(NI ABBY MENDOZA) AMINADO ang Maynilad na nakatutulong ang pagkakaroon ng scheduled water interruptions upang matiyak na ang lahat ng kanilang customers ay may tubig sa harap na rin ng kakulangan ng supply. Ayon kay Maynilad Corporate Communications head Jennifer Rufo ang water interruption schedule ay maaaring makita ng kanilang mga customer sa kanilang Facebook fanpage. Ipinaliwanag ni Rufo na ang water interruption sa kanilang customers sa West Zone ay kanilang ginagawa tuwing off peak hours o alas 12:00 hanggang alas 4:00 ng madaling araw. Sinabi ni Rufo na hindi nila…
Read MoreAuthor: Jet
P70 A DAY FOOD CHALLENGE KAY DU30, ECONOMIC MANAGERS
(NI BERNARD TAGUINOD) HINAMON sa Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang mga economic managers na subukang mabuhay sa budget na P70 kada araw upang malaman ng mga ito ang tunay na kalagayan ng mga pobre. Ginawa nina Gabriela party-list Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas ang hamon matapos itakda ng Philippine Statistics Authority (PSA) na kailangan lamang ng isang pamilya na may 5 miyembro ang budget na P10,481 kada buwan para matugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan. Dahil sa halagang ito na itinakda ng PSA, bumaba umano sa 16.1% ang poverty…
Read More140 P2P BUS BIBIYAHE SA HOLY WEEK KAPALIT NG MRT3
(NI KEVIN COLLANTES) MAGPAPABIYAHE ng may 140 Point-to-Point (P2P) buses ang Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) ngayong Holy Week. Batay sa inisyung anunsiyo ng DOTr-MRT3 sa kanilang social media accounts nitong Huwebes ng umaga, ide-deploy nila ang mga naturang P2P buses mula Abril 15, Lunes Santo, hanggang Abril 17, Miyerkoles Santo, at mula Abril 20, Sabado de Gloria, hanggang Abril 21, Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday). Ayon sa departamento, layunin ng deployment ng mga naturang behikulo na matulungan ang mga suki nilang pasahero na maaapektuhan ng taunang…
Read MorePAGTAAS NG RENTA NG BAHAY IKINABAHALA
(NI BERNARD TAGUINOD) LABIS na ikinabahala ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pataas nang pataas na renta ng mga bahay kasama na ang mga kuwarto dahil ang mga mahihirap ang apektado dito. Ayon kay 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero, kailangang mapigilan ang pagtaas ng upa ng mga bahay habang hindi nareresolba ang problema sa pabahay sa bansa dahil ang nagdudusa umano dito ang mga dukha. Ginawa ng mambaatas ang pahayag matapos lumabas sa consumer price index na mula Marso 2018 hanggang Marso 2019 ay tumas ng 2.9%…
Read MoreARRAIGNMENT NI MARIA RESSA ITINAKDA SA MAY 2
(NI MAC CABREROS) ITINAKDA ng Pasig Regional Trial Court Branch 265 sa Mayo 2 ang pagbasa ng sakdal kay Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa. Inaasahang maghahain ng not guilty plea si Ressa, kasama ang dalawang miyembro ng Board, sa kasong Anti-Dummy Law kung saan una na siyang naglagak ng piyansa. Nasa ibang bansa sa kasalukuyan si Ressa. Nauna nang nagsalang ng not guilty plea ang kapwa akusadong sina Rappler managing editor Glenda Gloria at board members Manuel Ayala, Felicia Atienza, Nico Jose Nolledo, at James Velasquez. Nahaharap sa…
Read MorePRESYO NG GULAY TATAAS
(NI MAC CABREROS/PHOTO BY KIER CRUZ) NAGSIMULA nang maramdaman ang epekto ng El Nino sa produktong agrikultura matapos ihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na inaasahang pagtaas ng presyo ng gulay. “Gulay talaga iyong binabantayan natin because of the drought now happening in several regions in the country,” pahayag Trade Undersecretary Ruth Castelo. Siniguro naman ni Usec. Castelo na babantayan nila ang presyo ng gulay sa mga pamilihan upang hindi makapagsamantala ang mga negosyante at maprotektahan ang kapakanan ng publiko. “The National Price Coordinating Council will particularly do…
Read More‘BASURA’ NG PNOY GOV’T SISILIPIN NG ANTI-CORRUPTION AGENCY
(NI MAC CABREROS) SISILIPIN ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katiwalian noong administrasyon ni dating pangulong Noynoy Aquino. Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Atty. Manny Luna, kabilang sa sisilipin ang mga proyektong itinaguyod ng administrasyong Aquino nang manalanta ang bagyong Yolanda. “Bago mambato sila ng putik ay tingnan sana nila ang kanilang basura,” pahayag ni Luna sa Fernandina Media Forum sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan. Kasabay nito, inihayag ni Commissioner Luna na marami pang ‘ulo ang gugulong’ sa Bureau of Immigration. Ayon Atty. Luna, pursigido ang…
Read MoreBJMP PROBLEMADO SA TUBIG, SAKIT NG MGA BILANGGO SA TAG-INIT
(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa patuloy na nararanasan sa epekto ng El Niño ay problemado at puspusan ang paghahanda ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para maiwasan ang patuloy na nararamdamang init ng panahon sa mga bilangguan sa bansa. Ayon sa pamunuan ng BJMP, kadalasang mga sakit na mga bilango ay hypertension, sakit sa balat, sore eyes, hirap sa paghinga at iba pa. Dahil dito ay ginagawa ngayon ang paglalagay ng sapat na suplay ng tubig at ang tamang ventilation sa 476 na detention facility at umaabot na…
Read More1-2 ORAS NA BROWNOUT ASAHAN SA LUZON
PINANGANGAMBAHAN ang rotational brownout sa ilang bahagi ng Luzon sa dalawang magkasunod na araw dahil umano sa kawalan ng sapat na power reserves, ayon sa Meralco. Isa hanggang dalawang oras mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa bawat area ang posibleng mangyari sa mga consumuers. Ilalathala din umano sa social media pages ang mga lugar na apektado. Inaasahang ngayong Huwebes ang peak demand sa Luzon sa 10,607 megawatts sa available capacity na 10,761 MW at reserve na 154 MW. Nanawagan naman ang ahensiya sa publiko na magtipid sa…
Read More