(NI DAHLIA S. ANIN) NAGBABALA ang Australian government sa mga citizens nito na iwasan ang pagpunta sa Central at Western Mindanao dahil sa banta ng kidnapping, terrorist attack at violent clashes sa lugar. Sa kanilang pahayag, sinabi nilang ‘very high threat’ ang banta sa kidnapping lalo na sa Timog na bahagi ng Pilipinas, partikular sa Zamboanga Peninsula, Sulu at ilan pang lugar sa pagitan ng Pilipinas at Sabah. Hinihikayat din nila ang mga turista na pag-isipan muna ang pagpunta sa Silangang bahagi ng Mindanao dahil sa ‘high level of risk’…
Read MoreAuthor: Jet
JANICE UMAARIBA, GELLI NILALANGAW
(NI PETER LEDESMA) KATATAPOS lang ng participation ni Janice de Belen bilang nanay ni Jodi Sta. Maria sa “Sino Ang May Sala: Mea Culpa” kasi mas in-demand ang contravida character ng actress sa “The General’s Daughter” kaya pinatay agad siya sa serye ni Jodi. Pero kung si Janice ay umaariba pa rin hanggang ngayon ang career, ang sister naman niyang si Gelli de Belen ay mukhang pinagtampuhan na ng langit at nilalangaw. Before ay naging mabentang host sa GMA at TV5 si Gelli at nabigyan din ng gag show sa…
Read MorePEDERALISMO ISUSULONG SA 18TH CONGRESS
(NI ABBY MENDOZA) KUNG hindi nai-prayoridad sa katatapos na 17th Congress, umaasa ang isang mambabatas na sa pagbubukas ng 18th Congress sa buwan ng Hulyo ay isa na sa matutukan ay ang pagtalakay sa pagreporma sa Konstitusyon. Sinabi ni Leyte Rep. Martin Romualdez na kung maisusulong ang Federalismo ay naniniwala syang makatutulong ito para pabilisin ang paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang pag-amyenda sa Konstitusyon ang isa sa ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pag-upo sa Malacanang at naniniwala si Romualdez na sa sa 18th Congress ay mabibigyan na…
Read More‘COMMON CANDIDATE’ SA SPEAKERSHIP HILING SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) DALAWANG buwan pa bago ang botohan sa kung sino ang magiging bagong House Speaker sa 18th Congress, inirerekomenda na ni Albay Rep. Edcel Lagman na magkaroon na ng ‘common candidate’ para sa Speakership ang nasa majority sa House of Representatives. Katwiran ni Lagman, sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay maituturing na mga President’s men, dapat umano na mamili na ng isa sa tatlong kongresista na kanilang ino-nominate bilang susunod na Speaker. Nababahala si Lagman na…
Read MoreUNEMPLOYMENT RATE BUMABA SA 5.1 PERCENT
(NI JESSE KABEL) APAT na puntos ang ibinaba sa bilang ng mga Filipino na walang trabaho nitong nakalipas na buwan, ayon sa inilabas na datos ng Philippine Statistic Authority nitong Martes. Sa ginanap na pulong balitaan, inihayag ng PSA na bumaba sa 5.1-percent ang unemployment rate sa Pilipinas nitong nakalipas na buwan ng Abril mula sa nakatalang 5.5-percent noong Marso. Bunga nito, nasa 94.9-percent ang employment rate ngayon ng bansa mula sa 94.5-percent noong Abril ng 2018. Ayon kay Claire Dennis Mapa, National Statistician, katumbas ito ng 74,000 Pinoy na…
Read MoreAPELA NG DEPED: IHABOL SA ENROLLMENT ANG MGA BATA
(NI KEVIN COLLANTES) UMAAPELA ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang na ipa-enroll na ang kanilang mga anak upang makapasok ang mga ito sa eskwelahan. Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, sa mga pampublikong paaralan ay binibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong makapag-enroll, upang matiyak na makakapag-aral ang mga ito. Mas mainam aniya kung bago matapos ang buwang ito ay maipa-enroll na ang mga bata upang hindi sila mahirapan. “Sa public school kung puwede bago matapos itong buwan na ito kasi mahihirapan ‘yung bata na makahabol,” ani Mateo. Aniya,…
Read MoreYOUNG ACTOR AND YOUNG ACTRESS, TAKSIL SA ISA’T ISA
(NI JERRY OLEA) NAKAKALUKRING ang mga sitsit sa magkasintahang young actor at young actress na magkatambal sa isang movie. Pakiramdam ni young actress ay hindi siya pinag-uukulan ni young actor ng sapat na panahon. Hanggang sa naulinigan ni young actress na nakipaglandian si young actor sa ibang young actress. Tinalak-talakan ni young actress ang kanyang BF. Sinumbatan nang bonggang-bongga. Hirit ni young actor, batid niyang nakipaglandian din sa ibang guwapong aktor ang young actress. May eyewitness report! Natigalgal ang young actress at hindi nakapag-deny. Paano na ang promo ng kanilang…
Read MorePHOENIX SA PBA DECISION: SANA I-APPLY SA LAHAT
(NI JOSEPH BONIFACIO ) INDEFINITE suspension ang ipinataw na parusa ng Philippine Basketball Association (PBA) kay Phoenix Pulse star player Calvin Abueva nitong Martes. At walang magagawa ang management ng koponan kundi tanggapin ang naging hatol. Gayunpaman, umaasa ang Fuel Masters na ang nasabing hatol ay hindi lang gagawin sa kanila, kundi sa lahat at kahit sino pa ang maging sangkot sa mga darating na panahon. “While we do not agree with the decision, we have no alternative at the moment except to abide by it,” anang Phoenix. “We no…
Read MorePRODUCER POPS, NAGKUKURIPOT SA PRESSCON
(NI PETER LEDESMA) BUKAS ay mediacon na ng pelikula nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani na Feelenial at ang Cignal Entertainment raw ang nagpatawag ng said presscon. Ibig sabihin ang kasosyong Cignal ang pinamahala ni Pops Fernandez sa kanyang movie project at siyempre iwas-gastos nga naman siya. Saka ayaw raw talaga ni Pops na naglalabas siya ng malaking pera sa presscon na ipinatatawag sa kanyang showbiz columnist na publicist. Kaya ang pobreng PRO, majority ng invitees ay bloggers na ka-chika niya. Kasi nabalitaan daw ni Pops, na walang pakimkim…
Read More