(NI JULIE DUIGAN) NAGPAHAYAG ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa usapin ng KAPA –community Ministry International , kaugnay sa umano’y investment scam — na maglalaan ng 14 na team sa tututok sa kaso. Ito ang napag-alaman kay NBI spokesperson Nick Suarez, kasabay ng pahayag na may tatlong taon na nilang sinusubaybayan ang aktibidad na ito ng grupo. Ayon kay Suarez napaaga lamang ang aksiyon ng NBI matapos na iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara ng mga tanggapan. Kasabay nito, hinikayat ni Suarez ang mga nabiktima ng…
Read MoreAuthor: Jet
DR. JAIME CRUZ NAPIPISIL NA PHILHEALTH PRESIDENT
(NI BETH JULIAN) MAY posible nang ipapalit sa puwestong babakantehin ni Dr. Roy Ferrer bilang officer in charge ng PhilHealth. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na nabanggit ang pangalan ni Dr. Jaime Cruz sa pagpupulong, bagaman hindi ito nakatitiyak kung anong posisyon sa PhilHealth ang paglalagyan sa dito. Gayunman, sa isang pahayag kay Senator elect Bong Go, kinumpirma nito na si Dr. Jaime Cruz ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay na pinuno ng PhilHealth. Pero ayon kay Go, hindi pa naman tinatanggap…
Read MorePARTY NG RAPTORS NAUDLOT; WARRIORS HUMIRIT
NAUDLOT ang selebrasyon ng Toronto Raptors nang sumablay ang 3-pointer ni Kyle Lowry sa pagtunog ng buzzer at nagawang maitakas ng Golden State Warriors ang one-point win, 106-105 sa Game 5 ng NBA Finals, Martes (Manila time) na ginanap sa Scotiabank Arena sa Toronto. Ang Raptors ay angat pa rin sa serye, 3-2 at babalik sa Oracle Arena sa Oakland, California ang Finals para sa Game 6. Iniwan ni Kevin Durant ang laro matapos umiskor ng 11 puntos nang muling manakit ang dati nang (calf) injury nito. Kaya’t muling naiwan…
Read MorePROBLEMA SA STL; REVAMP SA PCSO, ISUSULONG
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL sa hindi maresolbang problema sa Small Town Lottery (STL), irerekomenda umano ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na irevamp ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO). “We will recommend revamp in some of the offices, some members of the Board should be replaced. There are only five, mamili na lang kayo kung sino, with the exception of Sandra Cam,” ani House minority leader Danilo Suarez. Nitong Martes, muling nagsagawa ang House committee on public account na pinammunuan ni Suarez at at Committee on games and…
Read MoreINSENTIBO SA MAGNENEGOSYO SA LABAS NG MM IMINUNGKAHI
(NI BETH JULIAN) IMINUNGKAHI ng ilang Cabinet secretary kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng mga hakbang para mabawasan ang patuloy na paglobo ng populasyon o ang tinatawag na population decongestion sa Metro Manila. Ginawa nina Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang rekomendasyon sa Pangulo. Sa kanilang mungkahi, kinakailangang magkaroon o makalikha ng mas maraming economic activities sa labas ng National Capital Region. Isa sa strategy para mangyari ito, ayon kina Cimatu at Lorenzana ay bigyang dagdag na insentibo ang mga negosyante na…
Read More70% DISCOUNT SA MGA SUNDALO HANDOG NG MALL
(NI JESSE KABEL) IPINARARATING ngayon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine ang kanilang taos pusong pasasalamat sa sambayanang Filipino at sa mga organisasyon na patuloy na sumusuporta at nagpapataas ng kanilang moral. Ayon kay AFP chief of staff, Gen Benjamin Madrigal Jr., napakarami nilang dapat na ipagpasalamat sa sambayanang Filipino mula sa mga diskuwento sa pasahe, libreng sakay at mga serbisyo , donasyon para sa mga nasawi, sugatan sundalo at maging sa kanilang mga dependent hanggang sa malaking diskuwento sa ilang shopping malls. Nabatid na ngayong Araw ng…
Read MoreNOVA POLICE NA BUMALEWALA SA ‘GHOST DIALYSIS’ SCAM MANANAGOT
(NI JG TUMBADO) PAPANAGUTIN ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde kapag mapatunayang nagpabaya sa tungkulin ang ilang tauhan ng Novaliches Police Station 4 sa sumbong ng whistleblower kaugnay ng “ghost dialysis” scam. Kasunod ito ng alegasyon na hindi umano inaksiyunan ng Novaliches Police ang inihaing reklamo ng mga whistleblower sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng WellMed Dialysis Center. Batay sa report, ginawan lamang ng blotter ng nakatalagang desk officer ang complaint ng whistleblower at hindi man lang inimbestigahan. Dahil dito, pinatutukoy na rin ni Albayalde kung sino ang…
Read MoreSANGLEY AIRPORT PINABUBUKSAN NI DU30 SA NOVEMBER
(NI BETH JULIAN) NAGPAHIWATIG na ng pagkainip si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng Sangley Airport sa Cavite City upang mabawasan ang problemang kinakaharap ng NAIA airport. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na batay sa original plan ng Department of Transportation, sa December pa sana bubuksan ang operasyon ng Sangley Airport pero dahil gusto na ng Pangulo na gawin na ito sa November. Layon ng hakbang na mabawasan ang air traffic congestion sa NAIA na nagiging dahilan ng pagka antala ng mga flights. Una…
Read MoreKAPA MINISTRY KAKASUHAN NA NG SEC
(NI DAVE MEDINA) MAGSASAMPA ng kaso ang Security and Exchange Commission (SEC) laban sa mga lider ng KAPA Ministry. Ang pagsasampa ng kaso ay dahil sa paglabag sa Securities Regulation Code at kabilang sa mga sasampahan ng kaso ni SEC ChairBenito Aquino sina KAPA Ministry founder Pastor Joel Apolinario at iba pang opisyal nito. Sinabi ni SEC chair Aquino na lumabag sa batas ang KAPA nang manghikayat ng mga miyembro na mag-donate sa ministry, na may pangakong 30 porsiyentong tubo kada buwan at habambuhay na bibigyan. Wala aniyang lisensya ang…
Read More