ECONOMIC MANAGERS HINAMON MAMUHAY NG P71/DAY

poorfood12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINAMON ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang mga top officials ng Malacanang , partikular na ang mga economic managers, na mamuhay ng P71.50 kada araw upang malaman ng mga ito kung anong buhay ang dinaranas ng mga mahihirap na mamamayan. Ginawa ni Brosas ang nasabing hamon matapos kontrahin ang report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nabawasan ng 5 milyon  ang bilang ng mga mahihirap na Filipino noong 2018. Base sa PSA report, mula sa 28.8 million na mahirap noong 2015 ay naging 23.1 na lamang ito noong…

Read More

DANIEL AT KATHRYN, PINAGHAHANDAAN NA ANG BEACH WEDDING

(NI BOY ABUNDA) ANIM na taon nang magkarelasyon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Natural lamang daw na napag-uusapan na ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya. “’Yon ang pinaghahandaan na namin ngayon, pinagtatrabahuhan namin. Kasi siyempre ‘pag dumating ang panahon na ‘yun ayoko ng pukpukan pa rin (ang mga ginagawang trabaho). Siyempre after marriage, you have to have a family. Gusto namin sa dagat eh. It’s celebration of love and friendship,” pagtatapat ni Daniel. Ngayon ay dalawampu’t apat na taong gulang na ang aktor. Nangangarap…

Read More

CONCESSION AGREEMENT ‘WAG IBIGAY SA ‘CRONY’ — SOLON

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGBABALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gobyerno na huwag tangkaing ibigay sa isa pang oligarch ang serbisyo sa tubig sa Metro Manila dahil wala ring magbabago kapag nangyari ito. Bagama’t suportado ng Makabayan bloc ang pagkastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa water concessionaires lalo na ang Manila Water at Maynilad, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na hindi nila maiwasang mangamba na ipapasa lang ang negosyong ito sa mga crony ng administrasyon. Magugunita na nagbanta ang gobyerno na kakanselahin ang concession agreement sa…

Read More

KULANG NA SUPORTA SA MGA GURO, UGAT NG PANGUNGULELAT NG PHL

guro33

(NI DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao na ang kakulangan ng suporta sa mga guro ang posibleng isa sa dahilan kaya’t nangungulelat ang mga estudyanteng Pinoy sa English, Math at Science. Sinabi ni Pacquiao na dapat suportahan ang mga guro upang makapagbigay sila ng de kalidad na edukasyon sa mga estudyante. “‘Yung teachers natin kailangan gastusan natin, suportahan natin para magkaroon sila ng seminar during bakasyon ng mga bata. Kaso lang may mga gagastusin yan so siguro gastusan ng gobyerno yan,” saad ni Pacquiao. Kabilang din anIya sa…

Read More

LIBU-LIBONG TRABAHADOR, IKUNSIDERA SA ABS-CBN FRANCHISE — PACQUIAO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MISTULANG hinikayat ni Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang pamahalaan na pag-aralang mabuti ang pagharang sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation. Sinabi ni Pacquiao na maraming dapat ikunsidera lalo na ang libu-libong manggagawa na mawawalan ng trabaho. “Aaralin nating mabuti ‘yan kasi marami ring ikunsidera na mawawalan ng trabaho,” saad ni Pacquiao. Kailangan aniya munang mapatunayan na may paglabag ang kumpanya bago ito ipasara pero kung hindi naman nararapat ay irerekomenda niya sa Pangulo na pag-isipang mabuti ang hakbangin. “Pag-aralan nating mabuti kung kailangang ipasara, isara. Kung hindi naman…

Read More

GYMNAST DELA PISA, PUMITAS NG GINTO

(NI VT ROMANO/PHOTO BY MJ ROMERO) NAGPAKITANG-GILAS naman si Daniela dela Pisa nang angkinin ang ginto sa hoop event ng rhythmic gymnastics sa Rizal Memorial Coliseum. Pumangalawa sa qualifying noong Biyernes, ibinuhos ng 16-anyos na prodigy mula sa Cebu ang kanyang husay tungo sa maituturing na historic gold ng Pilipinas sa nasabing event. Nagtala ni Dela Pisa ng total score na 17.750. Umiskor siya ng 11.400 (difficulty) at 6.350 (execution), para talunin si Malaysian Izzah Amzan na nakaloketa ng total score na 16.500. Nakuha naman ni Amy Kwan ng Malaysia…

Read More

KNOTT UMUKIT NG NEW SEAG RECORD

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO) KINUHA na ang ginto, gumawa pa ng bagong Southeast Asian Games record si Kristina Knott nang manguna sa 2019 women’s 200m event sa New Clark City sa Capas, Tarlac kahapon. Binura ni Knott ang eight-month record ni Zion Corrales-Nelson, ang Fil-Canadian na unang nagtabon sa 33-year-old mark ni Lydia de Vega. Tinupad ng 24-anyos na dating miyembro ng University of Miami at Arkansas State University sprint squad na si Knott ang kanyang pangako na uukit ng sariling marka sa athletics bago pa man isagawa…

Read More

77 ABUSADONG OSPITAL PARURUSAHAN

(NI NOEL ABUEL) NAGBABALA ang isang senador laban sa mga ospital na mahaharap sa kaso at multa sa oras na mapatunayang humihingi ng deposito sa mga pasyente. “May batas na laban diyan!”sabi ni Senador Risa Hontiveros sa pagsasabing nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Health (DoH) sa mga  natanggap nitong sumbong at reklamo sa ilang ospital na lumabag sa Republic Act 10932, mas kilalang Strengthened Anti-Hospital Deposit Law. “Panatag ang loob ko na hindi pinapalampas ng DoH ang pagiging abusado ng ilang mga ospital,” ani Hontiveros kasabay ng pagtukoy…

Read More

GSIS COVERAGE, REGULAR NA SAHOD SA BRGY EXECS IGINIIT

barangay44

(NI ABBY MENDOZA) KASUNOD ng anunsyo ng Malacanang na makatataggap ng P3,000 bonus ang mga kawani ng barangay, isinusulong naman ng isang mambabatas na gawin nang buong taon ay Pasko para sa mga barangay workers sa pamamagitan ng pagbibigay ng GSIS coverage at regular salaries. Ayon Isabela Rep Faustino Dy, dating Liga ng mga Barangay President at may akda ng House Bill 4324 o Magna Carta for the Barangays, malaking tulong sa mga kawani sa Barangay kung mayroon na itong regular na sahod. Sa katunayan umano ay daig pa ng…

Read More