(NI BERNARD TAGUINOD) LABIS na ang pagkabahala ng militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa sunud-sunod na pagpatay sa mga akbista at mga miyembro ng progresibong grupo. “It appears that rabid attack dogs are now going all out to eliminate activists and progressives,” paglalarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate matapos itumba, Lunes ng umaga sa Naga City ang regional spokesman ng kanilang grupo na si Neptali Morada. Nabatid na papasok sa kanyang trabaho si Morada, dakong alas-8:00 ng umaga nang patayin ito sa San Isidro, Naga City.…
Read MoreAuthor: Jet
SONA GUGULUHIN; 2 ‘TERORISTA’ LAGLAG SA QC
(NI AMIHAN SABILLO) HULI ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang miyembro ng Daulah Islamiya na sinasabing tangkang manggulo sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ngayong Hulyo. Mismong si PNP Chief Police General Oscar Albayalde, ang nagbigay ng pagkakilanlan ng mga suspek na dinakip na sina Arnel Cabintoy, alyas Abu Musa’ab at Feliciano Sulayao, alyas Abu Muslim, na parehong balik-Islam na sinasabing mga miyembro ng Daulah Islamiyah Philippines sa ilalim ni Hatib Hajan Sawadjaan na syang tumatayong leader na ng grupo sa ngayon matapos mapaslang ng mga…
Read MoreKAMPANYA VS BUGOK SA PNP, PINALAKAS
(NI JG TUMBADO) BINUWAG na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang Counter Intelligence Task Force o CITF at bumuo ng bagong grupo na tututok sa mga tiwaling pulis. Tinawag na “Integrity Monitoring and Enforcement Group” (IMEG) na mas malawak pa ang pagpapaigting sa kampanya laban sa mga police scalawags. Ayon mismo kay PNP Chief General Oscar Albayalde, ang pagtatag ng IMEG na siyang magsasagawa ng intelligence monitoring, case build up, at law enforcement operations laban sa mga pulis na sangkot sa iba’t ibang illegal na aktibidad, ay bahagi…
Read MoreMABABANG TARIPA SA POULTRY PRODUCTS APRUB NA
(NI BETH JULIAN) MANANATILING mababa ang taripa ng ilang importted na poultry products. Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 81 noong Hunyo 13 na nagpapataw ng mababang taripa sa ilang imported agricultural products. Hanggang December 31, 2020 magiging epektibo ang EO 81 na pinatagal ng anim na buwan mula sa orihinal na expiration sa ilalim ng EO 23. Kabilang sa sakop ng EO 81 ang walang butong karne ng manok, karne ng turkey at laman-loob. “The present economic condition warrants the continued application of…
Read MoreEX-BAYAN MUNA SPOKESPERSON NILIKIDA
(NI JESSE KABEL) DEAD on the spot ang dating taga pagsalita ng Bayan Muna-Camarines Sur nang pagbabarilin ito nitong Lunes ng umaga ng mga suspek lulan ng isang pickup truck. Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Camarines Sur PNP, lulan ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Nepthali Morada nang dikitan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sakay ng isang pickup truck. Inabot ng dagliang kamatayan ang biktima nang pagbabarilin habang binabagtas ang national highway sa bisinidad ng Sona 4, Barangay San Isidro. Ayon sa Bayan Muna, nagsilbing , tagapagsalita ng…
Read MoreAEGIS JURIS FRAT HAZING; 1 KULONG NG 4-TAON
(NI HARVEY PEREZ) GUILTY sa kasong obstruction of justice ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 14, ang isang miyembro ng Aegis Juris Fraternity kaugnay sa pagkamatay sa hazing ng University of Sto.Tomas (UST) freshman student na si Horacio “Atio”Castillo III noong Setyembre 17, 2017. Nabatid sa 27- pahinang desisyon ni MMTC Judge Carolina Esguerra, ng Branch 14, si John Paul Solano ay hinatulan ng hanggang apat na taon, dalawang buwan at isang araw na pagkabilanggo dahil sa kasong obstruction of justice. Gayunman, inabsuwelto si Solano sa kasong perjury matapos kakitaan…
Read MoreHENERAL, MAGHAHABOL SA MGA TIWALING PARAK –ALBAYALDE
(NI AMIHAN SABILLO) RANGGONG police general na ang magiging responsable sa pagtugis sa mga tiwaling kawani ng Philippine National Police (PNP). Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde makaraang, palitan ang dating PNP Counter Intelligence Task Force (CITF), ng isang bagong grupo na tatawaging “Integrity Monitoring and Enforcement Group” (IMEG). Si dating CITF Chief Col. Romeo Caramat ang mamumuno pa rin sa bagong grupo na may kabuuang 306 personnel, 55 commissioned officers at 251 non-commissioned officers. Ayon sa PNP Chief, ang IMEG ay kinokonsidera bilang National Support…
Read MoreDAVIS KAMPI NA NI LEBRON
SA hinaba-haba ng prusisyon sa Los Angeles din ang tuloy. Bagamat wala pang pormal na pahayag, magkakasama na sa Lakers sina Anthony Davis at LeBron James. Ito’y matapos na ang New Orleans Pelicans ay pumayag na ipamigay si Davis sa Lakers kalapit nina point guard Lonzo Ball, forward Brandon Ingram, shooting guard Josh Hart at tatlo pang first-round draft choices. Hindi pa maaaring maging opisyal hangga’t hindi pa nagsisimula ang panibagong taon ng liga sa Hulyo 6, ayon sa ESPN. Pero, hindi rito nagtatapos ang ‘shopping spree’ ng Lakers para…
Read MoreUS NAGPAALALA SA CLAIMANTS: ‘WAG GUMAMIT NG DAHAS
(NI JESSE KABEL) NAG-ABISO ang Estados Unidos sa mga bansa na pare-parehong may claimed o inaangking teritoryo na huwag gumamit ng dahas at pananakot sa paggiit sa mga teritoryo. Ito ay bunsod ng huling kaganapan kung saan sinalpok ng barko ng Tsina na Yuemaobinyu 42212 ang Filipino fishing vessel na F/B Gem-Ver1 noong June 9 kung saan 22 Pilipinong mangingisda ang naiwang palutang-lutang sa karagatan. Nabatid na malaking pagpapasalamat ng embahada ng Estados Unidos, na walang nasaktan sa 22 Pilipinong mangingisda sakay ng fishing vessel at naisalba sila nang maayos…
Read More