35-K DAGDAG-PWERSA NG MILITAR SA MINDANAO INIUTOS NI DU30

isis

(NI CHRISTIAN  DALE) IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na dagdagan ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mabantayang mabuti ang Mindanao dahil sa banta ng terorismo. Ani Duterte, kailangan ang 35,000 dagdag na puwersa pero kung hindi pa aniya kakayanin ng pondo ay puwede na ang 20,000 para sa bagong recruitment. Pumiyok ang Chief Executive na isa sa matinding pinangangambahan nito ay ang banta ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria na nakapasok na aniya sa ilang lugar sa…

Read More

2020 BUDGET RARATIPIKAHAN NA SA KAMARA SA LUNES – SALCEDA

(NI ABBY MENDOZA) KINUMPIRMA ni House Committee on Ways and Means at Albay Rep. Joey Salceda na raratipakahan na ng Kamara sa Lunes, Disyembre 9, ang bicameral conference committee version ng 2020 P4.1-trillion national budget bill. Ayon kay Salceda, ang mga hindi napagkasunduang probisyon sa budget ay kanila nang napagkasunduan kaya wala nang hadlang na maipasa ang budget. “By Monday we will be signing. All significant differences have essentially been reconciled”pahayag ni Salceda. Aniya, naresolba ang mga isyu sa pagitan ng bersyon ng Senado at Kamara sa pamamagitan ng pagsilip nilang…

Read More

PAGDIDISIPLINA SA PECO HINILING NG SOLON

(NI ABBY MENDOZA) TINAWAG na “alarming” ni Iloilo Rep Julienne Baronda ang naging findings ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa isinagawa nitong imbestigasyon sa reklamo laban sa distribution utility na Panay Electric Co. (PECO). Ayon kay Baronda, pinatutunayan ng naging resulta ng imbestigasyon ng ERC na tama at may batayan ang inihaing reklamo laban sa PECO ni Iloilo Mayor Jerry Treñas na nagpasaklolo na sa Malacanang at ERC matapos ang nakaaalarma at hindi na ordinaryo na siyam  na magkakasunod na sunog sa poste ng electric company noong nakaraang buwan. Gayundin…

Read More

BAWAS-PRESYO NG OIL PRODUCTS SA SUSUNOD NA LINGGO

oil price hike

(NI ROSE PULGAR) Sa  susunod na linggo araw ng Martes (Disyembre 10)  ay may nakaambang na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa. Batay sa abiso ng kumpanyang Petron Corporation  posibleng bumaba sa P0.30 kada litro sa gasolina, P0.10 diesel at P0.30.kada litro naman sa kerosene. Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na nasa  P0.30 kada litro sa gasoline; P0.65 sa diesel atbP0.50 naman kada litro sa kerosene. Ang nakaambang na pagbaba sa presyo ng…

Read More

THE TAMING OF KRIS AQUINO

(NI BEN BAÑARES) JUST last month, I was wondering: Bakit kaya parang tahimik ngayon si Kris Aquino? Bakit tila wala yatang pasabog lately? Natabunan tuloy siya ng BFF, you know, the Barretto Family Feud. O ayaw niya lang sumabay dito dahil tiyak na malulunod kung ano man ang “pasabog” niya? Then, before November ended, I got my answer. Sa isang Instagram post kasi ni Kris, may isa siyang follower na nag-comment ng, “I hope you can still gain your former status as the country’s premiere endorser. It seems like you…

Read More

WOMEN’S BEACH VOLLEY, NAKA-BRONZE

(NI VT ROMANO) HINDI hinayaan ng Philippine women’s beach volleyball team na mabokya sa medalya, nang dominahin nito ang Singapore at angkinin ang bronze medal sa Subic, Zambales kahapon. Tinalo ng tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang pambato ng Singapore na sina Serene Ng at Ee Shan Lau, 21-17, 21-13 sa unang laro. Sinundan ito ng panalo nina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez laban kina Eliza Chong at Gladys Lee, 21-18, 21-16. Ang Pilipinas, sa pamamagitan nina Heidi Ilustre at Diane Pascua ay huling nanalo ng medalya sa…

Read More

WALANG HOKUS-POKUS SA BULACAN AIRPORT — DOTr

(NI MAC CABREROS) SINISIGURO ng gobyerno na pabor sa mamamayan ang itatayong New Manila Airport sa Bulacan. Inihayag ito ng Department of Transportation (DOTr)  bilang tugon sa alegasyong sinasadyang i-delay ang paggawa sa Bulacan airport. Ayon sa DOTr, masusing pinaplantsa lamang ang concession agreement alinsunod sa kahilingan ng Department of Finance (DOF) sa Department of Justice na suriing mabuti ang nilalaman ng kasunduan. “There are no objections to the concession agreement, merely clarifications sought on the phrasing of provisions on material adverse government action (MAGA) for situations where the government…

Read More

TAIL-END NG COLD FRONT MAGPAPAULAN SA N. LUZON

pagasa12

MAGANDANG balita na sa susunod na tatlong araw ay walang namataang sama ng panahon na makaaapekto sa bansa, ayon sa Pagasa. Ayon sa 4am weather update ng Pagasa, ang tail-end of a cold front pa rin ang magdadala ng mga pag-ulan sa Silangan ng Hilagang Luzon. Dahil sa nasabing weather system, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat pa rin ang mararanasan sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela at Apayao. Posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng putol-putol na malalakas na…

Read More

2 PANG GINTO SA PHL OCR TEAM

(NI VT ROMANO) NAGDAGDAG pa ng dalawang gintong medalya ang Philippine obstacle course racing team kahapon para walisin ang inaugural event sa pagpapatuloy ng 30th SEA Games sa Filinvest City sa Alabang, Muntinlupa. Nanguna sina Mervin Guarte, dating miyembro ng athletics team, at Sandi Abahan sa men’s at women’s ng five-kilometer x 20 obstacle at ipagkaloob sa Pilipinas ang kabuuang anim na gold medals. Nauna nang kumolekta ng apat na gold ang Philippine team sa OCR event kamakalawa, nang manguna sa 400-meter mixed team assist at mixed team relay races…

Read More