BASURA NG HONG KONG SA PINAS IBABALIK NA

hk basura12

(NI BERNARD TAGUINOD) BALIK-Hong Kong ngayong Lunes, Hunyo 3, ang basura ng Hong Kong na natuklasang nakaimbak sa Mindanao International Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental. Ayon kay Misamis Oriental Rep. Juliette Uy, magkakaron ng seremonya, Lunes sa nasabing daungan para sa re-exportation ng mga Ecological Waste ng Hong Kong na dumating sa Pilipinas noong Enero, 2019. Sinabi ng mambabatas na kailangang magdalawang-isip na ang ibang bansa na ginagagawang tambakan ng basura ang Pilipinas dahil hindi mangingimi ang gobyerno na ibalik ito sa kanila. Una nang naghakot ang South Korea ng…

Read More

PAGPASA SA SIN TAX MAMADALIIN SA SENADO

sin tax law12

(NI NOEL ABUEL) BABRASUHIN ng Senado ang pagpasa sa panukalang batas na naglalayong dagdagan ang nakokolektang buwis sa alak at sigarilyo bago pa man matapos ang 17th  Congress ngayong buwan. Ayon kay Senate Minority leader Franklin Drilon, ngayon Lunes isasagawa ang pagdinig sa nasabing panukalang batas para maipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa at tuluyang ipasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kumpiyansa naman si Drilon na sasang-ayunan ng mga Kongresista ang bersyon ng Senado upang agad na maihabol bago pa matapos ang 17th  Congress at pagbubukas ng 18th Congress. “Sa Lunes…

Read More

28-M ESTUDYANTE BALIK-ESKWELA NA

school2

(NI KIKO CUETO) BALIK-ESKWELA ang halos 28 milyong estudyante mula kinder hanggang Grade 12, ngayong Lunes, sa muling pagbubukas ng klase. Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na inaasahan ng Department of Education (DepEd) ay may 27,817,737 enrolees mula kindergarten hanggang Grade 12 na papasok ngayong taon. Mas mataas ito ng 2.95 percent mula sa bilang nang nagdaang taon na 27,018,509. “Talagang nag-iimprove na ang participation rating ng ating mga kabataan from kindergarten to junior, and senior high kasi dati pababa ng pababa,” sinabi ni Briones. Pinayuhan naman ng Pagasaang…

Read More

MAUTE-ISIS RETURNEES NAIS MAGBALIK-ESKWELA

maute12

(NI MAC CABREROS) MAKABALIK sa pag-aaral ang isa sa adhikain ng mga dating ‘sundalo’ ng Maute brothers na sumalakay sa Marawi ilang taon nang nakararaan, inihayag ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) at Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP). Ayon TFBM assistant Secretary Felix Castro Jr., nais din ng mga rebel returnees na magkaroon sila ng kabuhayan para may mapagkunan ng pantustos sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya. Upang matugunan ang kahilingan, itinaguyod ng TFBM at OPAPP, sa pakikipagtulangan ng 49th at 9th Infantry Batallion ng 103rd Brigade…

Read More

DOUBLE PAY SA MGA PAPASOK SA HOLIDAY INIUTOS NG DOLE

DOLE12

DOBLE sa regular daily pay ang matatanggap ng mga manggagawang papasok sa idineklarang holiday ngayong buwan ng Hunyo, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE). Ngayong Hunyo, idineklara nang holiday ang Hunyo 5 at 12 sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr at Philippine Independence Day. Sinabi ng DoLE na ang mga papasok sa trabaho ay dapat bigyan ng 200% ng kanilang daily salary para sa unang walong oras. Ang mga mag-oovertime naman ay bibigyan ng  30% kada oras. Kung ang holiday ay natapat sa rest day, ang mga worker na…

Read More

CYBERSEX, BULLYING TUTUTUKAN NG DEPED

deped12

(NI KEVIN COLLANTES) PINASIMULAN na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang kampanya laban sa cybersex at cyber bullying, kasabay ng pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 3. Nabatid na ang programa na tinawag na ‘Intensified Student Anti Bullying Action Center (I-SABAC), ay inilunsad DepEd sa Taguig City at Pateros. Sa ilalim nito, tutugunan ng DepEd ang lahat ng uri ng bullying problem ng mga mag-aaral, lalong-lalo na ang sexual harassment at cybersex exploitation. Ang I-SABAC ay mas maayos na bersiyon ng E-SABAC na naging matagumpay sa pagtugon ng bullying…

Read More

KC NAG-REACT SA ‘BALYENA’ COMMENT NG BASHER

kc12

SI KC Concepcion ay hindi umaatras sa mga bashers, haters at bullies. Pero imbes na salubungin ang galit at sungit ng mga ito, mas pinili niyang maging magalang – at sarcastic – na sagot. Sabi kasi ng isang basher: “Ang taba mo naman kasi. Papayat ka nga. Buti pa mommy mo pumapayat na, ikaw nagiging balyena ka na. Susme celebrity ka pa naman.” Ang sagot ni KC sa maanghang na comment ay: “Thank you for body-shaming me. I’m sure you feel very proud of yourself.” At ito ang mensahe niya:…

Read More

NLEX NABUNDOL NG DYIP

dyip12

(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO) NAGPASABOG si rookie CJ Perez ng career-high 39 points nang talunin ng Columbian Dyip ang NLEX, 120-105 sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena. Ito ang unang panalo ng Dyip sa apat na laro, habang ikaapat na sunod na kabiguan naman sa panig ng NLEX. Sinimulan ni Perez ang atake ng Dyip sa pamamagitan ng dunk, kasunod ang lima pang puntos tungo sa 11-0 run. Buhat dito ay hindi na lumingon pa ang Columbian. Si import Kyle Barone, na huling laro…

Read More

P5.1-B NAILABAS NA PONDO SA MARAWI

marawi siege12

(NI JG TUMBADO) UMAABOT na umano sa higit P5 billion ang nailabas na pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi siege noong 2018. Kasabay ito ng  paglilinaw ng Office of Civil Defense (OCD) sa naipalabas na report ng Commission on Audit (CoA) na nasa P10,000 lamang  ang naipalabas na pondo para sa mga kaanak ng mga namatayan at nasugatan sa limang buwan na gulo sa Marawi City dalawang taon na ang nakakalipas. Sa pahayag ni Usec. Ricardo Jalad, National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) administrator at OCD executive director,…

Read More