(NI NOEL ABUEL) MAHAHARAP sa pagkakakulong ng 12 taon ang sinumang indibiduwal na mapapatunayang sangkot sa importasyon ng basura papasok sa bansa. Ito ang nais ni Senate Minority Leader Franklin Drilon base sa inihain nitong Senate Bill No. 18 kung saan maliban sa pagkakakulong ay mahaharap din sa multa na P15 milyon ang mag-aangkat ng basura mula sa ibang bansa. Kasabay nito ay nanawagan din ito na tuluyang ipatupad ang total ban sa lahat ng waste imports kabilang ang recyclables materials. Tugon ito ni Drilon sa gitna ng mga ulat…
Read MoreAuthor: Jet
ROLLBACK IPINATUPAD
(NI ROSE PULGAR) NAGPATUPAD ng katiting na bawas presyo sa boll back sa presyo ng diesel ang isang kompanya ng langis, Sabado ng tanghali. Pinangunahan ng Phoenix Petroluem Philippines na nagtapyas ng P0.40 kada litro sa diesel na epektibo ng alas-12:00 ng tanghali ngayong Sabado. Habang wala pang paggalaw sa presyo ng gasoline at kerosene. Wala pang ibang kompanya ng mga produktong petrolyo ang nag-asunsyon ng panibagong pagtapyas ng kanilang mga produktong langis. Inaasahan na sa susunod na araw ay sususnod na rin ang ilang kompanya ng langis sa kakarampot…
Read MoreJOHN LLOYD: LUBUSIN MO NA ANG PAGBABALIK!
(NI RONNIE CARRASCO III) MORE than an effective product endorser, kilala si John Lloyd Cruz as one of the country’s finest actors. Ito ang dahilan kung bakit nakakapanghinayang ang kanyang hibernation which he chose over his career. But with his indefinite break comes a sense of fulfillment. Maligaya siya sa piling ni Ellen Adarna most especially now that they are blessed with a child who recently turned one. Recently, my mga reported sightings kay JLC with his quintessential screen partner Bea Alonzo off a Palawan resort. Pero ang inakala ng…
Read MorePINOY SA CANADA ARESTADO SA CHILD RAPE, KALASWAAN SA SIMBAHAN
(DAVE MEDINA) INARESTO sa reklamo ng 22 pang-aabuso sa mga bata ang isang Filipino sa Canada. Kinilala ng Toronto, Canada police ang suspek na si William Christopher Claveria, 32, na nahaharap ngayon sa 22 kaso na kinabibilangan ng sexual assault, child pornography, sexual interference, distribution of child pornography at voyeurism. Sa record ng pulisya, hindi kukulangin sa tatlong bata ang hinimok ni Claveria ang sumali sa kanilang grupong Word and Life Christian Assembly at Jesus Reigns Forever International Ministry sa nakalipas na taon at ini-record ang tinaguriang sexual assault sa…
Read MoreCHR PROBE SA BATANG ‘HUMAN SHIELD’, OK SA PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) BUKAS ang Philippine National Police (PNP) sa panawagan ng Commission on Human Rights (CHR) na masusing imbestigahan ang naging ‘collateral damage’ nang madugong anti-drug operations sa Rodriguez, Rizal kamakailan. Ayon kay P/Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, makatutulong sa kanila ang anumang imbestigasyon para matukoy ang tunay na pangyayari sa operasyon na nauwi sa engkwentro at kumitil sa buhay ng apat katao kasama ang isang 3 taong gulang na bata. Nilinaw ni Banac na hindi binabalewala ng PNP ang ganitong mga isidente sa ilang operasyon ng mga pulis,…
Read MoreDU30 UMAMIN; SINIBAK, ‘DI NAG-RESIGN SI ARANAS
(NI BETH JULIAN) INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak niya sa puwesto si GSIS President at General Manager Jesus Clint Aranas. Ito ang inihayag sa talumpati sa isang okasyon sa Leyte, Biyernes ng hapon. Ang pag-amin ng Pangulo ay taliwas naman sa naunang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi pinagbitiw ng Pangulo si Aranas at ikinatwirang kusa itong nag-resign dahil sa personal na dahilan. Kasabay nito, sinabi pa ng Pangulo na mayroon pang nakalinyang sisibakin na opisyal sa Bureau of Customs (BoC). Matatandaan na biglang naghain ng…
Read MoreREP. DUTERTE ATRAS NA SA SPEAKERSHIP RACE
(NI ABBY MENDOZA) UMATRAS na sa agawan sa pagka-House Speaker si Presidential son at Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte para bigyang-daan ang pagtutulak ng kandidatura ng isa rin nilang kaalyado mula sa Mindanao. Sa isang statement, sinabi ni Rep. Duterte na matapos ang kanyang pakikipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes ng gabi, napagpasyahan nito na isaisantabi muna ang pagnanais na maging Speaker ng House of Representatives. “I have personally spoken to President Rodrigo Duterte Thursday night in Davao City regarding my plan to run for speaker of…
Read MoreDENR SA MGA MAYOR: IDAMAY ANG ESTERO SA PAGLILINIS
(NI DAHLIA S. ANIN) NAGSAGAWA ng clean up drive sa Parola, Tondo, Maynila ang daan-daang volunteers at government agencies, sa pangunguna ng Department of Environment and National Reaources (DENR) na tinawag na “Tayo na sa Parola, Cleanup Operation”. Ayon kay DENR Assistant Secretary Corazon Davis, ang cleanup drive ay may layuning malinis ang 225 metro ng coastal area ng Barangay 275 sa Parola. Ito ang lugar kung saan nagtatagpo ang Manila Bay at Ilog Pasig na maraming basurang naiipon mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Maynila. Kaya naman nanawagan…
Read MoreIMPEACHEMENT VS DU30 ‘DI HAHADLANGAN
(NI BETH JULIAN) WALANG balak ang Malacanang na hadlangan ang anumang planong paghahain ng reklamong impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa harap ito ng babala ng grupong Pamalakaya na nakaumang ang isasampa nilang kasong impeachment laban sa Pangulo sa sandaling magbalik sesyon na ang Kongreso. Treason at culpable of violation of the the constitution nang dahil sa kabiguan umano ng Pangulo na protektahan ang exclusive economic zone ng Pilipinas ang grounds for impeachment na ihahain ng grupo. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kinikilala ng Office of the President…
Read More