POLITIKONG SUPPORTERS NG KOMUNISTA NAMUMURO NA SA PNP

albayalde12

(Ni FRANCIS SORIANO) MULING binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 349 government officials na nagbibigay ng suporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamamagitan ng extortion money o permit to campaign fees Ayon kay Chief PNP Gen. Oscar Albayalde,  mahigpit nilang binabantayan ang mga kasalukuyang nakaupo at tumatakbong 10 congressmen, 11 governors; 5 vice governors; 10 board members; 55 mayors; 21 vice-mayors,  41 councilors, 126 barangay chairmen, 50 barangay councilors, at 8 barangay officials at 11 dating nakaupo mula sa Local Government Unit (LGU)…

Read More

DANIEL SINORPRESA SI KATHRYN SA HONG KONG

kathniel12

HINDI agad nakakibo si Kathryn Bernardo nang biglang magpakita sa kanya ang boyfriend niyang si Daniel Padilla sa kanyang tinitirahan sa Hong Kong. Nasa naturang lugar ang aktres para sa shooting ng Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan niya at ni Alden Richards. Base sa Instagram updates nina Director Peewee Gonzales at Vince San Juan, nang makita ni Kathryn si Daniel, pinupog niya ito ng halik, niyakap nang mahigpit, at tila hindi na bibitiw. Bukod sa sorpresang ito, nag-share din si Daniel sa kanyang social media account ng excerpt ng music video…

Read More

MRT-3 BALIK OPERASYON NA

mrt1

MATAPOS magsara ng isang linggo nitong Holy Week para sa regular na maintenance shutdown, balik-operasyon na ang MRT-3. Dahil dito, inaasahan na ang maayos na pagtakbo ng 17 tren gayundin ang mga bahagi ng riles at ang sistema ng MRT-3 sa kabuuan, ayon sa Department of  Transportation. Halos kalahating milyong mananakay ang inaasahan araw-araw sa tren at umarangkada na ang 17 tren bandang alas-7:00 ng umaga na dumarating kada anim at kalahating minuto. Bago matapos ang Abril ay nakatakda naman ang rehabilitasyon ng MRT na popondohan ng Japan International Cooperation…

Read More

PALICTE VS IOKA SA WBO SUPER FLYWEIGHT CROWN SA JAPAN

ioka12

(NI ARIEL BORLONGAN) PORMAL nang inihayag sa Las Vegas, Nevada ng World Boxing Organization (WBO) ang laban nina No. 1-ranked “Mighty” Aston Palicte ng Pilipinas laban kay Japanese No. 2 contender at three-division world champion Kazuto Ioka para sa bakanteng WBO junior bantamweight title sa Hunyo 19 sa Osaka Prefectural Gym sa Osaka, Japan. Ipalalabas ng UFC Fight Pass® ang live streaming ng laban sa labas ng Japan at ang Palicte vs. Ioka ang kauna-unahang kampeonatong pandaigdig sa boksing na ipalalabas sa FIGHT PASS na nakipagkasundo sa promoter ng Pinoy…

Read More

SMB, PHOENIX PLAYERS MULTADO

abueva25

(NI JOSEPH BONIFACIO)   NABAWASAN ng P20,000 ang pera ni Christian Standhardinger ng San Miguel Beer, dahil sa multang ipinataw ng PBA nang aksidenteng masipa niya sa mukha si Calvin Abueva ng Phoenix Pulse. Naging mainit ang Game 2 ng Philippine Cup na pinagwagian ng Beermen, 92-82 at 2-0 abante sa serye, kung saan ejected si Standhardinger. Flagrant foul penalty 2 (FFP2) ang pinataw kay Standhardinger nang tamaan sa mukha si Abueva sa kanilang pag-aagawan sa loose ball. Walang suspensiyong ipinataw sa SMB player dahil nakita naman nang rebyuhin ang…

Read More

INILIKAS NA PINOY SA TRIPOLI PAUWI NA

libya12

PAUWI na ang mga Pinoy na inilikas sa Tripoli, Libya makaraang mapapayag ang mga itong lisanin na ang naturang bansa dahil sa kaguluhang nagaganap. Nitong Miyerkoles ay nagsimula  nang ilikas ng Department of Foreign Affairs (DFA)  ang mga Pinoy sa Tripoli, Libya bunga ng nagaganap na kaguluhan doon. Sinabi ng DFA na ang unang batch ng mga inilikas na Pinoy ay kinabibilangan ng tatlong hospital worker at apat na estudyante. Ang mga ito umano ay dadalhin sa Tunisia kung saan sila sasakay ng eroplano pauwi ng Pilipinas. Sinabi ni Embassy…

Read More

AKSIYON SA PBA PHIL CUP CEASEFIRE MUNA

pba12

(NI JOSEPH BONIFACIO) TIGIL-LARO muna ang apat na koponang naglalaban-laban sa 2019 PBA Philippine Cup semifinals simula ngayong Huwebes, bilang paggunita sa Mahal na Araw. Kasagsagan na ng best-of-seven series ang apat na koponan – San Miguel Beer, Magnolia, Phoenix at Rain or Shine. Babalik ang aksyon sa Linggo. Bago magpahinga, hawak ng Beermen ang 2-0 bentahe labans a Phoenix. Ang SMB ay naghahangad ng kanilang ikalimang sunod na titulo sa All-Filipino Conference. Habang nakahirit naman ng panalo ang Magnolia Hotshots sa hulinglaro kontra Rain or Shine noong Martes. Para…

Read More

PASAWAY NA EMPLOYERS BINALAAN SA ‘DI TAMANG PASAHOD SA HOLIDAY

DOLE12

(NI MINA DIAZ) INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga manggagawa na magtatrabaho sa mga petsang Abril 9, 18, at 19, ay babayaran ng dalawang beses sa kanilang regular na arawang  sahod, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III. Kasabay nito ay binalaan ng DOLE ang mga employers na hindi magpapasahod nang tama sa mga manggagawa na maaari silang ipagharap ng reklamo ng kanilang trabahador. Ito ay base sa Proclamation No. 555 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, kaalinsabay ng pagpapalabas ng Labor Advisory No. 05…

Read More

PALUSOT NG COMELEC SA ABERYA SA OV INALMAHAN NG NETIZENS

comelec james12

(NI MAC CABREROS) IKINAGALIT ng mga kababayan ang paliwanag ng Commission on Elections (Comelec) hinggil sa aberya sa overseas voting (0V). Sa Facebook post, inihayag ng mga kababayan na ‘laging nagpapalusot’ ang Comelec kapag mayroong palpak sa botohan. Giit naman ng isang netizen na “hindi maliit na problema! Malaking bagay sa bawat botante na kailangang mabilang ang kanilang boto.” Ang ngitngit ng netizens ay matapos ihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez na ‘minor incident’ lamang ang mga aberya na naganap sa ilang bansa. Nagpaabot ng agam-agam ang Pinoy voters sa Kingdom of…

Read More