OVERSEAS VOTING SA HK, ROME, NAGKAABERYA

ABSENT12

(NI MAC CABREROS) NAGKA-ABERYA ang pagboto ng mga kababayan sa Hongkong at Rome, ayon sa nakalap ng Saksi Ngayon, nitong Linggo. Sa Facebook post ni Rowena Bermudez, sinabi nitong nasira ang makina sa unang araw ng botohan sa HongKong. Aniya, malaki ang agam-agam ng mga absentee voters na posibleng magkaroon ng dayaan doon. Sa Rome, Italy, ipinabatid ni Joanne Orillo Sevilla na walang makina ang embahada ng Pilipinas doon. “Envelope voting dito,” post ni Sevilla. Binanggit nito na ilalagay sa loob ng sobre ang kanilang boto saka seselyuhan at ihuhulog…

Read More

SRP SA KAPENG 3-IN-1 ITINAKDA NG DTI

dti12

(NI MAC CABREROS) ISASAMA na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) sa listahan ng mga produktong lalagyan ng suggested retail price o SRP ang 3-in-1 coffee. Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, bukod sa mapo-protektahan ang publiko sa pagsasamantala ng mga negosyante, layon ng pagtakda ng SRP na mapabagal ang inflation o antas ng pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin. Naiulat na pumalo sa 3.3 porsyento ang inflation nitong Marso na mas mabagal kumpara 3.8 porsyento noong Pebrero. Samantala, itatampok ni Michael Harris Conlin, kinatawan ng Pilipinas sa…

Read More

KLASE SA SUCs, LUCs PINAGBUBUKAS NG CHED SA AGOSTO

ched123

(NI MAC CABREROS) SIMULA ngayong school year, dapat nang magbukas ang klase sa kolehiyo sa Agosto, inihayag ng Commission on Higher Education (CHED). Sa memorandum na inilabas ni CHED chair Prospero “Popoy” de Vera Jr., nitong Abril 5, itinakda sa mga state universities and colleges (SUCs) at local university and colleges (LUCs) na simulan ang academic year 2019-2020 sa Agosto. “This is to synchronize its respective Academic Years to a Fiscal Year starting FY 2019 to ensure that starting FY 2020, all SUCs and LUCs have synchronized their academic year…

Read More

SA ALINDOG NI ANDREA, BAKURAN KAYA SI DEREK NG GF N’YA?

ANDREA12

(NI RONALD M. RAFER) NAG-UUMAPAW ang chemistry nina Derek Ramsay at Andrea Torres sa ipinakitang summer plug ng pagsasamahan nilang teleserye, ang “The Better Woman.”  Ganoon din sa litrato ng dalawa na ipinost ng GMA-7. Dahil sa lumabas ng larawan, uminit ang request ng mga fans na madaliin na ang kanilang teleserye. Kahit ang direktor nila na si Mark dela Cruz ay excited na rin sa taping nila. Pinagsabihan ng mga fans si Derek na mag-ingat kay Andrea at baka ma-fall kahit may GF na ito. Hindi nga ba’t sumugod…

Read More

MAGSASAKA UMAARAY NA SA P12 PER KILO NG PALAY

farm19

(NI BERNARD TAGUINOD) NASASAKTAN na nang husto ang mga magsasaka sa Rice Tariffication Law matapos mapako sa P12 ang bilihan ng bawat kilo ng palay kahit kakaunti ang supply dahil sa El Nino. Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, karaniwang tumataas ang farmgate price ng palay kapag kokonti ang supply subalit ngayon ay napapako na umano ito sa P12 dahil sa nasabing batas na nagbigay ng otoridad sa mga rice traders na mag-angkat ng bigas na walang limitasyon. Maliban dito, mayroon umano sa mga rice traders ang bumibili ng…

Read More

PASAKIT SA KWARESMA: OIL PRICE HIKE ULIT

oil

(NI ROSE PULGAR) MAY nakaamba na namang taas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. Ito ang abiso Sabado ng hapon ng ilang kompanya ng langis sa bansa. Ayon sa kompanyang Jetti Petroleum, ang dagdag-presyo ay maglalaro sa P0.50 hanggang P0.55 sa kada litro ng diesel, samantalang nasa P0.90 hanggang P0.95 naman ang dagdag sa kada litro ng gasolina. Ang nakaambang taas presyo sa produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. Nabatid, na nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng oil price hike ang mga…

Read More

REMITTANCES NG OFWs SA CHINA BUMABAGSAK

ofws

(NI BERNARD TAGUINOD) PALIIT nang paliit ang mga ipinadadalang pera ng mga  overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase sa mainland China sa nakaraang dalawang taon sa hindi malamang dahilan. Ito ang nabatid  kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo base na rin umano sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas bagama’t pumalo sa $33.8 Billion ang kabuuang remittances ng mga OFWs noong 2018. “From a high of about $170 million in 2016, OFW money sent from the Chinese mainland to dependents here in the Philippines fell to $70 million in…

Read More

PNP AMINADO SA KIDNAPPING INCIDENTS SA BANSA

kidnapping12

(NI NICK ECHEVARRIA) AMINADO ang Philippine National Police PNP) na may mga kidnapping incident sa bansa lalo na sa bahagi ng Mindanao kung saan nagkukubli ang mga teroristang grupo. Ito ang ipinahayag ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac kasabay ang pagdiddiin na walang dapat ipangamba ang publiko dahil hindi naman nagpapabaya ang mga kapulisan at militar. Sa katunayan umano ay kontrolado aniya ang peace and order sa bansa dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng mga awtoridad. Tinukoy pa ng tagapagsalita ng PNP ang patuloy na pagbaba ng mga…

Read More

MAYORALTY CANDIDATE SA MARAWI INARESTO SA POLITICAL RALLY

marawi12

(NI JESSE KABEL) INARESTO ng militar si dating Marawi City mayor Solitario Ali makaraang lumutang ito sa ginanap na PDP-Laban political rally sa nasabing lungsod na dadaluhan sana ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong  Biyernes sa Mindanao State University. Sa impormasyong ibinahagi ng AFP 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, si Ali na tumatakbo bilang mayor ulit ng Marawi sa ilalim ng local party na PCP-Ompia, ay inimbitahan ng military upang magbigay-linaw sa pagkakasangkot niya sa Marawi siege noong 2017. Sinabi ni Col. Romeo Brawner, commander ng 103rd Infantry Brigade, isinalang sa…

Read More