(NI TERESA TAVARES) BIGO ang isang telecom company sa hirit nito sa Court of Appeals (CA) na mapatigil ang bidding process at awarding sa Mislatel Consortium bilang ikatlong telco player sa bansa. Sa apat na pahinang resolusyon ng CA Special Eleventh Division, walang merito ang petisyon ng Now Telecom Company na nagnanais na magpalabas ang korte ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction laban sa bidding at awarding ng pamahalaan sa bagong telco player. Una nang dumulog sa CA ang naturang kompanya matapos i-dismiss ng Manila RTC Branch 42…
Read MoreAuthor: Jet
RED CROSS NAKAPAGDELIBER NG 1-M LITRONG TUBIG SA MM
(NI KEVIN COLLANTES) INIULAT ng Philippine Red Cross (PRC) na mahigit isang milyong litrong tubig ang naisuplay nila sa anim na pagamutan sa Metro Manila na naapektuhan ng water shortage o kakulangan sa tubig kamakailan. Sa isang kalatas, sinabi ng PRC, na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon, hanggang nitong Marso 18 ay nakapaghatid sila ng 1,033,000 litro ng malinis at ligtas na tubig sa tinatayang may 43,000 indibidwal mula sa Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center, Mandaluyong City Medical Center, at…
Read MoreALDEN, MAINE, MUKHANG NAGKAKAILANGAN NA
(NI RONALD M. RAFER) Mukhang nag-iiwasan at nagkakailangan na sa isa’t isa sina Alden Richards at Maine Mendoza. Sa “Eat Bulaga”, pansin na pansin na kahit magkatabi ang dalawa ay hindi sila nagtitinginan. Nabago ang lahat sa dalawa nung umamin na si Maine na she’s dating Arjo Atayde. Nanatiling tahimik lang si Alden sa issue at never itong nagsalita o nag-comment ng hindi maganda about Maine. ‘Dun na natapos ang AlDub. Kahit pa ano’ng sabihin ng iba, the end na ang AlDub. Kahit ‘yung umaasang magkakatuluyan ang dalawa, tanggap nang…
Read More3.7-M SENIOR CITIZENS NGANGA SA PENSIYON
(NI BERNARD TAGUINOD) APEKTADO ang may 3.7 million mahihirap na senior citizen sa pagkaka-delay ng 2019 national budget dahil nakapaloob dito ang kanilang P500 na pensiyon kada buwan sa ilalim ng Social Pension program. Ayon kay Senior Citizens party-List Rep. Milagros Aquino-Magsaysay, hangga’t hindi maging batas ang 2019 General Appropriations Act (GAA) ay hindi matatanggap ng mga senior citizens ang kanilang P500 na buwanang pension. Noong 2018, umaabot sa tatlong milyong mahihirap na matatanda ang nakinabang sa Republic Act (RA) 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 na nagbibigay…
Read MorePINAS BUKAS SA ALOK NG JAPAN SA KALIWA DAM
(NI BETH JULIAN) HINDI isinasara ng gobyerno ang pintuan sa alok ng Japan na pondohan ang pagpapatayo ng Kaliwa dam sa lalawigan ng Quezon. Sa kabila ito ng nauna nang mga impormasyon na manggagaling na sa China ang pondong gagamitin dito. Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, na pinag-aaralan na ngayon ng gobyerno ang alok ng isang Japanese company para sa proyekto. Sinasabing lumalabas na mas mura at mas ligtas umano ang alok ng Japan para sa dam project. Ayon kay Panelo, kailangan at marapat lamang na ikonsidera ang…
Read MoreAHENSIYA SA WATER DISTRIBUTION TINANGGIHAN NG PALASYO
(NI BETH JULIAN) HINDI kinagat ng Malacanang ang planong pagbuo sa Department of Water Management na tututok sa maayos na distribusyon ng tubig. Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, wala naman problema sa suplay ng tubig at kaya lamang nagkakaproblema ay dahil sa kapabayaan ng ilang opisyal ng MWSS at Manila Water. Isinisi rin ng Malacanang ang posibleng mga maling diskarte para sa distribusyon ng tubig sa kanilang mga customer. Iginiit ni Panelo na sa katunayan ay madali rin naman nalutas ang aberya pero hinintay pa ng mga ito…
Read MoreCONGRESS, SENATE SA 2019 BUDGET: DEADLOCK!
(NI ABBY MENDOZA) DEADLOCK pa rin ang dalawang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa 2019 proposed national budget. Matapos ipagmalaki ng Senado na pumayag na ang House of Representatives na bawiin nito ang naisumute nilang bersyon ng budget ay pinabulaanan naman ito ngayon ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Nanindigan si Arroyo na hindi nila binawi ang kanilang bersyon bagkus ay pinag-uusapan nila ang gagawing pagbabago. Matatandaan na una nang kinumpirma ni San Juan City Rep Ronnie Zamora na nagkausap na sila ni Senador Panfilo Lacson tungkol sa pagbawi ng Mababang Kapulungan…
Read MoreSENADO MAG-IIMBESTIGA NA RIN SA WATER SHORTAGE
(NI DAHLIA S. ANIN) MAGSASAGAWA na rin ang Senado ng imbestigasyon ukol sa nangyayaring water crisis sa Silangang bahagi ng Maynila at sa probinsya ng Rizal. Nais ipatawag ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang mga water concesionnaires na Maynilad at Manila Water gayundin ang ibang ahensya ng gobyerno na may kinalaman dito upang talakayin ang water crisis at magmungkahi ng mga solusyon para maibsan ang pasanin ng mga apektado sa water shortage. Inanyayahan din ang mga local officials at mga residente na apektado rito. Sa panayam…
Read MoreMRT-3 TIGIL-BIYAHE MULA APRIL 15-21
(NI KEVIN COLLANTES) INIANUNSIYO ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes na sususpendihin nila ng isang linggo ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Mahal na Araw. Ito’y upang bigyang-daan ang kanilang annual general maintenance shutdown. Batay sa paabiso ng DOTr, itatapat nila ang pagtitigil ng biyahe para sa pagkukumpuni, sa Mahal na Araw, o mula Abril 15, Lunes Santo, hanggang Abril 21, Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday. Layunin anila nito na hindi masyadong maapektuhan ang kanilang mga mananakay, na inaasahang magsisiuwian naman sa kani-kanilang lalawigan upang…
Read More