HINDI hadlang ang paggunita ng Semana Santa kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil maaari siyang magtrabaho kahit pa pista opisyal. Ito ang tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos magbakasyon din ang buong bansa ngayong Huwebes Santo at Biyernes Santo. “There’s always a skeletal force and even the President is in Davao City, he is always joined by the PMS (Presidential Management Staff),” sabi ni Nograles sa media forum nitong Miyerkoles. “Kung kailangan siya, pwede naman siyang pumunta ng Malacanang. Pwede rin naman sa kanyang bahay sa Davao. Walang problema doon,”…
Read MoreAuthor: Jet
BANTA NI DIGONG: BUBUWELTAHAN KO KAYO ‘BIKOY’!
(NI CHRISTIAN DALE) MAGLALABAS si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng “intelligence report” mula sa ibang bansa na nagpapakita ng umano’y koneksyon ng mga human rights groups sa mga hakbang para siya ay patalsikin sa pwesto. Ang mga ito, ayon sa Pangulo, ang nasa likod ng black propaganda laban sa kanya at kanyang pamilya. “Kayong mga human rights (groups). Kayong mga nagba-black propaganda pati ‘yung anak ko si Veronica 14 years old drug addict? May ipalabas ako, you just wait,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging talumpati nito sa PDP-LABAN Cagayan…
Read MoreDU30 DISMAYADO SA MWSS; ENGINEERS IPAPALIT SA MGA OPISYAL
(NI BETH JULIAN) MAHIGPIT na nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa nga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa patuloy na dinaranas na kakapusan ng suplay ng tubig. Sa pagdalo ng Pangulo sa campaign rally ng PDP Laban sa Cagayan, sinabi nito na dismayado siya dahil hindi pinaghandaan ng MWSS ang mga epekto ng El Nino phenomenon. Giit ng Pangulo, may ilan taon nang nananatili sa MWSS ang mga opisyal nito subalit hindi nalulutas ang alam na namang nilang problema sa suplay ng tubig. Dagdag pa ng…
Read MoreCEASEFIRE, BALIK-PINAS ALOK NI DU30 ‘DI KINAGAT NI JOMA
(NI JUN V. TRINIDAD) HINDI kinagat ni Jose Maria “Joma” Sison, Communist Party of the Philippines (CPP) founder, ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na kagyat na tigil-putukan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng New People’s Army (NPA). Maging ang imbitasyon ng Pangulo na umuwi si Sison sa bansa para sa posibleng pagpapatuloy ng peace talks ay ibinasura rin ng lider-rebelde. “Nanloloko si Duterte sa bagong statement niya. Luma ang laman. Binibingwit niya ang mga NPA pati ako na pumasok sa bitag niya para kontrolin at katayin niya…
Read MoreALALAY SA ALAY LAKAD SA ANTIPOLO KASADO NA
(NI MAC CABREROS) NAILATAG na ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo ang mga hakbangin para sa tradisyunal na Alay Lakad kung saan daragsa ang mga manampalataya ngayong Maundy Thursday. Libu-libong devotees mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at maging karatig lalawigan ang maglalakad patungong Antipolo Cathedral hapon ng Huwebes bilang panata kada Semana Santa. Abiso ng Rizal Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na sarado sa motorista ang patungong Antipolo na bahagi Ortigas Avenue Extension mula Cainta junction ganap alas-8:00 ng gabi ng Huwebes hanggang alas-6:00 ng umaga ng Biyernes. Samantala,…
Read More‘NGIPIN’ NG POEA SA RECRUITMENT AGENCIES, OFWs GUSTONG ALISIN
(NI BERNARD TAGUINOD) MAWAWALAN ng papel ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at maging ang mga recruitment agencies kapag lumusot ang isang panukalang batas sa Kamara na naglalayong madaliin ang pag-alis ng mga Filipino na gustong magtrabaho sa ibang bansa. Sa House Bill (HB) 8842 o Filipino Global Employment Act na iniakda niHouse Committee on Overseas Workers’ Affairs chair Jesulito Manalo, nais nito na hindi na dadaan sa mahigpit na proseso ng POEA at recruitment agencies ang mga professionals at highly-skilled Filipino na gustong magtrabaho sa ibang bansa. “Because of unnecessary government regulations that are no longer pertinent to…
Read MoreLUNETA PARK BUKAS SA MGA GUSTONG MAGNILAY
(NI DAHLIA S. ANIN) BUKAS para sa mga nais magnilay-nilay at mamasyal ang tanyag na Luneta Park kung saan nagkalat ang mga violet na watawat bilang paggunita sa Kuwaresma. Mayroong Station of the Cross sa loob ng parke mula alas 8 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi libre ito para sa mga gustong magdasal. May pagtatanghal ding magaganap sa open air stadium nito sa Biyernes Santo tulad ng “Martir sa Golgota” alas 6:00 ng gabi. Sa Sabado naman itatanghal ang “Daan ng Krus The Musical” alas 7:00 ng gabi.…
Read MoreHOLY WEEK VACATION OF THE STARS
(NI RK VILLACORTA) VACAY mode na ang mga taga-showbiz. ‘Yung iba, noong Palm Sunday pa lumarga para sa much needed rest. After the stressful promo of Stranded with Arjo Atayde, si Jessy Mendiola, nag-impake na kasama ang boyfriend na si Luis Manzano at lumipad pa-Japan. A few days ago, I had a short chat with Luis. Nasa Japan na pala ang kausap ko! Ang balik nilang dalawa: “22(April) for me. Day after my birthday,” PM ng host-lover boy sa amin. Sina Kim Chiu at Xian Lim, hayun sa exotic Bali at…
Read More2 PANG ISLA NG PINAS DINAGSA NG CHINESE VESSELS
MATAPOS dagsain ang Pagasa sa Kalayaan Island Group, dumating naman ang mga Chinese vessels na pinaniniwalaang bahagi ng maritime military ng China malapit sa dalawang iba pang isla ng Pilipinas na sakop ng South China Sea. Ilan sa mga barko ng China ay nakitang mas malapit sa isang kilometro sa Kota at Panata may 24 kilometro ng timog ng Pagasa island, ang pinakamalaki sa siyam na islang inookupa ng mga Filipino sa Spratly Island, ayon sa Asia Maritime Transparency Initiative (Amti). Nakumpirma sa pamamagitan ng satellite images na nakolekta noong…
Read More