(NI MAC CABREROS) IBINALIK ng mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea ang tradisyunal na kalakalan – ang barter trade o pagpapalitan ng produkto bilang bentahan na walang sangkot na pera. Sa impormasyong nakalap ng Saksi Ngayon, ipinapalit ng mga mangingisda ang kanilang huling isda sa produkto ng mga Chinese gaya ng alak, sigarilyo at noodles at kung minsan ay isda. “Mas mabuti na ito kesa kinukuha na lamang na walang bayad ng mga Tsino ang aming huli,” pahayag ng isang mangingisda. Kuwento nito na inaakyat ng mga Tsino ang…
Read MoreAuthor: Jet
DFA SA PINOY SA TRIPOLI: UMUWI NA KAYO NG PINAS!
(NI ROSE PULGAR) NANAWAGAN nitong Huwebes ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na lisanin na ang Tripoli at Libya at hinimok na kagatin ang alok ng pamahalaan na umuwi na ang mga ito sa Pilipinas dahil sa patuloy na kaguluhan na nagaganap sa nabanggit na bansa. Sinabi ni DFA Chargé d’Affaires Elmer Cato, hinimok nila ang mga Pinoy na naka base sa Tripoli at Libya, na magboluntaryo na silang makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng pamahalaan para sa proseso ng kanilang mga dokumento para makauwi sa Pilipinas bago pa man lumala ang…
Read MorePAGLISAN NG CHINESE VESSELS INAASAHAN NG PALASYO
(NI BETH JULIAN) KUMPIYANSA ang Malacanang na magiging positibo ang China sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na lisanin ng mga Chinese vessels ang Pagasa Island at iba pang isla na sakop ng Pilipinas. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw ang posisyon ng Pangulo nang sabihin nito handa siyang makipag kaibigan sa China pero hindi dapat galawin ng mga Chinese ang Pagasa Island at iba pang teritoryo ng bansa. Binigyan-diin pa ng Pangulo, ayon kay Panelo, na kung magpapatuloy pa ang aktibidad ng China ay nakahanda ang mga sundalo…
Read More‘GALAWANG PULIS’ SA NUVALI ABDUCTION, INALMAHAN
(NI NILOU DEL CARMEN) UMALMA ang Laguna police sa mga espekulasyon na mga pulis umano ang sangkot sa pagdukot sa dating aide ng Tanauan City mayor na si Allan Fajardo. Ayon kay Laguna police director. PCol. Eleazar Matta, “unfair” sa mga kapulisan ang paratang dahil kahit sino anya ay pwedeng kumilos katulad ng ginawa ng mga armadong kalalakihan sa nangyaring pagdukot. “Kahit mga NBI, PDEA, mga sundalo at kahit mga security guard ay kayang gawin yun” ayon kay Matta. Ang pahayag ni Matta ay kaugnay sa CCTV video na kuha sa…
Read MoreP20-M SMUGGLED YOSI NASABAT SA ZAMBO NG PHIL NAVY
(NI JESSY KABEL) MILYUN-MILYONG halaga ng puslit na kontrabando ang nasamsam ng gobyerno nang masabat ng Philippine Navy ang mahigit kumulang sa 2,000 kahon at nasa P20 milyon ng umano’y smuggled na sigarilyo sa karagatan ng Zamboanga City Martes ng gabi. Ayon kay Bureau of Customs district collector Atty. Sigmunfreud Barte Jr, ng mga nasabat na smuggled cigarettes ay galing umano sa Malaysia at naka-consign sa iba’t ibang pangalan. Ayon kay Rear Erick A Kagaoan, AFP Commander, Naval Forces Western Mindanao, kasalukuyang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang Philippine Navy sa lugar…
Read MorePIRMA NI DU30 SA 2019 NAT’L BUDGET NAUDLOT
(NI BETH JULIAN) MABIBITIN pa rin ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget. Ito ay matapos kumpirmahin ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na hindi matutuloy ang ceremonial signing ni Pnagulong Duterte sa general Appropriations acts of 2019 na una nang itinakda sa Lunes, April 15. Gayunman, hindi masabi ni Panelo kung bakit iniatras ang schedule para sa ceremonial signing sa Lunes. Dahil nawala na sa kalendaryo ng Pangulo, sinabi ni Panelo na baka pagkatapos na ng Mahal na Araw na ito mapirmahan. Ayon kay Panelo, pinag-aaralan…
Read More13K NURSES BIBIGYAN NG TRABAHO
(NI NOEL ABUEL) AABOT sa mahigit sa 13,000 nurses ang nakatakdang bigyan ng trabaho ngayong taon na nakapaloob sa inaprubahang General Appropriations Act (GAA) sa 2019 national budget. Ito ang sinabi ni Senador JV Ejercito kung saan may sapat na pondo para sa sahod at iba pang financial benefits na nagkakahalaga ng P7 bilyon para sa pagpapadala ng karagdagang 13,578 nurses sa ilalim ng Human Resources for Health (HRH) program ng Department of Health (DoH). Sa kasalukuyan, base sa datos ay nasa 3,627 nurses ang nakakalat sa mga pampublikong ospital…
Read MoreMATAAS NA GRADO NI DU30 SA SWS: KRITIKO BULAG SA PAGBABAGO
(NI BETH JULIAN) WELCOME sa Malacanang ang Social Weather Station (SWS) survey na nagpapakita na 79 percent ng mga Pilipino ang nagsabing kontento sila sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte. Batay sa survey, lumalabas na nasa positive 66 ang net satisfaction rating ng Pangulo para sa buwan ng Marso. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang resulta ng survey na ito ay nagpapakita lamang na habang patuloy sa paninira ang mga kritiko ng Pangulo ay mas lalo lamang tumataas ang kanyang ratings. Sinabi ni Panelo na tila nagiging bingi ang…
Read MoreCHINA PINASASAGOT SA DIPLOMATIC PROTEST NG DFA
(NI BETH JULIAN) BINIBIGYAN ng pagkakataon ng Malacanang ang China para sagutin ang diplomatic protest sa inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa presensya ng Chinese Maritime Militia vessels sa Pagasa Island. Sa press briefing sa Malacanang, ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na alinsunod sa proseso ay binibigyan ng sapat na panahon ang respondent na pag-aralan ang reklamo o note verbal o protesta na inihain laban sa kanila ng isang bansa. Sinabi ni Panelo na sa ngayon ay wala pang tugon si Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa…
Read More