EX-MAYOR SA FERTILIZER SCAM KULONG SA GRAFT

BATAS-1

(NI ANNIE PINEDA) NAHATULAN ng pagkakakulong ng Sandiganbayan ang dating alkalde sa kasong graft na may kinalaman sa fertilizer scam. Sa desisyon ng Sandiganbayan 3rd Division na nilagdaan nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justice Bernelito Fernandez, napatunayan guilty sa kasong graft si dating Butuan City Mayor Leonides Theresa Plaza kasama ang pitong iba pang opisyal ng nasabing lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod. Ang pito ay kinilalang sina Salvador Satorre, Adulfo Llagas, Arthur Castro, Rodolfo Evanoso, Bebiano Calo, Danilo Furia, at Melita Galbo. Nag-ugat ang nasabing kaso taon…

Read More

DEPED, DPWH PINAKIKILOS SA NAWASAK NA CLASSROOMS

deped25

(NI NOEL ABUEL) IPINAMAMADALI ni Senador Bong Go sa Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa mga nasirang eskuwelahan at kalsada dulot ng nagdaang bagyong Tisoy. Maliban sa nasabing mga ahensya kasama rin sa pinakikilos ni Senador Go ang Department of Energy (DOE) at Department of Information and Communication Technology (DICT) upang bumalik na sa normal na pamumuhay ang mga naapektuhan pamilya sa Bicol region, partikular sa Albay at Sorsogon. Ayon kay Go, inatasan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ang mga opisyales ng mga nasabing…

Read More

JULIE ANNE  MAINGAT ‘PAG SI ALDEN ANG TOPIC

(NI LOLIT SOLIS) MAINGAT din si Julie Anne San Jose sa mga sagot niya kapag tungkol kay Alden Richards ang tinatanong. Pinag-uusapan na kasi ngayon ang programang ipapalit sa Sunday Pinasaya. Hindi ako sure kung All Out Sunday o Sunday Laugh Out Loud ang title ng show pero tampok daw dito sina Alden Richards at Julie Anne San Jose. Kaya tinanong na si Julie Anne sa media launch ng bagong endorsement niyang Lee Jeans na handa ba siyang maka-tandem si Alden? Posibleng siya kaya ang papalit kay Maine Mendoza? “Unbeatable…

Read More

2 GINTO SA PHL ROWERS

(NI VT ROMANO) SUMAGWAN ang Pilipinas ng dalawang ginto sa rowing event ng 30th SEA Games kahapon sa Triboa Bay sa Subic, Zambales. Nanguna si Chris Nievarez sa men’s lightweight single sculls matapos magsumite ng seven minute at 34.27 seconds, habang ang tambalan nina Joanie Delgaco at Jen Caballero ay may 7:24.21 sa women’s lightweight double sculls. Sumegunda kay Nievarez para sa silver medal si Siripong Chaiwichitchonkul ng Thailand (7:35.1) at ang bronze ay napunta kay Kanan Kusmana ng Indonesia (7:39.54). Sina Hao Dink Thi at Huyen Ta Thanh ng…

Read More

 NEW SEAG RECORD ITINALA NI OBIENA

HINDI binigo ni pole-vaulter EJ Obiena ang mga kapwa Pinoy na sumusuporta sa kanya nang talunin ang ginto sa nasabing event na ginanap sa Athletics Stadium sa Capas, Tarlac nitong Sabado. Gumawa rin ng bagong SEA Games record ang Olympic qualifier sa kanyang tinalon na 5.45 meters. Ang dating SEAG record ay 5.35 na naitala ni 2017 champion Porranot Purahong ng Thailand.   522

Read More

GASTOS SA REHAB NG LINYA NG KURYENTE, ‘DI DAPAT IPASA SA CONSUMERS

(NI DANG SAMSON-GARCIA) KINALAMPAG ni Senador Win Gatchalian ang National Electrification Administration (NEA) na gamitin ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF) upang matiyak na mabibigyan ng suplay ng kuryente ang mga naapektuhan ng bagyong Tisoy. Ayon kay Gatchalian, ang ECERF na binuo sa ilalim ng Republic Act 11039 o ECERF Act, ay pondo para gamitin bilang immediate financial assistance sa mga electric cooperatives (ECs). Gugugulin ang pondo sa rehabilitasyon ng power lines at iba pang electricity infrastructure na mawasak ng kalamidad. Ngayong taon, nasa P750 milyon ang inilaan…

Read More

PANGULO ‘DI GAGAMIT NG MARTIAL LAW PARA MANAKOT

duterte12

(NI CHRISTIAN  DALE) HINDI nananakot si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sakali man at magdeklara siya ng Martial Law sa kabila na nahaharap ang bansa sa posibleng “disaster”. Nabanggit ito ng Chief Executive habang pinag-uusapan ang mga usapin katulad ng communist insurgency, terrorism at umano’y “onerous water concession agreements” sa kanyang speech sa post-typhoon damage assessment sa Legazpi City. “Two disasters. The one, umalis na [bagyong Tisoy]. We have a disaster coming up but that disaster is…We will not allow it. I am sure. My military will not allow it. My…

Read More

SEN. BONG EXCITED SA KASAL NINA JOLO, ANGELICA   

(NI LOLIT SOLIS) NEXT week na pala ang wedding nina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita na gaganapin sa Pelican hill sa Newport Beach, California. Nakikita nyo naman sa mga post nilang magkasintahan na excited na sila sa araw ng kanilang pag-iisang diddib. Nagsimula nang magbiyahe ang kanilang pamilya at nandun na nga si Mayor Lani Mercado at mga anak nila. Si Sen. Bong Revilla, sa Martes pa yata ang lipad niya at malamang excited din ito dahil ngayon lang siya mag-long flight uli, magbiyahe ng ganun kalayo…

Read More

LEGIT: DUGONG MARANAO AKO! – DU30

(NI CHRISTIAN  DALE) NIRESBAKAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang pahayagan na kumuwestiyon sa pagkakaroon nito ng dugong Maranao dahil sa kanyang lola. Binigyang diin ng Pangulo na isa siyang lehitimong Maranao at hindi kailanman naging impostor o nagpapanggap lamang. Hindi nagustuhan ng Pangulo ang tila pagpatol sa isang tsismis at pagbasehan ng isang artikulo na kumukuwestiyon ngayon sa pagkakaroon niya ng dugong Muslim kaya mali ang lumabas sa artikulo. Ani Pangulong Duterte, ang nanay nito ang may dugong Muslim at hindi ang kanyang ama na siyang inilabas sa…

Read More