(NI JULIE DUIGAN) NAGPAHAYAG ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa usapin ng KAPA –community Ministry International , kaugnay sa umano’y investment scam — na maglalaan ng 14 na team sa tututok sa kaso. Ito ang napag-alaman kay NBI spokesperson Nick Suarez, kasabay ng pahayag na may tatlong taon na nilang sinusubaybayan ang aktibidad na ito ng grupo. Ayon kay Suarez napaaga lamang ang aksiyon ng NBI matapos na iutos ang pagpapasara ni Pangulong Duterte sa mga tanggapan ng Kapa. Kasabay nito, hinikayat ni Suarez ang mga nabiktima ng Kapa na magreklamo na sa NBI. Pinayuhan din ni…
Read MoreAuthor: Jet
CHINESE WARSHIP SA SCARBOROUGH SHOAL IPINAUBAYA SA DFA
(NI BETH JULIAN) NABABAHALA ang Malacanang sa presensya ng Chinese warship sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na dapat ipag alala ng Pilipinas kapag may mga insidente ng panghihimasok o intrusion sa soberenya ng bansa. Gayunpaman, ipinauubaya na ng Palasyo kay Foreign Affairs Scretary Teodoro Locsin Jr., ang pagtugon sa ginagawa ng China sa Scarborough Shoal. Giit ni Panelo, dapat na talakayin sa bilateral consultation mechanism sa pagitan ng Manila at Beijing ang bagong citing ng Chinese warship at militia boat sa karagatan…
Read MoreFAST CRAFT TIGIL-BYAHE NANG BUMANGGA SA PANTALAN
(NI JULIE DUIGAN) HINDI muna umano pahihintulutan ng Philippine Coast Guard na bumiyahe ang isang fast craft matapos bumangga sa Bredco Port, sa Bacolod, Negros Occidental nitong Lunes (Hunyo 10). Batay sa ulat ng PCG , nabangga ng M/V Ocean Jet 12, na pag-aari ng Ocean Fast Ferries Incorporation na sakay ang 147 na kinabibilangan ng pitong bata, ang dulong bahagi ng pantalan. Nabatid na 147 ang sakay ng barko , 140 nito ay mga nasa hustong gulang at pito ang mga bata. Nagtamo ng minor injuries ang 12 pasahero…
Read More2 BILLIONAIRE SOLON; PINAKAMAHIRAP SA P85,400 ASSETS
(NI ABBY MENDOZA) NANANATILING nasa number 1 spot si 1Pacman Partylist Rep. Michael Romero bilang pinakamayaman na kongresista ng House of Representatives na may P7 bilyon na assets habang ikalawa naman si outgoing Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez. Sa Summary of Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs) ng mga mambabatas na ipinalabas ng Kamara, si Romero na anak ni construction magnate Reghis Romero ay may P7.858 billion assets, mas mataas ito sa kanyang naging yaman noong 2017 na nasa P7.291 billion. Pangunahing negosyo ni Romero ay pag-ooperate ng…
Read MoreWELLMED OWNER MANANATILI SA NBI
(NI HARVEY PEREZ) HINDI pa makalalaya sa detensiyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hanggang hindi pa nakapagpapalabas ng resolusyon ang Department of Justice(DoJ) sa kasong estafa at falsification of public document ang isa sa may-ari ng WellMed Dialysis and Laboratory Center na si Dr. Bryan Sy na isinangkot sa ‘ghost dialysis’ claims na binayaran ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). “In the meantime, respondent will be detained with the NBI detention center while awaiting for the resolution of this case,” ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Anna Noreen Devanadera.…
Read More‘MISTAKEN IDENTITY’ TINUTUGUNAN NG PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) ISINUSULONG ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang modernisasyon ng kanilang pamamaraan at mga kagamitan para palakasin ang kanilang kakayahan sa mga real-time validation ng mga impormasyon partikular sa mga taong pinaghahanap ng batas. Ito ang ipinahayag ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac para tulungan ang kanilang mga operating units sa pagpapatupad ng batas at masigasig na pagtugon sa mga kautusan ng korte laban sa mga wanted person nang naaayon sa batas at may paggalang sa karapatang pantao. Ginawa ni Banac ang pahayag matapos ang maling pag-aresto…
Read MoreCABINET OFFICERS FOR REGIONAL DEV AND SECURITY OK NA KAY DU30
(NI BETH JULIAN) TAPOS nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong magtalaga ng Cabinet officers for regional development and security. Ang mungkahing ito ay nagmula kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na naglalayong magkaroon ng ‘point person’ at tagapagpaabot ng magagandang balita mula sa pamahalaan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Sinabi ni Presidential Spokesman Atty..Salvador Panelo, nais ni Esperon na magkaroon ng isang cabinet secretary na aaktong cabinet officer sa bawat rehiyon. Ayon kay Panelo, ang mga ito ang magpapaabot sa taumbayan sa mga pangunahing serbisyo at…
Read More‘INVESTORS’ PINALULUTANG; KAPA KASUHAN – PALASYO
(NI BETH JULIAN) HINIKAYAT ng Malacanang ang mga namuhunan sa Kapa Ministry International Incorporated na lumantad at magsampa ng kaso laban sa naturang organisasyon. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ito ang natatanging paraan para mabawi ng mga biktima ang kanilang investment. Kasabay nito, naninidigan ang Malacanang sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang Kapa at lahat ng investment company na labag sa batas. Ang ginawang panghihikayat ng Kapa para mamuhunan sa kanila ang publiko kapalit ng malaking porsyento ng tubo sa loob ng maikling panahon ay babagsak…
Read MoreSOLON: NAKAWAN SA PHILHEALTH, MAS MALALA SA PLUNDER
(NI BERNARD TAGUINOD) MASs malala sa mga plunderer, ang mga magnanakaw sa pondo ng Philhealth dahil ninanakawan ng mga ito ang mga may sakit na nangangailangan ng agarang tulong gamit ang kanilang sariling kontribusyon sa nasabing state insurance fund. Ito ang pahayag ni Anakkalusugan party-list Rep. Mike Defensor, na hindi kontento sa kasong isinampa sa mga may-ari ng WellMed Dialysis Center na pawang mga administrative cases lamang. “Stealing from PhilHealth is worse than plunder! Every centavo stolen means depriving another person’s life,” kaya hindi dapat administrative cases lamang umano ang dapat…
Read More