(NI ABBY MENDOZA) NASA Philippine Area of Responsibility(PAR) na ang bagyong ‘Chedeng’ na inaasahang magla-landfall sa Davao Oriental sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa), pumasok ng PAR ang tropical depression ‘Chedeng’ taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at bugso na 60 kph. Huli itong namataan 980 km East ng Mindanao. Asahan umano ang kalat-kalat na pag-uulan sa Davao Oriental, Surigao del Sur at ilang bahagi ng Mindanao. Inabisuhan ng Pagasa disaster risk reduction and management office at…
Read MoreAuthor: Jet
VICE MAYORALTY CANDIDATE KINASUHAN SA PAGTULONG SA BIFF
(NI BONG PAULO) NAHAHARAP ngayon sa kasong paglabag sa Section 4 ng Republic Act 10168 o “Crime of Financing Terrorism” ang isa sa mga tumatakbo sa pagka bise alkalde ng Shariff Aguak, Maguindanao, ayon sa ulat Linggo ng hapon. Sa subpoena na inilabas ni Maguindanao Provincial Prosecutor Rohaira Lao, binibigyan nito ng 10 araw ang respondent na si dating ARMM HELPS Program Manager Anwar Upahm para makapagsumite ng kanyang counter affidavit. Ang subpoena na inilabas noong March 7, 2019 ay bunsod ng inihaing reklamo ng isang Jeyhar Upahm laban sa…
Read MoreNARCO LIST NG PANGULO KINATIGAN NG PDEA
(NI NICK ECHEVARRIA) IPINALIWANAG ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesperson Derrick Carreon na ang tanging layunin ng ipinalabas na narco-list ng Pangulong Rodrigo R. Duterte kamakailan ay para mapigilan at ma-minimize ang korapsyon sa hanay ng mga government officials. Ginawa ni Carreon ang pahayag sa isang pulong ng mga government officials sa Davao City bilang tugon sa mga alegasyon na nais lamang dungisan ng ipinalabas na narco list ang kredibilidad ng mga politikong kasama sa listahan ng mga tinaguriang narco politicians sa bansa. Binigyang diin ni Carreon na ang…
Read More‘PINAS KUMALAS SA ICC; MILITANTE TAKOT SA PAG-ABUSO SA HUMAN RIGHTS
(NI BERNARD TAGUINOD) PINANGANGAMBAHAN ng militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na lalong lalala umano ang human rigths abuses sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang tuluyang pagkalas sa International Criminal Court (ICC). Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kung ngayon ay malala umano ang paglabag sa karapatang pantao lalo na sa giyera kontra ilegal na droga, asahan na mas malalala pa ito dahil sa pagkalas na ng Pilipinas sa ICC. “Nakatatakot isipin na higit na darami ang mga halimaw na mapang-abuso sa hanay ng kapulisan at…
Read MoreKAMARA SA SENADO: KAYO ANG HADLANG SA BBB NI DUTERTE
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong humaharang sa build-build-build program ni Pangulong Rodrigo Duerte, ito ay walang iba kundi ang mga senador at hindi ang Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ito ang sagot ng liderato ni dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa alegasyon ng Senado na sila ang humaharang sa mga programa ni Duterte dahil sa usapin ng 2019 national budget. “Ang Senado at hindi ang House of Representatives ang humaharang sa mga programa ni Pangulong Duterte, lalo na sa kanyang Build Build Build program,” pahayag ni House appropration…
Read MoreHALOS P20-M GUGUGULIN SA 2 BUWANG CLOUD SEEDING
IBINUNYAG ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi madaling gawin ang cloud seeding, na nakikitang solusyon para mapahupa ang nararanasang dry spell bunsod ng El Niño phenomenon kung saan gagastos ng aabot sa halos P20 milyon para sa dalawang buwang operasyon. Sinabi ni NDRRMC spokesperson Director Edgar Posadas na maraming factors ang dapat na ikonsidera sa pagsasagawa ng cloud seeding, o ang proseso kung saad ibinubuhos ang asin sa mga ulap para magresulta sa pag-ulan. Isa umano rito ay dapat na makapal ang ulap na pagtataniman…
Read MoreMAULAP NA PAPAWIRIN NGAYONG LINGGO, AYON SA PAGASA
APEKTADO ng northeast monsoon ang northern Luzon habang maaapektuhan ng tropical depression ang Caraga at Davao region, ayon sa weather bureau, Linggo ng umaga. Magiging maulap ang Caraga at Davao regions na may kalat – kalat na pag-ulan. Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga residente ng apektadong lugar sa posibleng flash floods at mga pag-ulan. Sinabi ng Pagasa na ang bagyo ay namataan sa 1,175 km East of Mindanao at patuloy na nasa labas ng bansa. May lakas ito na 45 kilometers per hour…
Read MoreP420-M CROP INSURANCE HANDA NA SA APEKTADO NG EL NINO
HANDA na sa susunod na dalawang linggo ang kabuuang P420 milyong insurance claims sa buong bansa para sa mga magsasakang nalugi o namatay ang mga pananim dahil sa tagtuyot dulot ng El Nino phenomenon, ayon sa Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) Ang tagtuyot ay inaasahan sa buong panahon ng summer kung saan naapektuhan na ng limang porsiyento ang produksiyon ng bigas sa unang tatlong buwan, ayon sa pagtatala ng gobyerno. Posible rin umanong maapektuhan ang industriya ng asukal na makuha ang taunang US quota para sa kasalukuyang taon dahil nakatuon…
Read MorePAGBAGSAK NG LOCAL FILM INDUSTRY SOSOLUSYUNAN
(NI MELL T. NAVARRO) LAST Wednesday ay isang historic dialogue ang in-organize ng Chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño-Seguerra, with movie producers and theater owners at distributors. Kabilang sa giant movie producers na dumalo ay sina Malou Santos (Star Cinema), Mother Lily Monteverde (Regal Entertainment), Vincent Del Rosario (Viva Films), Orly Ilacad (OctoArts Films), Dondon Monteverde at Erik Matti (Reality Entertainment), at iba pa. Ang agenda ay hanapan ng solusyon ang mga problema ng industriya, partikular na ang patuloy na hindi pagpatok sa…
Read More