PACQUIAO ‘DI SUMIPOT SA GYM; NO WORRIES – BUBOY

pacquiao33

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/PHOTO BY WENDELL ALINEA) HOLLYWOD – Hindi kinakitaan ng pagkabahala si chief trainer Buboy Fernandez sa hindi pagsipot ni eight division world champion Manny Pacquiao sa kanyang gym work, Biyernes ng hapon sa Wild Card Boxing Club. Maging si training consultant Freddie Roach ay sinabing kasama rin sa paghahanda ang pahinga sa isang mabigat na laban. Ayon kay Fernandez, na bise-alkalde ng Polangui, Albay, walang dapat alalahanin kung hindi man nag-ensayo si Pacquiao, dahil halos tapos na ang kanilang training at araw na lamang…

Read More

‘IBON FOUNDATION WALANG KREDIBILIDAD’

ibon44

(NI NICK ECHEVARRIA) BINAKBAKAN ni MGen. Antonio Parlade Jr.  ang kawalan ng kredibilidad  ng  Ibon Foundation sa pagsuporta sa inaprubahang resolution ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na layuning imbestigahan ang kalagayan ng human rights sa bansa. Si Parlade ang spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict  (NTF ELCAC) at kasalukuyang Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations ng Armed Forces of the Pilippines. Inakusahan din ni Parlade  ang Ibon Foundation na bahagi nang pagpapakalat ng mga maling impormasyon laban sa bansa  sa loob ng nakalipas na 40 taon at…

Read More

JULY 12 GUSTONG GAWING HOLIDAY

holiday22

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGIGING special working holiday ang Hulyo 12 kada taon kapag nakalusot ang panukalang inihain ni Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III dahil ito ang petsa na tinalo ng Pilipinas sa International Court ang China sa usapin sa West Philippine Sea. Sa ilalim ng House Bill 1947 nais ni Cabochan na ideklarang West Philippine Sea Victory Day ang Hulyo 12, na nakapasa sa committee level noong 17th Congress subalit hindi naisalang sa plenaryo. Magugunita na noong Hulyo 12, 2016 ay nanalo ang Pilipinas sa kasong isinampa nito sa Permanent…

Read More

CAYETANO NANAWAGAN NG PAGKAKAISA

cayetano12

(NI ABBY MENDOZA) HINIMOK ni incoming House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga PDP-Laban members, partikular sa Kamara, na sumama sa binuong bagong supermajority partikular ang Diehard Duterte Supermajority(DDSM). Ayon kay Cayetano layunin ng DDSM na mareporma ang supermajority at  maibalik ang kredibilidad at maiwasan ang pagkakahati-hati ng partido sa Mababang Kapulungan. Sinabi rin ni Cayetano na maglalatag din ng ground rules ang Kamara upang maiwasan na mabahiran ng dumi at maging patas sa lahat ng magiging hakbang. Tiniyak din nito na pagkakaisahin niya ang mga kongresista sa ilalim ng…

Read More

ILIGAL NA PAGGAMIT NG AMBULANSIYA TUTUTUKAN

(NI NOEL ABUEL) MAHAHARAP  sa kasong administratibo at pagsibak sa trabaho ang sinumang government officials na mapapatunayan illegal na gumagamit ng ambulansya. Ito ay sa sandaling maipasa ang Senate Bill No. 229, otherwise known as an Act Regulating the Use of Government Ambulances, Providing Penalties Therefore and for Other Purposes na inihain ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na naglalayong parusahan ang sinumang tauhan ng pamahalaan na illegal na gumagamit ng ambulansya sa buong bansa. Paliwanag ni Dela Rosa, dapat nang matigil ang pagsasamantala ng mga government employees na pera ng taumbayan ang…

Read More

64 SINIBAK NA BOC PERSONNEL PAGLILINISIN SA PASIG RIVER

customs55

(NI CHRISTIAN DALE) MATAPOS sibakin sa puwesto, inutusan pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 64 empleyado ng Customs na maglinis ng Pasig River malapit sa Malakanyang. Ang 64 tauhan ng admin section ng Bureau of Customs (BoC) ay sinibak ng Pangulo dahil sa katiwalian. Sa talumpati ng Pangulo sa Araw ng Pasasalamat for Overseas Filipino Workers Lapu Lapu Grandstand, Camp General Aguinaldo, Quezon City, tiniyak nito na hindi kasama si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa kanyang sinibak kundi ang 64 na tauhan ng admin section. “Yesterday, tinanggal ko…

Read More

BAKIT NAUDLOT ANG NBA DREAM NI KOBE PARAS?

kobeparas12

(NI RK VILLACORTA) LAM NA! Someone from the US of A na kakilala namin na may koneksyon sa NBA ang nagtsika sa tunay na nangyari sa magandang kapalaran sana ng anak nina Benjie Paras at Jackie Forster bilang the next big thing in the USA basketball circuit. Ipinagbunyi kasi ng buong Pilipinas ang pagpunta niya sa Amerika sa isang supposed basketball scholarship. Ilang basketball drafts na ang nakaraan sa university circles sa California, pero tila wala na yatang ingay na narinig mula sa guwapong binata. Ayon sa aking source, kinulang…

Read More

COC, SHERIFF SINIBAK NG SC

supreme court

(NI HARVEY PEREZ) TINANGGAL sa serbisyo  ng Supreme Court (SC), ang isang clerk of court at isang sheriff ng  korte matapos mapatunayan na lumabag sa rules of court. Napapaloob sa magkaibang curiam decisions ng SC  nalaman  na si  Lou D. Laranjo, Clerk of Court II, ng  Municipal Circuit Trial Court (MCTC), ng Lugait-Manticao-Naawan, Misamis Oriental ay napatunayang guilty sa kasong grave misconduct at serious dishonesty. Inalisan din ng retirement benefits si Laranjo at diniskiwalipika na  makapaglingkod sa anumang pampublikong tanggapan, maliban sa naipon niyang leave credits. Isinampa ang reklamo laban…

Read More

PUBLIC SCHOOLS LALAGYAN NG SPED CLASS

sped44

(NI NOEL ABUEL) ISINUSULONG  ni Senador Sherwin Gatchalian ang paglalagay ng mga special education centers sa lahat ng pampublikong eskuwelahan sa buong bansa para maraming matulungang kabataan na nagngangailangan ng dagdag na atensyon. Ayon kay Gatchalian, kailangan nang magkaroon ng mga special education centers sa lahat ng public schools upang epektibong magabayan ang mga kabataan na may disabilities at iba pang special needs. Inihain nito ang Senate Bill No. 171 o ang Inclusive Education for Children and Youth with Special Needs Act, kailangang maisama sa itatayong eskuwelahan ang mga Speds…

Read More