(NI HARVEY PEREZ) KINASUHAN na ng Department of Justice (DoJ) ng kasong complex crime of estafa thru falsification of official documents ang isa sa may-ari ng WellMed Dialysis Center Incorporation na si Dr. Bryan Sy. Nabatid na kinasuhan rin ng katulad na kaso ang dalawang dating executives at ngayon ay mga whistleblowers na sina Edwin Robero at Liezel de Leon. “The investigating prosecutor found that the Wellmed officers conspired in using falsified documents to collect payments from Philhealth for alleged medical services to patients who were already dead,” ayon kay…
Read MoreAuthor: Jet
DFA NASA ALERT LEVEL 2 SA SUDAN CRISIS
(NI KIKO CUETO) ITINAAS ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa Sudan kasunod na rin ng patuloy na civil unrest sa Khartoum at ilang mga lugar. Kasabay ito ng babala na huwag bumiyahe sa naturang bansa dahil sa mga kaguluhan. Sa kasalukuyan, ayon sa talaan ng DFA, mayroong 3,000 Filipino na naninirahan o nagtatrabaho sa naturang bansa. Sa ilalim ng kanilang advisory, hindi pinapayagan ang mga Pinoy na magpunta sa nasabing bansa. Ang Alert Level 2 ay inilalabas kung may banta sa mga buhay, security at…
Read MoreBANGGAAN NG CHINA, PH: ORDINARY MARITIME ACCIDENT – CHINESE SPOX
(NI KIKO CUETO) TILA minaliit ng China ang insidente ng pagbangga ng umano’y Chinese vessel, sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank sa West Philippine Sea. Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Geng Shuang, ito ay isang ordinaryong aksidente lang sa dagat. Nagbabala rin siya na huwag gawing isyung politikal ang nangyari. “It was an “ordinary maritime accident” we are warning against “irresponsibly politicizing” the collision,” pahayag nito. Sa text message naman na ipinadala ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, sinabi…
Read MoreFIXED TERM CONTRACT NG MMDA CHIEF, IMINUNGKAHI
(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG magkaroon ng tuluy-tuloy na programa at operasyon sa pagresolba sa problema sa trapiko, iminungkahi sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ng fixed term ang hepe ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Ginawa ni out-going House committee on Metro Manila Development chair Winston ‘Winnie’ Castelo ang nasabing mungkahi dahil paiba-iba ang diskarte sa pagresolba sa trapiko at iba pang problema sa Metro Manila kapag may bagong administrasyon. “The MMDA is no longer a coordinating body of the 17 cities and towns, as originally conceived and planned by authors…
Read MoreTAPANG NI DU30 INAABANGAN SA BINANGGANG FISHING BOAT
(NI BERNARD TAGUINOD) HINIHINTAY ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumabog ang galit nito sa kaso ng mga Filipino na binangga at iniwan ng Chinese sa gitna ng laot at hilingin sa kanyang counterpart Chinese President Xi Jinping na parusahan ang mga kababayan niyang nagkasala. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, naniniwala si Duterte na lahat ng nagkasala ay dapat parusahan kaya maraming ordinaryong mamamayan na pinagsususpetsahang sangkot sa ilegal na droga ang napapatay. “Ngayon masusubukan ang tapang nya na mag-ensure, hindi lang demand, na parusahan…
Read MoreDA: LUNCHEON MEAT POSITIBO SA AFRICAN SWINE FEVER
(NI DAHLIA S. ANIN) NAGPOSITIBO sa African Swine Fever virus ang ilang de latang nakumpiska sa isang paliparan sa bansa, ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol. Ang mga pork luncheon meat products mula sa Hong Kong ay nakumpiska sa Clark International Airport noong Marso 25, dahil sa pag-ban ng ahensya sa mga processed pork products mula sa mga bansang apektado ng ASF. Sinabi ni Piñol na kung hindi nakumpiska ang mga produktong iyon ay maaring kumalat ang ASF dito sa bansa. “Kung nalulusot po ito at naipakain sa mga alagang…
Read MoreDQ, MULTA SA HINDI MAGSUSUMITE NG SOCE — COMELEC
(NI FRANCIS SORIANO) NANINDIGAN ang Commission on Elections (Comelec) na papatawan ng multang P30,000 ang mga natalong kandidato sa pagka-senador na first time ngayong hindi nakapaghain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE), habang P60,000 naman ang multa at habambuhay na disqualification ang parusa sa mga ikalawang beses nang hindi naghain. Ayon kay Comelec Finance Office Director Efraim Bag-id, hindi nila bibigyan ng certification at hindi makauupo sa puwesto ang mga kandidatong hindi nakasunod sa alituntunin, kaugnay sa pagsusumite ng SOCE. Ipinaliwanag nito na batay sa election law ay obligado ang lahat ng…
Read MorePLUNDER NINA JINGGOY, NAPOLES TULOY
(NI ABBY MENDOZA) TULOY ang gagawing paglilitis ng Sandiganbayan sa kasong plunder nina dating senador Jinggoy Estrada at Janet Napoles matapos ibasura ng graft court ang apela nito. Sa resolusyon ng Sandiganbayan 5th Division sinabi nito na kumbisido ang anti-graft court na sapat ang testimonial at documentary evidence na inihain ng prosekusyon para patunayan ang kasalanan ng dalawang akusado. Partikular na tinukoy bilang malakas na ebidensya ng Sandiganbayan ang kasunduan nina Napoles at Estrada na idaan ang PDAF allocation nito sa NGOs na Magsasaka Foundation Inc (MAMPI) at Social Development…
Read MoreRECALL SA PH OFFICIALS SA CHINA: BAHALA NA DFA – PALASYO
(NI BETH JULIAN) NASA pagpapasya na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin kung pabor ito na ipa-recall ang Philippine officials sa China. Ito ang tugon ng Malacanang sa panawagan ni Senator Risa Hontiveros na pauwiin sa bansa ang Philippne officials sa China pagkatapos maganap ang banggaan ng Chinese fishing vessel at bangka ng mga Filipino na mangingisda sa Recto Bank. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon sa DFA ukol sa mungkahi ni Hontiveros Nauna nang hinamon ng Malacanang ang China na magsagawa…
Read More