barangay33

(NI NOEL ABUEL) BINUHAY muli sa Senado ang panukalang maglalaan ng regular na sahod at mas malaking benepisyo para sa mga barangay officials. Sinabi  ni Senador Sonny Angara, na ang mga opisyal ng barangay ang itinuturing na first responders sa panahon ng mga problema sa komunidad kung kaya’t dapat lang na pagkalooban ng benepisyo. “Tuwing may problema, ang barangay ang unang tinatakbuhan ng tao para humingi ng tulong. Sila ang unang rumeresponde sa mga krisis pero sila ang huli lagi pagdating sa mga benepisyo,” sabi pa ni Angara. Batay sa Senate…

Read More

NAT’L DENGUE ALERT IDINEKLARA NG DoH

dengue1

(NI DAHLIA S. ANIN) NAGDEKLARA na ng ‘National Dengue Alert’ si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa. Ito ang unang pagkakataon na nagdeklara ang Department of Health (DoH) ng national dengue alert. Isinagawa ni Duque ang nasabing anunsyo sa isang press conference kasama ang mga opisyal ng Department of Health at ng World Health Organization (WHO). Naitala ang 106, 630 kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1, hanggang Hunyo 29 na mas mataas ng 85% sa naitalang kaso ng…

Read More

‘HAZARD PAY’ NG MMDA ENFORCERS IBABALIK

mmda

(NI LYSSA VILLAROMAN) INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maari nang maibalik ang hazard pay ng kanilang mga traffic enforcers. Sa pahayag ni MMDA chair Danilo Lim ang hazard pay ng mga traffic enforcer na nagtatrabaho sa lansangan kahit may bagyo, baha, malakas ang ulan at minsan naman ay napapaaway sa mga pasaway na motorista ay maari na muling maibalik. “Mukhang posible namang maibalik, pero hindi na ganoon, hindi na hazard pay. Kahit na anong tawag diyan, anong klaseng pay iyan, importante may dagdag na pakinabang, benepisyo ang…

Read More