(NI BETH JULIAN) BUKAS na muli sa lahat ng department secretaries at head of agencies, government-owned and controlled corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions (GFIs) ang bansang Canada. Ito ay nangangahulugang maaari nang bumiyahe papasok ng Canada ang mga nabanggit na opisyal ng pamahalaan matapos ang paglagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea na may petsang June 4, 2019, sa isang memorandum na inaalis na ang ipinatupad na restriksyon sa pagbiyahe sa Canada at official interaction sa mga kinatawan ng Canadian government dahil binitbit na ng pamahalaan ng Canada ang kanilang…
Read MoreAuthor: Jet
GUSOT SA CR NA GINAWANG FACULTY ROOM AAKSIYUNAN
(NI KEVIN COLLANTES) SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na ginagawa nila ang lahat upang maresolba ang isyu hinggil sa problema sa faculty room sa Bacoor National High School-Molino Main, sa paraang katanggap-tanggap sa lahat, partikular na sa opisyal at mga guro. Kasunod na rin ito ng desisyon ng may 11 guro ng naturang paaralan na gawing faculty room ang isang comfort room, ngunit malaunan ay ipinaskil ito sa social media. Sinabi ng DepEd na nag-ugat ang sitwasyon sa desisyon ng pamunuan ng naturang paaralan na magpatupad ng ‘single-shift classes’ para…
Read MoreDRIVER SA PASSENGER SEAT ‘DI LUMUTANG; LISENSIYA BINAWI NA
(NI JEDI PIA REYES) BINAWI na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng motoristang si Luis Miguel Lopez o kilala ring Miko Lopez at hindi na rin mabibigyan ng pagkakataon na muli itong magkaroon ng driver’s license at makapagmaneho ng ano mang sasakyan. Sa memorandum na ipinalabas ng LTO, nahaharap si Lopez sa patung-patong na kaso tulad ng speeding, reckless driving, failure to wear or use a seatbelt, at driving a motor vehicle without a steering wheel o Unauthorized Motor Vehicle Modification. Maliban sa pagpapawalang-bisa ng lisensya, pinagbabayad din…
Read MoreLIBRENG SAKAY SA MRT, LRT1 SA JUNE 12
(NI KEVIN COLLANTES) MAGKAKALOOB ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ng libreng sakay para sa kanilang mga commuters sa nalalapit na pagdiriwang ng Independence Day sa Hunyo 12. Sa paabiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na ang libreng sakay ay maaaring i-avail ng kanilang mga commuters sa pagitan ng 7AM at 9AM at 5PM at 7PM. “Sa darating na ika-12 ng Hunyo 2019, magbibigay ng libreng sakay ang DOTr MRT-3 bilang pakikiisa ng ahensya sa paggunita ng ika-121 anibersaryo ng proklamasyon…
Read MorePHILHEALTH SA ‘DIALYSIS ANOMALY’ BUBUSISIIN SA KONGRESO
(NI BERNARD TAGUINOD) KAPAG nagkataon, magiging buena-mano sa imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 18th Congress ang Philhealth dahil sa umano’y ‘ghost kidney patients’ na binabayaran ng nasabing ahensya sa isang private clinic. Inihahanda na ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang resolusyon para imbestigahan ang Philhealth matapos mabunyag ang panibagong anomalya na may kaugnayan sa dialysis treatment na sinisingil ng isang dialysis clinic kahit patay na ang pasyente. “Congress must investigate on the matter at the soonest possible time,” ani Zarate para mapigilan ito dahil kung hindi ay…
Read MoreMABABANG SINGIL NG MERALCO NGAYONG JUNE
(NI KEVIN COLLANTES) MAKAAASA ang mga consumer ng bawas sa kanilang bayarin sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo. Ito’y dahil inianunsiyo na ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad sila ng 19-sentimo kada kilowatt hour (kwh) na bawas sa kanilang singil para sa June billing. Sa paabiso ng Meralco, nabatid na ang naturang P0.19/kwh ay bunsod na rin nang pagbaba ng P0.135/kwh sa generation charge at mas mababang presyo ng presyo ng spot market. Kung isasama umano ang bawas-singil noong nakaraang buwan ay aabot na sa 50-sentimo kada kwh ang…
Read MorePARTY-LIST AYAW NANG MAPAG-IWANAN SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI na papayag ang party-list group sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na maging “marginalize” ang mga ito na naging kalakaran na sa mga nakaraang Kongreso. Ito ang tiniyak ng lider ng nasabing grupo na binubuo ng 54 Congressmen na si 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero na humingi ng 20% na sa 75 committee sa Kamara. “Hindi dapat marginalize ang party-list (group),” paliwanag ni Romero kaya kailangang ibigay umano sa kanila ang 20% sa mga nabanggit na komite o katubas ng 15 Committee chairmanship. Ayon sa mambabatas, noong 15th Congress…
Read MorePAPASOK SA PRIVATE SCHOOL? DEPED NAGBABALA
(NI KEVIN COLLANTES) NAGBIGAY ng ilang paalala ang Department of Education (DepEd) sa publiko, partikular na sa mga magulang, na nais i-enroll ang kanilang mga anak sa private school. Ayon sa DepEd, kung nagpaplanong mag-enroll sa isang pribadong paaralan ay dapat munang tiyakin na may permit to operate ito o kaya ay kinikilala o awtorisado ng departamento. Sinabi ng DepEd na alinsunod sa Department Order (DO) 88, series of 2010, tanging ang mga awtorisado lamang na private school ang makapagbibigay ng Learner Reference Number (LRN) ng mga mag-aaral, gayundin ng…
Read More‘PBB OTSO’: MAY MAGKA-‘COME OUT’ KAYA ULIT?
(NI RK VILLACORTA) SABI ko na nga ba. Ang hindi napapansin ng karamihan ay pansin kaagad ng iilan. Ito marahil ang dahilan kung bakit biglang nawala ang yakapan-lambingan ng “PBB Otso” housemates na sina Sky Something at Gino Something. May nag-capture ng lambingan scene ng dalawa na nai-post sa isang chat group. Pinagpiyestahan ito ng mga malisyoso, and after a few hours na naka-post online ay bigla itong nawala – rason para maging hot topic ito. Pansin ng isang fan na nakatutok sa realty show ng Kapamilya Network, may “something” na…
Read More