DEL ROSARIO BALIK-PINAS NA

del rosario12

(UPDATED) (NI ROSE PULGAR) NAKABALIK na ng bansa ang dating Foreign Affairs (DFA) secretary Albert del Rosario matapos harangin at pigilan ng Immigration officer na makapasok sa loob ng Hongkong International Airport at i-deny ng Immigration ang kanyang passport ngayong Biyernes. Halos anim na oras na nai-hold at sumailalim sa pagtatanong ang dating kalihim bago ito pinauwi ng Pilipinas. Dakong alas-4:32 ng hapon nang dumating si Del Rosario sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Cathay Pacific Flight CX-919 sa halip na alas-8:30 ng gabi pa ang…

Read More

MILITARY JUNTA SA DU30 GOVERNMENT?

military junta12

(NI BERNARD TAGUINOD) NABABAHALA si Bayan Muna party-list Rep-elect Ferdinand Gaite dahil mistulang mayroon umanong “de facto military junta sa Duterte administration” dahil mahigit 60 na dating militar at pulis  ang itinalaga na nito sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno. “This type of management style has made a truly de facto military junta of the Duterte administration and reflects on how they run government services which is way below par,” ani Gaite. Malinaw aniya ang papatinding  militarisasyon sa sibilyang burukrasya sa ilalim ng panumuno ni Duterte dahil sa dami ng militar na…

Read More

PAGHARANG KAY DEL ROSARIO ‘DI PWEDE KWESTIYUNIN

hk12

(NI BETH JULIAN) MAY sariling disposisyon ang gobyerno ng Hong Kong sa pagpapatupad na kanilang batas kaugnay sa kung papapasukin nila sa kanilang bansa o hindi ang isang indibidwal. Ito ang posisyon ng pamahalaan ng Pilipinas kaugnay sa pagharang at hindi pagpapatuloy papasok sa Hong Kong kay dating DFA secretary Albert del Rosario. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, wala rin karapatan ang gobyerno ng Pilipinas na kuwestyunin ang ginawang pagharang kay del Rosario ng Hong Kong Immigration. Matatandaan na hinarang at pinigil ng hgit limang oras sa airport ng…

Read More

NATIONAL ARTIST KAY EDDIE GARCIA

eddigarcia22

(NI BERNARD TAGUINOD) KASABAY ng pakikipagdalamhati sa pagnapaw ng beteranong actor na si Eddie Garcia, inirekomenda ng grupo ng mga party-list congressmen na gawin itong “National Artist” dahil sa hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng showbiz. “We mourn but we also honor and celebrate Eddie Garcia and his life well lived. As a group, the Party-list Coalition will nominate Eddie Garcia for the posthumous conferment of the National Artist award,” ani 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero. Noong Huwebes ng hapon ay tuluyang pumanaw si Garcia na kilala sa bansag na…

Read More

BAGONG RILES NG MRT-3 DARATING SA HULYO

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) SIMULA sa susunod na buwan ay inaasahang maide-deliber na sa bansa ang mga bagong riles na gagamitin para sa rehabilitasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3). Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nakatakdang dumating sa bansa ang 50% ng mga bagong riles simula ngayong Hulyo hanggang Agosto, o mas maaga ng ilang buwan sa nakatakda sanang delivery sa mga ito. Sinabi ng DOTr na nitong Huwebes ay nagtungo na sa tanggapan ng Nippon Steel sa Fukuoka, Japan ang mga miyembro ng DOTr-MRT3 Factory Acceptance Test (FAT) Team,…

Read More

PAGTALAGA NG EX-MILITAR SA PHILHEALTH PINALAGAN SA KAMARA

morales philhealth12

(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG nakikitang senyales ang mga militanteng mambabatas na kayang resolbahin ng isang dating heneral ang malaking problema sa Philhealth lalo na ang katiwalian o ang pagnanakaw sa pondo ng mga miyembro ng nasabing state insurance funds. Ito ang reaksyon ni Bayan Muna party-list Rep-elect Ferdinand Gaite matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired General Ricardo Morales bilang hepe ng Philhealth matapos mabunyag ang panibagong anomalya dito. “Gen. Morales in Philhealth will not make it better and may make it worse. Hindi totoong mas epektibo at episyente…

Read More

BAGYONG ‘DODONG’ ‘DI TATAMA SA LUPA 

pagasa12

(NI KIKO CUETO) PAPASOK ng Philippine Area of Responsibility (PAR)  ang binabantayang bagyo ng Pagasa, pero hindi ito tatama sa lupa. Sinabi ni Pagasa weather specialist Ezra Bulquerin na ang low pressure area (LPA) ay huling namataan 1,300 kilometers east ng Mindanao. Naunang sinabi ng state weather bureau na ang naturang weather disturbance ay posibleng maging isang ganap na bagyo. Papangalanan itong “Dodong,” sa oras na pumasok ng bansa. Posibleng ngayong Sabado o sa madaling araw ng Linggo ito papasok ng bansa. Ito ang ikaapat na bagyo na papasok sa…

Read More

PALICTE KINAPOS, NABIGO SA WBO SUPER FLYWEIGHT TITLE BOUT

PALICTE12

(NI ARIEL BORLONGAN) KINAPOS ng hangin si Aston Palicte ng Pilipinas kaya napatigil siya ni Kazuto Ioka sa 10th round ng kanilang sagupaan upang lumikha ng kasaysayan nang maging kauna-unahang Hapones na four-division world champion kamakalawa ng gabi sa Makuhari Messe sa Chiba City, malapit sa Tokyo, Japan. Natamo ni Ioka ang WBO super flyweight title upang idagdag sa mga una niyang hinawakan na WBC at WBA minimumweight titles, WBA light flyweight belt at WBA flyweight crown. Malakas sa mga unang rounds si Palicte na pinupog ng mga suntok si…

Read More

DIFFERENTIAL PENSION NG MGA PULIS NGAYONG HUNYO NA

pnp12

(NI AMIHAN SABILLO) MAPASASAKAMAY na ng mga retiradong pulis ang P86,876 na kanilang pension differential sa Hunyo 29. Ito ang inihayag ni PNP spokesperson Police Col. Bernard Banac kung saa ang halaga umano ay katumbas ng kakulangan sa dating tinatanggap na pensiyon ng mga retiradong pulis para pumantay sa bagong monthly basic pay scale ng mga pulis epektibo mula Enero 1, 2019. Sinabi pa ni Banac na ang bagong “adjusted” na pensiyon ng mga retirado ay kanila namang matatanggap epektibo sa darating Hulyo 16. Alinsunod umano ito sa Congress Joint…

Read More