(NI NICK ECHEVARRIA) HALOS umabot na sa 1,200,000 na mga pasaway ang inaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa sa Kalakhang Maynila. Sa ipinalabas na datos ni P/MGen. Guillermo Eleazar, Director ng NCRPO, nasa kabuuang 1,191,090 na mga lumabag ang nadakip simula June 13, 2018 hanggang nitong July 5 sa Metro Manila. Sa mga nadakip na pasaway ang mga lumabag sa smoking ban ang may pinakamalaking bilang na naitala na 277,048 katumbas ng 23.26 percent ng kabuuang bilang. Sinundan ito…
Read MoreAuthor: Jet
ANGAT DAM NASA ‘CRITICAL LEVEL’ ULIT
(NI KIKO CUETO) MULING lumapit sa critical level ang tubig sa Angat dam nitong Linggo sa pagbagsak ulit ng lebel ng tubig nito. Base sa tala ng Pagasa, naitala, Linggo ng alas-6:00 ng umaga ang water level sa 161.22 meters. Mas mababa ito sa 161.45 meters na naitala noong Sabado. Maging ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City ay bumaba rin nitong Linggo. Nasa 72.36 meters ito base sa tala ng Pagasa ng alas-6:00 ng umaga. Mas mababa ito sa 72.38 meters na naitala noong Sabado. Ang…
Read MoreTRANSPORT HOLIDAY: 30-K SASAKYAN NAKA-OFFLINE
TINATAYA sa 30,000 ride-sharing cars ang inaasahang lalahok at magiging offline, sa Lunes, para sa transport holiday. Sinabi ni Jun De Leon, chair ng Metro Manila Hatchback Community, na offline ang mga driver ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi. Gayunman, hindi sila lalahok sa kalsada o kilos protesta sa kalye. Sinabi ni De Leon na ang mga miyembro ng transport network vehicle service (TNVS) community ay humihiling ng pag-aalis ng ban ng mga polisiya na pahirap sa mga drivers at sistema sa pagkakaroon ng permit to operate. Idinagdag…
Read More8-12 WORKING HOURS SA TALENTS NASA ‘EDDIE GARCIA LAW’
(NI BERNARD TAGUINOD) NAKAUMANG na ang mabigat na parusa sa ilalim ng panukalang batas na tinawag na “Eddie Garcia” law na magbibigay proteksyon sa mga talent at manggagawa sa showbiz industry. Sa ilalim ng House Bill 191 na inakda ni 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero, bukod sa multang P100,000 hanggang P1 million kada araw sa mga lalabag sakaling maging batas ito ay manganganib din ang prangkisa sa mga television network. Nabuo ang nasabing panukala matapos maaksidente ang 90 anyos na si Garcia noong Hunyo 8, 2019 sa Tondo Manila sa…
Read More17 INARESTO SA WELGA SA PABRIKA
(NI NILOU DEL CARMEN) NASA 17 manggagawa ang inaresto ng mga pulis matapos sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng mga nagwewelgang mga trabahador at mga nagbabantay na security guards sa NutriAsia plants sa Cabuyao City, Laguna Sabado ng umaga. Nagsimula ang kaguluhan nang nasa 200 mga manggagawa ay magsimulang magsagawa ng protesta sa harap ng pabrika dakong alas 5:00 ng umaga. Nananawagan ang mga ito sa pamunuan ng NutriAsia na ipatupad ang kautusan ng regional labor office na pagre-regular sa mga trabahador, ENDO at ang pag-aksyon hinggil sa umano ay paglansag sa mga…
Read MoreMERALCO MAY POWER INTERRUPTION ULIT
(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Manila Electric Company (Meralco) na ilang lugar sa Metro Manila ang inaasahang makararanas ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ngayong linggo. Ito’y bunsod na rin nang patuloy na maintenance works na isinasagawa ng naturang electric company na ang layunin ay mapagbuti pa ang pagbibigay nila ng serbisyo sa kanilang mga kostumer. Batay sa inilabas na maintenance schedule ng Meralco, ipatutupad ang power interruptions mula Hulyo 9 hanggang Hulyo 11 sa ilang lugar sa Pasig City, Quezon City, at Taguig City. Nabatid na sa Pasig City,…
Read MoreKAPA LEADER ‘DI ISUSUKO NG INDIGENOUS PEOPLE COMMUNITY
(NI TJ DELOS REYES) PATULOY pa ring sinusuportahan at nagkakaloob ng proteksiyon ang Indigenous People o IP Community at hindi umano nila isusuko si KAPA Community Ministry International Leader Joel Apolinario. Sinabi ni Federal Tribal Government of the Philippines Governor-General Datu Higyawan Holag-Ayan, pinaalalahanan na niya ang Korte Suprema na sa ilalim ng IPRA law, sila ang may talagang hurisdiksyon kay Apolinario. Aniya, malinaw na isinasaad sa R.A. 8371 o ‘Indigenous People’s Rights Act of 1997, mayroong sariling ‘customary laws’ ang mga katutubo na iniimplementa mula pa sa panahon ng…
Read MoreUS POP SINGER INARESTO HABANG NAGSO-SHOW SA MALAYSIA
INARESTO ang American pop star na si Maggie Lindemann habang ito ay nagsu-show sa isang shopping mall sa Kuala Lumpur, Malaysia. Sabi ni Maggie sa kanyang Instagram post: “I’m sorry to the fans that came out to the Malaysia show. I was detained and arrested midway through my set and… confined in a living hell.” Sinabi ng Malaysian authorities na inaresto nila si Maggie dahil wala itong professional visit pass para legal na makapag-perform sa Malaysia. Na-confine siya for 5 days mula ng insidente noong June 21, pero nitong July…
Read MorePALASYO LABAN-BAWI SA IMPEACHMENT
(NI BETH JULIAN) ANO ba talaga? Ito ang namumuo sa isip ng publiko kaugnay sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa bantang paghahain ng kasong impeachment laban sa kanya ng ilang kritiko. Nalilito ang publiko matapos ihayag nitong Sabado na walang balak ang Malacanang na hadlangan ang anumang planong paghahain ng reklamong impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa harap ito ng babala ng grupong Pamalakaya na nakaumang ang isasampa nilang kasong impeachment laban sa Pangulo sa sandaling magbalik sesyon na ang Kongreso. Treason at culpable of violation of…
Read More