(NI JESSE KABEL) KINUMPIRMA ng ilang tauhan ng Philippine Coast Guard na nakararanas sila ng signal jamming habang sila ay nagpapatrulya sa karagatang sakop ng West Philippine Sea. Ayon sa mga miyembro ng PCG na nakatalaga sa BRP Sindangan, hirap ang kanilang mga communication equipment na makipagtalastasan. Pahayag pa nila na nahihirapan silang makipag-usap gamit ang kanilang satellite phone habang sila ay nasa bahagi ng Spratly Islands. Subalit hindi naman nila direktang matukoy kung saan nagmumula ang jamming device na nag-interfere sa kanilang communications. Nabatid na ang Parola-class vessel ng…
Read MoreAuthor: Jet
APELA NG MGA GURO: ‘WAG NAMAN KAMING KALIMUTAN
(NI KEVIN COLLANTES) UMAPELA sa pamahalaan ang isang grupo ng mga guro na huwag silang kalimutan sa isinasagawang paghahanda para sa nalalapit na pasukan sa Lunes, Hunyo 3. Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition (TDC) Chairperson Benjo Basas, mahalaga ang paghahanda sa mga silid-aralan at iba pang pasilidad sa eskwelahan, subalit kinakailangang alalahanin na isa rin sa pinakamahalagang dapat ihanda at suportahan ay ang mga guro na nagtuturo sa mga bata. Sinabi ni Basas na karapatan ng mga guro na makakuha ng maayos na benepisyo at sapat na sweldo dahil sa hirap ng kanilang…
Read MoreDU30 SA CHINA: TAMA BANG ANGKININ ANG BUONG KARAGATAN?
(NI CHRISTIAN DALE) SINAMANTALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagkakataon na talakayin ang isyu sa South China Sea sa kanyang pagdalo sa 25th Conference on the Future of Asia sa Tokyo, Japan. Sinabi ni Pangulong Duterte na mahal niya ang China at kaibigan nito si Chinese President Xi Jinping iyon nga lamang ay hindi makatuwiran na angkinin ng China ang buong South China Sea. Aniya, hindi niya maaaring igiit ang 2016 arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas dahil walang kakayahan ang pamahalaan na makipagdigmaan sa makapangyarihang bansa tulad ng…
Read MoreSENADO MATAAS ANG RATING; SOTTO MANANATILING SP
(NI NOEL ABUEL) MASAYA ang halos lahat ng senador sa pamumuno ni Senate President Vicente Sotto III kung kaya’t mananatili ito sa kanyang posisyon. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan iginiit nito na nang maupo si Sotto bilang Senate president ay tumaas ang rating ng Senado at nagkasundo umano ang maraming senador na masaya sa liderato nito. “Tumaas nga ang antas ng approval at trust eh, rating ng Senado, 74%, 72% sa kanya 74% percent sa institution. So wala kaming reason para palitan ang liderato,” sabi pa…
Read More2,000 TAUHAN NG MMDA IKAKALAT SA SCHOOL OPENING
(NI LYSSA VILLAROMAN) NASA mahigit 2,000 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naka-deploy sa na Lunes para matiyak na ligtas at maayos ang pagbubukas ng klase sa Metro Manila. Ayon kay MMDA chair Danilo Lim, nasa 2,500 traffic personnel ang ide-deploy bago mag-alas-5:00 ng umaga sa Lunes at sa mga susunod na araw kung kailan magbubukas na ang klase para masigurong maayos ang daloy ng trapiko sa Kamaynilaan. “Ilalagay natin ang ating mga traffic enforcers sa mga lugar sa Metro Manila na ma-trapik para i-monitor ang sitwasyon ng trapiko…
Read MoreBALASAHAN SA GOBYERNO ASAHAN
(NI BETH JULIAN) INAASAHAN na ang balasahan sa mga opisyal ng gobyerno sa darating na mga araw. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap nito sa Filipino community sa Tokyo, Japan Huwebes ng gabi. Giit ng Pangulo, ito ay sa layong masawata ang katiwalian sa gobyerno kaya pinag-iisipan na niya ang pagpapatupad ng balasahan. Sa nasabing pagtitipon, ipinakilala rin ng Pangulo sa Filipino community si Presidential Anti Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica. Ipinagmalaki ng Pangulo na si Belgica ang tumatayong tagakalkal ang baho ng mga opisyal ng…
Read MoreSOLUSYON VS POWER SHORTAGE PINATUTUTUKAN NI DU30
(NI BETH JULIAN) PINATUTUTUKAN Pangulong Rodrigo Duterte ang problema ng bansa kaugnay sa suplay ng enerhiya. Sa pagharap sa mga Filipino community Huwebes ng gabi sa Tokyo, Japan, sinabi ng Pangulo na nais niyang makabuo ng mga planong magbibigay ng solusyon sa isyu ng kakapusan ng power supply. Batay sa impormasyong tinanggap ng Pangulo, patuloy umano ang pagtaas ng konsumo ng elektrisidad sa bansa na nagresulta sa pagnipis ng reserba ng mga power company na dahilan kung bakit nakararanas ng rotational brownout ang iba’t ibang bahagi ng bansa. Bunsod nito, target…
Read MoreKATHNIEL FANS, BUO ANG SUPORTA SA KATHRYN-ALDEN MOVIE
(NI JERRY OLEA) MAYO 20, Lunes lumipad pa-Morocco sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama ang ilang close friends. Hinayaan sila ni Tita Min, ang butihing ina ni Kathryn. Enjoy ang KathNiel sa kanilang maikling bakasyon, bago sumabak na naman sa sandamukal na showbiz commitments. Natuto si Kathryn na gumawa ng argan oil, at ipinasalubong niya iyon sa mga nagbilin sa kanya. Nagdiwang ang magsing-irog ng 7th anniversary nila noong Mayo 26. Noong araw na iyon ipinost ni Kathryn sa socmed ang marubdob na hanash para sa kanyang dream guy…
Read MoreSUHESTIYON NI DU30 VS SMARTMATIC PAG-AARALAN NG COMELEC
(NI HARVERY PEREZ) KINAKAILANGAN umano na magkaroon ng legal na basehan para hindi na isali ang technology solutions firm Smartmatic sa mga susunod na public bidding ng Commission on Elections (Comelec). Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-ban na ang naturang Venezuelan firm. Sa pagsasalita sa Japan, sinabi ni Duterte na nagtataka siya kung bakit patuloy na nakukuha ng Smartmatic ang mga government deals sa kabila ng maraming reklamo sa mga equipment nito na ginagamit sa halalan. Iginiit ni Pangulong Duterte…
Read More