(NI NOEL ABUEL) SISILIPIN ng Senado ang umano’y iregularidad at dayaan sa nakaraang eleksiyon. Ayon kay Senador Risa Hontiveros, hihintayin na lamang nito ang pinal na resulta na ilalabas ng Commission on Elections (Comelec). Partikular na tinukoy ng senador ang vote-buying sa partylist system at ang kapalpakan ng ginamit na vote counting machines (VCMs). “As we vigilantly wait for the remaining votes to be counted and for the Comelec to address the serious cases of massive vote-buying in the partylist system, the 7 hour delay in the poll body’s transparency server…
Read MoreAuthor: Jet
ATENEO, UST MAY GAME 3
SINAMANTALA ng Ateneo ang pagkaka-tapilok ni Rookie of the Year awardee Eya Laure, para idismantel ang UST sa Game 2, 26-24, 14-25, 25-21, 25-15 kahapon ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa jampacked MOA Arena sa Pasay City. Nagtulung-tulong sina Maddie Madayag, Bea De Leon at Kat Tolentino, ang star trio ng Ateneo, sa pag-atake sa UST at ihirit ang winner-take-all para sa korona. Ang Game Three ay gaganapin sa Sabado sa MOA Arena rin. Si Madayag ay nagsumite ng 17 points, mula sa 10 attack, 4 blocks at…
Read More23 TONELADANG CAMPAIGN MATERIALS, INIWAN NG ELEKSIYON
(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN) MATAPOS ang midterm election , nasa 21,700 pirasong election-related materials ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Kalakhang Maynila. Sa post clean-up report ng MMDA – Metro Parkway Clearing Group (MPCG) matapos ang eleksyon, nasa 23.42 tonelada ng iba’t ibang campaign materials ang nahakot nila katumbas ito ng pitong dump trucks. Gamit ang scraper at sprayer, tulung-tulong na nilinis ng clearing operations team ang mga election materials na nasa mga pader at bakod sa mga pangunahing lansangan. Inalis din ang mga…
Read MoreNAKUMPISKA SA VOTE BUYING UMABOT NG P12-M
(NI JG TUMBADO) UMABOT sa mahigit P12 milyon halaga na gagamitin sana sa vote buying ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa nitong panahon ng eleksyon. Ito ay batay na rin sa ulat na ipinalabas ng National Election Monitoring Action Center o NEMAC sa kampo Crame. Umabot sa mahigit na 200 ang operasyon kung saan nakadampot sila ng 356 na indibidwal at walong menor de edad. Ang top 5 na mga rehiyon ay ang Region 13 o Caraga kung saan umabot…
Read MoreMILITANTE NALAGASAN
(NI BERNARD TAGUINOD) NALAGASAN ang grupo ng militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos malaglag ang isa nilang grupo sa katatapos na party-list election. Habang isinusulat ang balitang ito ay wala sa top-50 party-list organizations na posibleng magkaroon ng kinatawan sa 18th Congress, ang Anakpawis party-list group. Tanging ang Bayan Muna, ACT Teachers, Kabataan at Gabriela ang inaasahang magkakaroon ng representante sa 18th Congress dahil pumasok ang mga ito sa “winning circle”. Inaasahan din na bababa ang bilang ng mga kakatawan sa Makabayan bloc dahil maliban sa Bayan Muna ay inaasahang…
Read MoreKANDIDATO PINAGSUSUMITE NG SOCE SA COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) PINAALALAHANAN nitong Miyerkoles ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng kumandidato sa national at local elections, kaugnay sa pagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE). Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, hindi lamang ang mga nanalo ang dapat magsumite ng SOCE kundi maging ang mga natalong kandidato. Base sa resolusyon ng Comelec, dapat na maisumite ang SOCE sa kanilang tanggapan hanggang sa Hunyo 12, o 30-araw matapos ang halalan. Sa SOCE ay dapat na idetalye ng mga kandidato ang tinanggap nilang mga donasyon at…
Read More‘ALEGASYON NA ‘MASSIVE CHEATING’ ASAHAN SA TALUNAN’
(NI BETH JULIAN) ASAHAN na. Ito ang tugon ng Malacanang sa alegasyon nina Bayan Secretary-General Renato Reyes at Neri Colmenares na may nangyaring massive cheating o talamak na dayaan sa katatapos lamang na 2019 national elections. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, pagkatapos ang pagkatalo ng ilang anti-Duterte candidates nitong nagdaang halalan gaya nina Reyes at Colmenares na agad na kinuwestyon ng mga ito ang Duterte magic na nagpabagsak sa maraming left-leaning party-list groups at kanilang mga kandidato sa pagka-senador. Iginiit ni Panelo na ang pagkatalo ng mga ito ay…
Read MorePOWER INTERRUPTION SA BOTOHAN AALAMIN NG DoE
(NI ROSE PULGAR) NATUPAD ng Department of Energy (DoE) ang pangako na walang magaganap na brownout sa araw ng halalan 2019. Sa ginanap na Post Election Assessment ng DOE, sinabi ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella na naging sapat ang suplay ng kuryente noong Lunes (Mayo 13) araw ng botohan. Sinabi ni Fuentebella, nasa normal status noong araw ng eleksyon na ibig sabihin, ang capacity o ang available na megawatts ay sobra-sobra para sa demand o reserve. Aniya, kuntento sila sa performance ng energy family, pero sisiyasatin umano nila ang rason…
Read MoreMANUAL AUDIT TATAPUSIN SA LOOB NG 15-ARAW
(NI HARVEY PEREZ) TATAPUSIN ng 12 hanggang 15 araw ang official na Random Manual Audit (RMA) sa naganap na national and local elections nitong Lunes. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissiomer Luie Guia, ang mga teachers ang mag-audit ng mga ballot boxes sa may 715 polling places sa bansa. Magsisimula ang RMA, alas 8:00 ng umaga at magtatapos alas 8:00 ng gabi at gagawin sa Diamond Hotel sa Maynila. “Ang tinitingnan lang talaga is kung tama yung pagbibilang ng boto nung makina ayan yung first objective ng RMA– para…
Read More