HIGIT 50 COMMUNITY LEARNING CENTER IKINANDADO NG DEPED 

deped44

(NI JG TUMBADO) IKINANDADO nang tuluyan nang Department of Education (DepED) Region 11 ang nasa 55 paaralan na pagmamay-ari at pinatatakbo sa buong Davao region ng Salugpungan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Centers dahil umano sa kasamang itinuturo ang ideolohiyang pang komunista sa mga mag-aaral doon. Bago ipinatigil ang operasyon ng mga eskuwelahan nitong Biyernes, isang suspension order muna ang ipinalabas ni DepEd Region 11 Regional Director Dr. Evelyn Fetalvero base na rin sa kautusan mula kay Education Secretary Leonor Briones. Ayon kay Jenielito Atillo, tagapagsalita ng DepEd Region 11,…

Read More

POWER INTERRUPTION

meralco121

(NI KEVIN COLLANTES) ISANG linggong maintenance works ang ikinasang muli ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, kaya’t asahan nang maaari itong magresulta sa pansamantalang power interruption sa mga apektadong lugar. Batay sa inisyu ng Meralco na maintenance schedule nitong Biyernes ng gabi, lumilitaw na ang maintenance works ay isasagawa simula Hulyo 15, Lunes, at magtatagal hanggang Hulyo 21 (Linggo). kabilang sa mga apektado ang Urdaneta, at Guadalupe Nuevo sa Makati City; Barangay Potrero, Barangay Tugatog, Barangay Catmon, at…

Read More

VENDORS SA LAGUSNILAD UNDERPASS, AALISIN

underpass33

(NI HARVEY PEREZ) KASUNOD ng pagpapaalis sa mga vendors sa paligid ng Bonifacio Shrine, isusunod naman aalisin  ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno’ Domagoso ang lahat ng vendors na nagsisiksikan sa Lagusnilad undepass sa tabi ng Manila City Hall. Nalaman na kaagad na iniutos ni  Secretary to the Mayor  Bernadito Ang na ipatupad ang pagpapaalis sa mga vendor matapos niyang i-revoke ang ipinagkaloob na special permit kay Samira Datucan, may-ari ng SBD Events and Exhibit Management na siyang organizer ng malaking bilang ng mga vendors na nagtitinda sa ilalim ng…

Read More

ANGAT DAM WATER LEVEL PATULOY ANG PAGBABA

angatdam22

(NI ABBY MENDOZA) INAASAHANG mahaba pa ang sakripisyo ng ilang residente sa kakulangan ng supply ng tubig sa patuloy pa na pagbaba ng water level sa Angat Dam na syang nagsusupply ng tubig sa mga residente ng Metro Manila. Sa pinakahuling monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Adminiatration (Pagasa) nasa 159.45 meters ang level ng tubig sa dam na nasa below critical level na 160 meters habang ang normal level ay 180 meters. Ayon sa Pagasa, sa katapusan pa ng buwan ng Setyembre inaasahan na mapupuno ang 210 meters…

Read More

90-DAY SUSPENSION IPINATAW SA N. COTABATO GOV

catamco22

(NI ABBY MENDOZA) PINATAWAN ng 90-day suspension ng Sandigabayan si North Cotabato Gov Nancy Catamco dahil sa maanomalyang pagbili ng fertilizer. Sa 7-pahinang resolusyon na ipinalabas ng Sandiganbayan 6th Division inatasan nito ang Department of interior and Local Government(DILG) na ipatupad ng ipinalabas na suspension order at magsumite ng report ukol sa ginawang aksyon sa loob ng 15 araw. Batay sa rekord ng kaso, May 2004 nang makipagsabwatan si Catamco sa mga kapwa akusado na sina Poro Cebu Municipal Mayor Edgar Rama at isang Pompey Perez na kasosyo nito sa…

Read More

MATTEO GUIDICELLI PINITIK NG MILITANTENG KABATAAN

matteo55

(NI BERNARD TAGUINOD) PINITIK ng militanteng kabataan ang aktor na si  Matteo Guidicelli dahil sa kanya umanong “militaristic character” matapos ang isang buwang training nito bilang Scout Ranger ng Philippine Army (PA). Hindi nagustuhan ng nasabing grupo na kinakatawan ni Rep. Sarah Elago ang inaasta umano ni Guidicelli na umapela sa kanyang mga kasamahan sa showbiz industry na sumunod sa kanyang yapak at sinabihan ang mga kritiko ng “stop talking”. “We appreciate it when celebrities speak out and involve themselves in politics and advocacies. However, for actor Matteo Guidicelli being a…

Read More

WATER INTERRUPTION MAS MAHABA NGAYON

tubig12

(NI DAHLIA S. ANIN) PATULOY pa ring mararanasan ng publiko ang kakulangan sa suplay ng tubig dahil sa pinakabagong schedule ng water interruption na inilabas ng Maynilad Water Services. Tatagal ng mahigit pa sa 16 na oras na mawawalan ng tubig ang kanilang nasasakupan sa Metro Manila. Ayon sa Facebook post ng Maynilad Water Services Inc., nais nilang pagkasyahin ang distribusyon ng tubig sa lahat ng kanilang customer, kaya nagpatupad sila ng bagong rotational water interruption sa Hulyo 15. Sa Las Piñas, sa Brgy. Almanza Dos 12 a.m.- 7 p.m.,…

Read More

ATLETANG ISASABAK  SA 30TH SEA GAMES PAANO PIPILIIN?

seagames12

(NI JEAN MALANUM) PAG-UUSAPAN ang criteria at paraan ng pagpili sa mga atletang isasabak sa 30th Southeast Asian Games sa ikalawang Team Philippines Assessment Meeting na pangungunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez sa Hulyo  17 sa Philippine International Convention Center (PICC). Inaasahang dadalo sa nasabing miting ang pangulo at secretary general ng mga national sports associations na kasali sa SEAG. “We need to come together as a group to agree on the criteria. The PSC recognizes its strengths and in this case our strength lies in…

Read More

DEPED NAGPAALALA VS FOOD SAFETY STANDARD SA SCHOOLS

deped65

(KEVIN COLLANTES) PINAALALAHANAN  ni Education Secretary Leonor Briones, ang public at private schools sa bansa na maging istrikto sa pagpapatupad ng food safety standards sa mga kainan sa loob ng kanilang paaralan. Ayon kay Briones, ito’y upang hindi na maulit pa ang naganap na food poisoning incident sa Imus Institute sa Cavite, na nakapambiktima ng may 40 estudyante. Nilinaw naman ni Briones na noon pa man ay may umiiral ng kautusan ang departamento hinggil sa mahigpit na food safety standards ngunit hindi nito sakop ang private schools. Hinikayat din ng…

Read More