10-K GURO 60-ORAS NANG NAGTATRABAHO SA BOTOHAN 

teachers12

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY ED CASTRO)) OVERTIME na sa kanilang tungkulin bilang Board of Election Inspectors (BEIs) ang may 10,000 public school teachers dahil sa mga technical error at mga problemadong SD o secure digital cards. Ito ang inireklamo ng ACT Teachers party-list group dahil umaabot sa 60-oras na nagtatrabaho umano ang mga BEIs simula noong Lunes, Mayo 13, dahil sa mga nabanggit na aberya. Sinabi ng grupo na sa kabuuan, umaabot sa 3, 253 Vote-Counting Machines (VCMs) ang hindi nakapag-transmit pasado alas-12:00 ng tanghali noong Miyerkoles kaya umaabot sa…

Read More

EX-DAR CHIEF LUMUSTAY NG P184-K; PINAGMULTA NG P6-K

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS umamin sa kanyang pagkakamali, pinagmumulta ng P6,000 ng Sandiganbayan ang isang dating Regional director ng Department of Agrarian Reform(DAR) na una nang ginamit ang P184,904 public funds para sa kanyang personal na interes. Guilty sa isang bilang ng paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code si dating DAR Region 13 chief Yusoph Mama. Nag-ugat ang kaso sa liquidation report na isinumite ng Commission on Audit(COA) kung saan mula noong September 30, 2011 ay hindi pa nai-liquidate ni Mama ang natanggap nitong pondo kung saan siya…

Read More

POLITICAL DYNASTY NASA KAMAY NG BOTANTE

panelo 200

(NI BETH JULIAN) NASA kamay ng mga botante ang pagpapatuloy ng pagtigil na ng sistema ng political dynasty. Ito ang paniniwala ng Malacanang sa gitna ng pagkagiba ng mga kilalang angkan ng mga politiko sa nagdaang eleksyon. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magkakaiba ang paniniwala ng mga Filipino sa political dynasty. Aniya, iba ang dynamics sa local elections dahil ang mga residente o constituents ang mas nakaaalam kung ano at sinong opisyal ang makabubuti para sa kanila. Ayon kay Panelo, kung maayos naman ang pamumuno ng angkan ng politiko…

Read More

MINORITY BLOC SA SENADO DAPAT MANATILI – PALASYO

senate

(NI BETH JULIAN) UPANG manatili ang pagkakaroon ng check and balance, hindi pinaplano ng Malacanang na hikayatin ang oposisyon sa Senado na umanib sa majority bloc. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mas makabubuting manatili ang oposisyon sa kabilang bakod para maging mas buhay ang demokrasya. “Kung mananatili ang set-up ng Senado na mayroong oposisyon mas mainam para may check and balance ang lahat ng aksiyon,” wika ni Panelo. Nananatiling miyembro ng minority bloc sa kasalukuyan sina Senators Riza Hontiveros, Leila de Lima, Franklin Drilon, Kiko Pangilinan at Ralph Recto.…

Read More

SA FLOP NA PINOY MOVIES: KAT-ALDEN MOVIE GIGIBA SA TAKILYA

(NI RONALD RAFER) HINDI rin naisalba ni Ai-Ai delas Alas ang movie niya with the X Batallion, ang Sons of Sabel, dahil hindi rin ito sinuwerte sa takilya. May mga sinehan pa na may 2 at 3 screenings lang. Sa Megamall, may isang araw daw na 30 tickets lang ang nabili. Just imagine, pinilahan din ang mga pelikula ng komedyana gaya ng Tanging Ina series, pero ngayon, gaya ng ibang Pinoy movies na ipinalabas mula nung pumasok ang taon, lahat flop! Kasabay din nila ang Man and Wife na hindi…

Read More

BROWNOUT SA MM, KARATIG LALAWIGAN SA MAYO 17

brownout121

(NI MAC CABREROS) MAKARARANAS ng pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Metro Manila, Cavite, Laguna at Bulacan ngayong Mayo 17 hanggang Mayo 19, ayon sa Manila Electric Company (Meralco). Sa abiso ng Meralco, mapuputulan ng supply ng kuryente ang bahagi ng Buenavista Avenue mula Tagaytay hanggang Calamba Road kabilang na rito ang Rodeo Hills Subd., Lakeview Subd., San Gabriel Subdivision at Buenavista Hills Subd. Phases 1 & 2A; Anya Resort & Residences Tagaytay at Roxaco  Land Corp. sa Barangays Tolentino East, Tolentino West at  City proper. Dalawang beses na mapuputulan ng…

Read More

DU30 BIYAHENG-JAPAN; HAHARAP KAY PM ABE SA BILATERAL MEETING

dutertejapan12

(NI BETH JULIAN) SA ikatlong pagkakataon, magtutungo sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo 30-31 para sa International Conference on the Future of Asia. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang okasyon ay  pagtitipon ng mga lider ng Asia-Pacific Region kung saan nakatakdang magtalumpati ang Pangulo. Pagkatapos ng talumpati, haharap si Pangulong Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe para sa idaraos na bilateral meeting. Bagama’t wala pang detalye, inaasahan ni Panelo na ang pagtungo ng Pangulo sa Japan ay mas lalong magpapatatag sa relasyon ng Pilipinas at Japan…

Read More

BOSSING VIC, CONEY PROUD PARENTS NI MAYOR VICO

vico12

(NI RONALD M. RAFER) TINAPOS ni Vico Sotto ang 27 years na pamumuno ng mga Eusebio sa Pasig City. Kasama ni Vico ang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes nang pumunta sa Kapitolyo ng Pasig para sa proclamation bilang bagong mayor ng Pasig. Pabahay, edukasyon, at pagsugpo sa korapsyon ang mga tututukan ni Vico. Very proud parents sina Bossing Vic at Coney. “His heart is set to help people. Bata pa siya, ganun na ang gusto niyang gawin, ang tumulong. He commits his plans to the Lord.…

Read More

WINNERS AND LOSERS SA MUNDO NG POLITIKA SA SHOWBIZ

WINNERS23

SA mga showbiz folks na pumalaot sa mundo ng politika at tumakbo nitong nakaraang 2019 midterm elections, sinu-sino ang mga pinalad at sinu-sino ang umuwing luhaan? Ang mga inaakala nating “indestructible” sa kanilang mga lugar tulad ng mga Estrada/Ejercito sa San Juan at Maynila, ay nagiba ng mga baguhan at di-gaanong-baguhan. Sa Senado, mukhang sigurado nang makakaupong muli sina Lito Lapid at Ramon “Bong” Revilla, Jr. Mukhang hindi naman makakapasok sa “Magic 12” ang magkapatid sa ama na sina Jinggoy at JV Ejercito. Sa Maynila, dinaig ng higit na mas…

Read More