KATIWALIAN SA PIA INIIMBESTIGAHAN

corruption12

(NI BETH JULIAN) NAGSASAGAWA na ng hiwalay na imbestigasyon ang Presidential Anti Crime Commission sa isyu ng umano’y katiwalian sa Philippine Information Agency (PIA). Ito ang kinumpirma ni PACC Commissioner Greco Belgica, bagama’t tumaggi pa muna itong magbigay ng detalye hinggil dito. Sinabi naman ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hinihintay lamang ng PACC ang report na manggagaling sa una nang imbestigasyong isinasagawa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ang sentro ay laban kay PIA Director General Harold Clavite. Kaugnay ng isyu, naka-post sa Facebook account ni Clavite, sinabi nito na…

Read More

4 PRIVATE EMISSION TESTING CENTER SINUSPINDE 

dotr

(NI KEVIN COLLANTES) PINATAWAN ng tatlong buwang suspensiyon ng Department of Transportation (DOTr) ang apat na private emission testing centers (PETCs) nito sa Mindanao. Ito’y matapos na matuklasang namemeke umano ang mga ito ng resulta ng isinasagawang emission tests. Batay sa Department Order 2016-017, nabatid na kabilang sa pinatawan ng 90-day suspension ng DOTr ang Six Eleven Emission Test Co., na matatagpuan sa Macapagal Avenue, Tubod, Iligan City, Lanao Del Norte; at 221 Emission Testing Center-Molave Branch sa Ramos Street, Molave, Zamboanga Del Sur. Nahaharap din sa suspensiyon ang Motor…

Read More

KATHNIEL NAPAG-UUSAPAN NA ANG KASAL

kathniel22

(NI LOURDES FABIAN) KINILIG ang KathNiel fans nang kumpirmahin ni Daniel Padilla na pinag-uusapan na nila ng girlfriend na si Kathryn Bernardo ang tungkol sa wedding plans when they recently celebrated their seventh-year anniversary. Diretsahang inamin ni Daniel that he and Kathryn have discussed wedding plans pero it will not happen any time soon. “Planning lang, pero not soon!” isiniwalat ng panganay na anak ni Karla Estrada. Kinilig ang kanilang mga tagahanga sa napaka-cheesy anniversary message na ipinost niya para kay Daniel: “Happy happy 7th anniv to us, mahal! Thank you for being my dream guy and reality guy at the same time. Falling and…

Read More

LRT-2 MAY REGALO SA MGA TATAY

lrt2a

(NI KEVIN COLLANTES) MAGANDANG balita para sa mga haligi ng tahanan dahil may naghihintay sa kanilang surprise gift mula sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) kung sasakay sila ng LRT-2 ngayong Father’s Day, Linggo, Hunyo 16. Ayon sa LRTA, pagkakalooban nila ng father’s treat ang mga tatay na sasakay sa Recto, Santolan at Cubao stations ng LRT-2, mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali. Magpapamahagi rin naman sila ng sorpresang regalo para sa mga ama mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi sa Cubao station ng…

Read More

‘DEATH’ HAHARAPIN NG KUWAITI OFFICER NA NAN-RAPE SA PINAY

HANGING12

TINIYAK ng mga kinatawan ng Kuwait sa Manila na ginagawa ang lahat ng paraan upang arestuhin ang police officer na umano’y gumahasa sa isang Pinay na kasambahay doon. Sinabi ni Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaikh sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ipinaskel at inalerto na ang lahat sa police at immigration office gayundin ang iba pang Gulf Cooperation Council member para sa ikadarakip ni Fayed Naser Hamad Alajmy,  22-anyos na Kuwaiti police officer, na nahaharap sa kasong rape. Nakipagkita si Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou…

Read More

DU30 HANDS OFF SA TRABAHO NG COMELEC

DUTERTE66

(NI BETH JULIAN) HINDI panghihimasukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang trabaho ng Commission on Elections (Comelec). Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo,  kasunod  ng pahayag ng Pangulo kamakailan na nasasamantala na ng mga mayayaman ang kandidato para sa partylist group. Depensa ni Panelo, naghayag lamang ng kanyang pananaw ang Pangulo pero matigas ang paninindigan nito na hindi makikialam sa trabaho ng komisyon. Ayon kay Panelo, bahala na ang Comelec kung tutugunan ang sentimyento ng Pangulo tungkol sa klase ng mga kandidatong nais na maupo sa partylist group na…

Read More

TAG-ULAN IDINEKLARA NA NG PAGASA

rain15

IDINEKLARA na ng Pagasa ang simula ng rainy season. Sa statement, sinabi ng Pagasa na ito ay bunsod ng pagkakaroon ng kalat-kalat at minsan ay malawakang pag-ulan na iniugnay sa Southwest Monsoon. Magpapatuloy ang pag-ulan sa bansa, partikular sa western sections ng Luzon at Visayas. Sinabi ng Pagasa na ang ‘monsoon breaks’ o maiikling putol-putol na pag-ulan ay posibleng maranasan ng ilang araw o linggo. Inaasahan ng Pagasa na pagbagsak ng ulan sa Hulyo na mas mataas sa normal sa maraming bahagi ng Luzon at Visayas. Ang kondisyon ng pag-ulan…

Read More

SA RAMI NG BUMESO; BUHOK NG TV PERSONALITY BUMIGAY

blind item12

(NI JERRY OLEA) BONGGACIOUS ang isang gathering recently, kung saan literal na nagkikislapan ang dumalong stars and starlets. Ang sikat na sikat na TV/movie perso­nality ang pinakamaningning sa mga panauhin, kuntodo squad ng bekibelles. Grand entrance! Sa rami nang bumabati at bumebeso sa super-sikat na celebrity, bumigay ang kanyang buhok. Lumabas siya ng ballroom at nagkukumahog ang kanyang glam team sa pag-aayos ng kanyang hairstyle.       ### Fabulous ang pag-iiwasan ng ex-lovers na aktor at aktres sa naturang pagtitipon. Kasama ng aktres ang dyowa niyang powerful at yayamanin. Lagi silang…

Read More

KASO LABAN SA KAPA ISASAMPA NA NG NBI

nabikapa12

(NI HARVEY PEREZ) TINIYAK ng  National Bureau of Investigation (NBI) na magsasampa na ng kasong kriminal , anumang araw sa susunod na linggo laban sa Kapa Community Ministry International dahil sa pagkakasangkot sa   investment scam. Kasunod umano ito ng isinagawang serye ng pagsalakay sa mga tanggapan ng Kapa sa iba’t ibang panig ng bansa base sa search warrant. Sinabi ni  NBI National Capital Region (NBI-NCR) Regional Director Cesar Bacani na ihahain na nila sa susunod na linggo ang mga kasong kriminal base sa isinilbi nilang search warrants. Kasama umano sa…

Read More